65

652 34 0
                                    

Unice

"Hello? Miss Chin?" Sagot ko sa kabilang linya kaya sumenyas ako kay Vince na si miss Chin yun at lumapit sya sakin.

"5pm na, wala pa din si Jenny. nasa bus ako ngayon para hanapin sya. Si Carl umalis bigla at di na sumabay sakin eh"

"O sige po miss Chin. Sinabihan nyo na po ba yung iba? Tutulong na po kami"


"Sasabihan ko palang. Sige magkita nalang tayo sa hotel"


Binaba ko na yung phone at sinabi kay Vince yung nangyari kaya nag ikot na rin kami dito. Nagalakad kami ng naglakad hanggang sa mapansin namin si Carl na takbo ng takbo kaya hinabol din namin sama kami nakita




"Nakita nyo na sya?!"

"Hindi pa. Tara sama sama nalang tayo" sabi ko kaya tumango sya at tiningnan namin sa mga shop na nakapalibot. Kaso naalala namin na wala nga pala siyang pera.


"Teka si Mark, tawagan ko kasi nasa park sila. Baka mamaya nandun si Jenny" sabi ko kaya napatango sya.



"Hello?" Sagot ni Solar sa kabilang linya.

"Nasa park kayo diba? Pakihanap si Jenny baka nanjan"


"Hinahanap na din namin. Wag kayon mag-alala" sabi niya kaya binabaan ko na at umalis ulit kami.

Nang mapagod kami ay sinabihan ko sila na magpahinga muna kami pero di pumayag si Carl. Ano bang problema nito?


"Hindi tayo pwedeng magpahinga. Alam mo naman na mag-gagabi na eh! Isa pa, wala syang pera, wala syang cellphone at wala syang mapagkokontakan dahil di nya naman alam telephone number ng hotel na nasa susi nya at ang susi nya ay nasa kwarto nila!" Sabi niyang nakahawak sa ulo niya kaya sinimangutan ko sya. Alalang alala ha.




"Kasalanan ko pag di sya nakauwi ng maayos Unice. Kasalanan ko. Wala pa naman syang maayos na Jacket para matiis yung ganitong lamig. Ang clumsy pa naman nun para maging mag-isa! Pano kung may mangyaring masama!? Nahostage? Nakidnap? Agh! Kasalanan ko talaga to!"



"Oo na! Hahanapin na natiㅡ" napahinto kaming lahat ng huminto din si Carl na parang may pinapakiramdaman saka may kinuha sa likod ng bulsa at naramdaman nyang nagvibrate ito dahil may tumatawag. Sa cellphone ni Jenny.




"Dali baka boyfriend nya yan!" Sabi ni Vince.


"Wala syang boyfriend!" Sabi niya naman saka sinagot at nilous speaker.



"Hello?"


"S-Sino to? N-Nandito ako sa... sa... sa police station. Si Jenny to.. yung may- ari ng cellphone. Bibigay ko na to sa pulis"




"Jenny?! Jenny!!! Teka" sabi ni Carl at lumayo ng kaunti saka binaba yung cellphone



"Tara! Malapit na yun dito sabi ng pulis." sabi niya kaya sumunod lang kami sa kanya hanggang sa makarating kami sa police station at nakita namin si Jenny na nanginginig.




"Unice!" Imbis na yumakap kay Carl ay yumakap sya sakin saka humagulgol.



"Saan ka ba nagpunta?! Nako kang bata ka! Teka tawagan ko si miss Chin" sabi ko pero hindi sya humiwalay kaya nakisuyo nalang ako kay Vince na tawagan si miss Chin at naintindihan niya.





"Filipino kayo?" Sabi ng isang pulis na mejo katamtaman yung kulay pero singkit.


"Opo"


"May nagreklamo sa kanya na isang driver dahil sa hindi pagbabayad. Buti nalang at narinig ko syang nagtagalog kaya naintindihan ko agad. Turista kayo sa lugar namin kaya pinapayagan naming hindi siya makulong okay? Kailangan lang ng magsusundo sa kanya. Pakipirmahan nalang to"





Lumapit si Carl dun at pumirma sa may logbook.


"Salamat po, salamat po talaga. Maraming salamat po sa pag-unawa"



"Walang anuman yun. Pasalamat ka iha at marunong ako sa filipino para maintindihan kita kundi, nakulong kana"




Walang hinto kaming nagpasalamat hanggang makalabas kami at nakita kami nila miss Chin na magkakasama na.




"Nako Jenny! Look at your self! Mukha ka nang batang napabayaan!" Sabi ni Gray na yumakap din kay Jenny.



"Sana maging lesson to sayo ha? Ang mahalaga nahanap ka nanamin" sabi naman ni miss Chin.



"Ayos lang yan, Jenny. Lakas maka-adventure diba? Ang saya no?" Sabi ni Fionna na nakangiti.



"Oo" sagot naman ni Jenny kaya nagtawanan kami at nabatukan ni Gray saka kami sumakay ng bus pabalik ng hotel.





Starfield University (Campus Queens 3)Where stories live. Discover now