22

984 41 0
                                    

Gian

"Goodafternoon" napatayo kami at bumati. Panibagong araw nanaman. Iba na namang araw para magpractice.

"So i've decided na pasalihin kayo sa dance showdown na yun with Miss Chin. Hindi ko na kailangang sumali dahil alam kong magagawa nyo yun ng maayos. Ito ang final papers at nasign ko na yan. Pero kung sakaling magbago ang isip ko, baka panuorin ko kayo kung saan man yun" sabi ni Director

"Thank you director. Utang na loob ko po sa inyo yun" sabi ni Fionna na nagbabow.

"Wala yun. Infact, kayo palang ang unang sumali sa ganun sa buong pananatili ko dito sa University kaya bilib ako sa inyo"

"Salamat po"

Palabas na sya at binati namin ulit saka nagapiran yung mga babae.

"Oh anong balak nyong gawin?" Tanong ni miss Chin.

"Oo nga. Nagpractice na tayo kahapon eh" -Dave

"Edi practice ulit ngayon." Sabi naman ni Hiro kaya tumango kami at nagpunta sa practice room kaso may ibang gumagamit kaya nagpunta nalang muna kami sa court.



"Basketball muna tayo!" Sabi ni Travis.

"Sige magpalipas muna kayo jan habang naghihintay tayo." Sabi ni Mad. Okay.

Bumaba kaming lahat na lalaki at nagbasketball.

"Okay by 4-5 tayo" sabi ni Mark at nagpilian kami. Yung isang team kay Mark at yung isa naman ay kay Travis kaya napunta ako kay Mark. Kakampi naman namin si Renz at Kean. Yung sa kanila naman, si Travis, Vince, Dave, Carl at Hiro.


Naunang bola kila Travis kaya kumilos na kami.

"Go Travis!"
"Go Mark!"

Hindi namin pinansin yung mga cheer nila at napatingin ako kay Madison na nagchecheer din.

"Gian salo!" Nabigla ako sa paghagis sakin ng bola kaya dali dali kong shinoot.

"Bang!"

"Basag!"

"Ayos ka dun pre ah"

Nagpatuloy lang yung laro at nagfocus nalang ako. Mamaya ipasa nanaman sakin ng di ko nalalaman eh.

Pagtapos ng dalawang laro, tumigil na kami dahil nagsialisan na yung mga tao sa dalawang practice room.

Kinuha ko yung tubig ko sa bag at tinitigan. Debale na nga.

"Bakit ayaw mong inumin yan"

"Ay pusa ka" bigla syang natawa dahil sa sinabi ko. Nagsasalita kasi bigla bigla eh!

"Bakit kako ayaw mong inumin yan? Tinititigan mo lang"

"Wala lang."

"Inumin mo na. Kesa iwan mo tapos ako pagdadalhin mo" sabi niya sakin na natatawa at nauna na.


Ang slow niya. Iniiwan ko lang naman para may mainom sya. Ang hirap kayang laging nagpapractice tapos wala ka pang naiinom. Hays



"Oh pre, umiiling ka jan?" Tanong ni Hiro.

"Tsismoso mo pre"


"Leche kunwari ka pa. Dalian mo jan" sabi niya kaya napangisi lang ako. Sya tong mabagal eh ako pa sinasabihan nya.



Pagdating namin sa practice room ay nagannounce si Miss Chin na sinabihan nya yung dj dun sa dance showdown na sasali kami at maghanda yung mga gustong lumaban. Wow, naging legal nga.





"Fionna, baka sabihin nila na nagtawag ka. Baka sabihin nila na natakot ka" -Kean


"Yun nga eh. Baka pagnalaman nila na trainees tayo eh baka tayo ang iboto nila"


"Eh anong gusto mo?"


"Sabihin mo kay miss Chin na sabihin sa dj na hindi tayo trainees sa university na to. Street dance slash hiphop pa din. Walang taasan"




Ibang klase talaga sya. Gusto nya pantay pantay pa din.


Sinunod naman iyon ni Hiro at binulungan si Miss Chin na kinatango naman nya.


"Hindi ko pa naman sya nasasabi pero buti nalang sinabi nyo sakin yung pwedeng mangyari. Wag kang magalala, walang makakaalam"



"Salamat miss"


"So simulan nyo nang magpractice. Papanuorin ko lang kayo" nagpractice na kami pero ako pumunta muna sa cafeteria para bumili ng extra tubig. Since ayaw nyang yung akin, edi bibilhan ko nalang sya.





Pagbalik ko, pnagsama ko yung mga tubig namin at tinabi ko yung tubig ko at yung para sa kanya saka nagpractice.








Starfield University (Campus Queens 3)Where stories live. Discover now