44

809 34 0
                                    

Gian

"Kayo, bakit hindi nyo pinagsalita si Nathalie? Go Nathalie ikaw na" sabi ni Miss Chin.

Tumayo sya. Akala namin aalis sya pero hindi pala kasi lumuhod sya sa harap ni Unice kaya nagulat sya at bigla nyang pinatayo pero ayaw nya. Nakaluhod lang sya at umiiyak.


"Sorry Unice... im very very sorry" puno kami ng pagtataka kung bakit sya nagsosorry. Pati si Unice ay hindi maintindihan kung bakit nga ba sya nagsosorry.


"Bakit ka ba nagsosorry jan? Baliw to" sabi nalang ni Unice kahit na nahahawa na sya sa pagiyak ni Nathalie. Napatingin naman ako kay Fionna na masama ang tingin kay Nathalie kahit na naluluha na din sya.



"Ako ang dahilan kung bakit hindi ka natanggap. Ako ang dahilan bakit ka kinabahan at ako ang dahilan kung bakit maiiwan ka dito. Im sorry Unice. Sinadya kong pakainin kayo ng puro matamis at malamig nung gabing yun. Im sorry Unice.. im sorry"




Lahat kami nanlaki ang mata. Napatakip ng bibig si Star at Unice dahil sa nalaman nila. Nakakabigla talaga.


"U-Unice, alam ko... alam koㅡ"

"ㅡalam kong kinabukasan na dadating yung tatlong ceo kaya ginawa ko yun. Im sorry Unice"



"Nathalie? Bakit mo ginawa yun? Nathalie you're so selfish!" Sabi ni Miss Chin na nanghihinayang din kay Nathalie.

"I know.. i know im selfish! Naging selfish ako kasi insecure ako! Oo insecure ako kasi walang nakakapansin nang talent ko. Sa sobrang insecure ko, natakot ako. Natakot ako na baka na baka hindi ako matanggap"




"At okay lang sayo na may maiwan satin ganun? So lahat ng to kainggitan lang Nathalie?" Naiinis na sabi ni Star.


"Hindi Star! Alam kong hindi ako matatanggap ni daddy pag di ako nakapasa gaya ng ginawa nya kay ate Hani. Unice im sorry... naiintindihan ko kung hindi mo ko papatawarin." Sabi nya. Tumango tango si Unice at umiwas ng tingin kay Nathalie sign na hindi nya magagawang patawarin si Nathalie.



Lumapit naman sya kay Gray. Ay mukhang alam ko na to ah.

"Gray im sorry din.. im sorry kasi nagawa kong lagyan ng thumbtacks yung sapatos mo. Im sorry kung napahamak pa kita. Im very sorry.."

Hindi na kami nagulat. Nagawa nya ngang sirain si Unice, si Gray pa kaya?

"Tama pala sila Caellie at Sabrina. Nasa atin pala talaga ang gumagawa nun. Gosh i can't believe it" sabi naman ni Jenny.



"At sayo Fionna. Alam kong galit ka pa din sakin dahil sa ginawa ko. Kinakahiya mo na ako bilang bestfriend mo. Sorry kasi nadisappoint kita. And sorry kay Renz. Madami akong kasalanan sayo. Sorry sa lahat and miss Chin, im sorry kung nadisappoint kita."



"Imbis na magtiwala ka sa kaya mo, gumawa ka pa ng mali Nathalie. Dapat nagtiwala ka nalang sa sarili mo. Walang pumupuri sayo? mali ka. Walang nagsasabi sayo kasi speechless kami pagnagpeperform ka. Hindi kami makapagsalita dahil sa galing mo. Nathalie pano kung makasira sa future mo yan? Mas madaming magagaling pagpumasok kana sa CSW company. Anong gagawin mo? Gagawin mo ba yung katulad sa ginawa mo dito? Nathalie once na umalis ka na dito, magbago kana. Learn how to play fair. This is not PBB kung saan may nananalo. Kasi bahay nyo to kung saan lahat kayo mananalo."



Tumango tango si Nathalie at pinuntahan ni Miss Chin saka niyakap. Ganun din yung iba pero yung mga pinagsorryhan na, hindi sya niyakap pwera kay Gray.

Pagtapos namin magsabihan sa dance practice room, umakyat na kami para nagimpake kasi bukas lalabas na kami. Sa ibang dorm na kami titira. Makakasama na namin yung hindi nanaman namin kakilala.

-

"Gian tara na!" Pagpupumilit nila Solar habang nakahawak sa bag nila.

"Mauna na kayo! Magpapaalam pa ako!" Sabi ko sa kanilang tatlo at tumango sila. Pagkalingon na pagkalingon ko, nasa likod ko na pala si Maddie at bigla syang tumalikod para itago yung mukha nyang umiiyak.

"Mad" napatingin sya sakin na namumugto ang mata. Ayoko pa namang nakikita syang umiiyak. Feeling ko ako ang may kasalanan.

"Baka ito na yung huli nating pagkikita. Mas magiging busy kana" sabi niya kaya di ko napigilan at niyakap sya.

"Mamimiss kita" bulong ko sa kanya. Para man kaming tanga na nagyayakapan sa tapat ng gate ng school.

Naramdaman ko yung basa na yung damit ko sa mga luha nya kaya hinaplos ko nalang yung mga buhok nya.

"Ipangako mo nalang na maga-audition ka dun ngayong christmas break mo. Try lang ng try. Gusto ko ding makagraduate ka at maging sikat na artist. Ipangako mo"

"Pangako, Gian" bumitaw na ako sa kanya pero mas hinigpitan nya lang yung yakap nya sakin. Parang gusto ko na ding magback out sa company na yun at samahan nalang sya.

"Sorry. Ngayon ko lang naintindihan eh. Ngayon ko lang naintindihan lahat ng sinasabi mo. Gian, malalayo kana"

"Okay lang yan. Magkikita pa din naman tayo. Papasok pa din ako. Hindi ako magpapakabusy, promise. Papasok pa din ako para magkita tayo"

"Ehhh! Hindi ako naniniwala! Pero sige, alam ko namang tutuparin mo eh. Psh hahaha! Bye Gian" sabi niya sakin at bumitaw na. Hinigpitan ko yung hawak ko sa bag ko at sa maleta ko bago umalis.

Tinititigan ko lang syang nakangiti sakin. Posible pa rin namang kami parin sa huli kahit na mga sikat na kami. Naniniwala ako dun.

"Bakit ka ngumingiti? Alis na!"

"Okay, aalis na ako. Goodbye Mad, ang laging galit hahaha joke! Mamimiss mo pagtatawag ko ng Mad sayo. Ako lang kasi gumagawa nun eh. Bye na"

Bago ako umalis ay hinalikan ko sya. Sa pisngi at umalis. Alam kong namumula na sya dun.

Naghintay ako ng bus papunta sa lugar kung saan nandoon yung company. Ilang oras ba byahe? 2 hours? Wow, makakapasok pa nga ba ako nun?

Saktong dumating na yung bus at sumakay na agad ako. Si Mark, Solar at Kean kasi. Hindi manlang ako hinintay porke sila sila na magkakasama. Hay jusko.

Starfield University (Campus Queens 3)Where stories live. Discover now