12

1.2K 51 0
                                    

Star

"Ehhh! Can i call mom? Please? Baka nandito yun!" Sabi ko kay Miss habang naglalakad sa mall.

"Hindi nga pwede Star. Pinayagan na nga kayong lumabas eh. Tsaka malapit na ang sembreak"

"Sige na nga Miss. Susunod na ako sa kanila" sabi ko at tumakbo papunta sa... the face shop? Seriously? Make up?

"Nakalukot mukha mo Star. Wala namang make up store sa center mall natin dun pero may mga damit. So kailangan natin ng make up. Mga face mask, moisturizers, cleanser at bb creams." -Fionna

"Sabi ko nga. Kaya nga di na ako umangal eh" sabi ko at di na pumasok. Naexplain nya naman na kaya nakibili nalang ako.

Hindi naman sa walang make up store sa center mall namin. Meron dun pero puro maybelline, fashion 21, at nichido lang which is nakakasawa.

Pagkatapos naming mamili sa the face shop, innisfree, etude house at tony moly ay nagulat ako ng wala na akong pera sa wallet kaya tiningnan ko yung mga resibo. Omg.

"Magkano na nagastos mo?" Tanong ni Maddie kaya pinakita ko yung resibo at natawa sya.

"SINO NAGYAYA BUMILI NG MAKE UPS?! OMG!" sabi niya kaya tiningnan ko din yung kanya na naka 7k+ yung nagastos nya.

"Si Unice!!!" Sabi naman ni Jenny kaya nagtawanan kami. Buti nalang 5k lang nagastos ko at mejo nacontrol ko pa.

"Unice magkano?"

"7k+ lahat. Okay na yan. Ngayon lang naman tayo nakabili ng ganito" sabi niya kaya tumango sa kanya si Fionna.

"Now saan na tayo?"

"Bili tayo ng damit para sa program" sabi ni Solar kaya lahat din kami nagpunta dun. By the way, lahat ng girls lang dahil nagiba kami ng pinuntahan pati ni Ms Chin.

Pagdating namin sa isang boutique ay nakakita agad kami ng mga damit na pang hiphop at may pang formal din.

"Ito sakin!" Sabi ni Gray sabay pakita samin ng short skirt na kulay mint green na may partner na black din na shirt saka ako nagthumbs up nung may tinry syang choker na mas nagpaganda sa kanya.


"Ito sakin ha!" Sabi naman ni Nathalie at may pinakitang.. ano bang tawag dito? Jumper? Basta jumper na skirt at may tshirt sa loob.

"Mukhang bata"

"Ayos lang!"

"Guys eh kung pare pareho tayo?" -Jenny

"Pwede din pero wag parepareho ng kulay. Pero sa duet tska sayaw na magkahiwa hiwalay tayo, syempre iba iba" sabi ni Unice

Nagpasya kami na all tennis skirt sa pagsayaw namin ng we're all in this together at sa duet namin ni Travis ay naka brown ako na dress at sa aming girls ay naka leggings ako na black at tshirt na mejo off shoulder.



"Nays!" Sabi ni Maddie nang nakabili na kami at lumabas sa boutique. Kailangan ko pang mag withdraw sa ATM para magkapera pa.

"Wala na tayong bibilhin?" -Fionna

"Ano pa ba?" -Nathalie

"Wala na. Ay, ayun sila oh!" Sabi ni Solar nang makita sila Mark na kalalabas lang sa isang boutique din kaya pinuntahan namin.

"Ano binili nyo?" -Solar

"Kabaduyan" -Mark

"Kabaduyan ka jan. Kailangan natin to no! Masyado kaya tayong gwapo" sabi ni Travis at sinuot yung cap na black at nagmask na black din kaya natawa kami.


"Feeling si Travis hahaha" -Jenny

"Feeling ka pala pre eh" -Gian

"Grabe naman. Kayo din naman bumili ah? Oo nga pala, tapos na kayo?"

"Yep!" -Nathalie

"Good. Tara na puntahan na natin si Miss!" Sabi ni Hiro at tumango kami saka pumunta sa Starbucks kung saan nakita namin si Miss na may kasamang lalaki at tumatawa pa kaya pumasok kaming dahandahan



"Hello po!" Nagulat si Miss nang sabay sabay kaming bumati sa lalaking kasama nya.

"Shh ang ingay nyo" sabi niya.


"Hello po, boyfriend po kayo ni Miss?"-Maddie


"H-Ha? E-eh" sabi nito na may pagkamot sa ulo. Nahiya pa!


"Ano ka ba Maddie. Baka naman kapatid ni Miss" -Renz

"Ah oo nga pala Kids, si Jethro, fiancè ko" napatakip sila miss Chin, dahil sa tili namin. Bakit ba? Kinikilig kami eh.



"Uuwi na tayo? 6 30 palang" sabi niya kaya napaupo kami sa tabi nila. Hindi naman tabing tabi kasi yung upuan nila pang dalawahan lang talaga pero sila ang lumipat sa upuan namin.





"May hinihintay ka pa miss Chin?" -Travis.

"Wala naman. Sige Jeth, una na kami"


"Hatid ko na kayo, tara" napa'yes' kami dahil ihahatid kami at may kotse sya kaso siksikan naman kami. -_-"


"Miss Chin! Magba-bus nalang po kami" sabi ni Mark kaya nagtanguan kami.

"Aba hindi pwede. Pagmay nangyaring masama sa inyo ano?"


"Okay lang miss! Mas magandang solo nyo tong oras na to" sabi naman ni Nathalie.


"O sya, ihatid ko nalang kayo sa sakayan ng bus" sabi ni kuya Jethro.


Pagbaba namin ay sumakay na din kami sa bus pero pinaiwan namin si Miss Chin at pinasabay sa fiancè nya.

Starfield University (Campus Queens 3)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant