18

1K 39 0
                                    

Hiro


"Pare! Ang tagal na nating hindi nagkikita!" Sabi ni James. Isa sa kaibigan ko na umakbay kaya tinulak ko sya papalayo. Ang bading.


"Kamusta yung pagaaral nyo dun? May nga chiks ba?" Tanong naman ni Harry.

"Hindi ako nagaral dun para mangchiks mga pare. Pero school of performing arts yun. Malamang madaming chiks"


"Tara alis tayo!"

"Mga pare 11pm na. Magpapahinga na ako"

"Dali na! Dating gawi!" -James

"Alin dun? Tanga ang dami nating dating gawi!" Sabi niya na sinangayunan ko. Tanga tanga talaga.

"Edi manunuod sa dance showdown! Baka nandun si Fionna dali!!!" Madaling sabi niya kaya nginisian ko sya.

"Hindi no. Nagpaiwan si Fionna sa dorm. Hindi ko ba nasabi? Kaklase ko sya dun"

"Tangina pare di mo sinabi edi sana pumasok din ako dun!" Pagwawala nya. Ang arte nito.

"Tanga. Wala ka namang talent" nakapoker face na sabi ni Harry kaya natawa ako. Sya naman ay sumimangot na parang bading.

"Edi manuod nalang tayo. O kaya sali na tayo tutal nanjan na si Hiro"

"Napakakulit mo naman! Dali na magpunta na tayo!" Sabi ko. Naglakad lang kami dahil napakalapit lang yun samin.


Pagpasok namin, maingay. Nagsisimula na pala. Niliitan ko yung mata ko at nakita sya. Teka tangina paano sila nakalabas? Eh nagpaiwan sila ah.



"Akala ko ba wala si Fionna?! Tanga ayan oh!" Sabi niya at binatukan pa ako. Malay ko ba.


Pinanuod ko lang sila at kinausap pa sya. Tangina. Kinausap pa sya ng mga dati nyang kagrupo na nanloko sa kanya harap harapan.




Bigla akong nanggigil at gustong umakyat dun para suntukin yung lalaking umakbay kay Mica. Umakbay pa ang gagong ex ni Fionna sa ex ko. Tangina nangaasar pa talaga ang gago.



"Oh pre chill"



"First time na nagtie!" Nagingay sa buong lugar at binigyan sila ng envelope.


"Grabe pare! Tig 5000 din sila nyan!"-Harry

"Sino yung kasama ni Fionna? Ibang grupo na pala sya no"



"Tara umalis na tayo" sabi ko pero pinigilan ako ni Harry.

"Wag pare. Ipakilala mo kami sa kagrupo ni Fionna"

"Wala silang oras makipagkilala. Tara na" sabi ko kaya wala silang nagawa at umalis na.



Naghintay kami hanggang sa matapos at nagtago ako dahil baka makita ako ni Fionna at matakot pa sya. Hinintay ko syang makaalis at hinintay ko ding makalabas yung mga kalaban nila.




Nakasunod kami sa kanila at di ko alam kung bakit namin ginawa yun pero mas maganda ngang sinundan namin sila dahil nakasunod din sila kila Fionna.



"Fionna!" Nakatago lang kami sa kanto dahil sa pagtawag nito.

Pero nakasilip kami.


"Bakit nagbago ka? Bakit ka umalis sa grupo?" Habang nakatingin, naramdaman ko ang takot ng dalawan kasama ni Fionna na si Gray at Jenny.



"Nagbago? Umalis? Eh diba yun naman ang gusto nyo? Psh. Hindi ko nga alam na kayo pa ang makakalaban ko eh. Wag kang mag-alala, sa susunod na makakalaban namin kayo, sinisigurado kongㅡ matatalo kayo"





Lahat ng kaharap nya ay nagtawanan pero hindi sya nagpadala.


"Nagjojoke ka ba? Kahit ata sinong isama mo, hindi kayo nanalo. Alam mo kung bakit? Kasi ikaw ang nagpapatalo! HAHAHAHAHAH"



Nakita ko ang kamay nyang nanggigigil at ang mga mata nyang naluluha kaya lumapit ako sa kanya at naramdaman ko naman ang pagsunod ng dalawa kong kaibigan.



"Nagpapatalo ba sabi mo, Mica?"


"Hiro!" Nakita ko yung gulat sa mata nya.


"Oo nagpapatalo sya pare. Tingnan mo nga, nung umalis sya, nananalo na kami. Ibig sabihin, sya talaga ang malas!" Sabi ng isang lalaki.



"Mali. Kayo ang malas para sa kanya. Kung hindi sya umalis, edi sana hindi sya makakapasok sa mga contest nang magisa. Hindi sya nananalo sa mga contest na hindi papel ang boboto kundi ang mga matataas na mga judges. Alam nyo yun? Hindi. Kasi hanggang dito lang ang kaya nyo. Hindi na kayo aangat pa"






Biglang nanggalaiti yung lalaki at binalak na suntukin ako pero inunahan ko na sya.




"Hinding hindi mo mahahawakan yung mukha ko. Mahal to" sabi ko at hinila na si Fionna para ialis dun.



"Hiro ginagawa mo na to dahil iniwan kita? Gumaganti ka?" Napahinto ako at napangisi. Nilingon ko syang naluluha. Best actress no? Pwede na syang mag sopa.



"Bakit naman ako gaganti? Sino ka ba? Hindi na ako nanghihinayang na iniwan mo ko eh. Mas maganda kasi yung pumalit" sabi ko at kinindatan sya saka umalis.





Nakalayo na kami sa kanila at binitawan ko na si Fionna.



"Bakit ba kasi kayo lumabas ng dorm?"


"A-Aalis na kami. Babalik na kami dun" sabi niya kaya tumango ako.


"Mga pare, ihahatid ko lang to" sabi ko at tumango sila. Nagtaxi kami pabalik sa school at sa likod dumaan.



"Salamat, Hiro ha?" Sabi ni Gray.

"Wala yun. Sige na, mahuhuli pa kayo" sabi ko at pumasok na sila.

Starfield University (Campus Queens 3)Where stories live. Discover now