55

779 39 2
                                    

Star

"Ayusin nyo na yung gamit nyo, bababa na tayo" lahat kami napatayo sa bus at inayos yung mga maleta namin. Nandito na kami sa airport. finally. Napahikab ako at umunat para ganahan ako. Inaantok pa ako at 5am palang ng umaga.

Pagbaba namin ng bus, dumeretso na agad kami sa loob at si miss ay nagpunta na muna sa counter kaya naghintay kami. Nakikita ko yung ibang tao na umiiyak pa dahil may maiiwan sila. Tsk, di ka pa nasanay Star.



"Star!!! Saya!" Sabi lang ni Madison saka sya inakbayan ni Gian. Sarap talagang paguntugin nitong dalawang to. Lagi nalang PDA!

"Hala! Sila yung ano... beh sila yung nasa Starfield! Yung mga magiging artista!" Napalingon ako sa dalawang babae na naguusap at nanlaki ang mata nila pareho. Ako lang ang nakarinig dahil may kanya kanya silang pinaguusapan.




"Papicture! Papicture!" Lumapit sila sakin at agad nagharap ng camera kaya kahit di pa ako nakangiti ay nagflash na. Gosh.


"Sila din! Teka si Nathalie Cruz! Ay wait... kay Unice muna.. teka ang dami nila!" Natatawa ako sa naging reaksyon nila. Hindi nila alam kung kanino magpapapicture.


"Girls, boys, tara na nandito na ang mga tickets nyo. Lahat ba nandito? Baka mamaya may nag cr" sabi ni miss Chin.

"Ayan na, aalis na sila. Dalian natin, picturan nalang natin sila kahit di tayo kasama"



Ganun pala feeling nun. Alam ko ganun lang pangarap ko once na makita ko ang mga idol ko. Pero di ko akalain na may maggaganun pala samin. Nakakatuwa lang kaso hindi kami nag first kaya hindi kami sa korea mapupunta.



"Tara na" tumango kami kay miss Chin at kumaway ako sa dalawang babae kaya kumaway din sila sakin bago ako magsuot ng mask at pumasok. Pagkalabas namin at pasakay na sa loob ng eroplano, hinanap ko agad si Travis. Kailangan ko syang katabi.




"Trav!" Natuwa naman sya at lumapit sakin saka kumapit. Oo, lumapit at kumapit sya kasi simula bata palang kami, takot na sya sa pagsakay ng mga ganito. Sa ferris wheel pa nga lang o sa eroplano na rides ay umiiyak na sya.




"Ang dami natin. Di kita mahanㅡmay dala kang bubble gum?" Sabi niya sakin kaya kumapa ako sa bulsa ng jacket ko.


"Hala, nasa maleta ko" nanlaki ang mata nya at napatingin sa mga maleta namin na pinapasok na sa pinakailalim ng eroplano kaya natawa ako.


"Joke lang, meron ako syempre"

Pagdating namin sa loob ay halos masakop na namin yung unang row ng mga passengers. Naglagay ako ng earphone saka tumingin sa bintana. Syempre sa tabi ng bintana ako. Hindi nya naman kakayanin na makitang papalipad na tong eroplano eh.



"Star akin isa ha. Hays" sabi niya saka kinuha yung isang earphone sa tenga ko. Ilang oras ba byahe mula sa pilipinas? 24 hours?


"Guys, may dinala akong pagkain. Mamayang tanghali nalang tayo kakain. May maghahatid din naman ng pagkain satin dito. Matulog nalang muna kayo"



"Thank you miss" sabi namin at sumandal na ako. Napatingin ako sa bandang gitna na ang magkakatabi sa limang upuan ay si Renz, Solar,Mark,Unice at Vince. Kami lang pala ni Travis yung nahiwalay at nalagay sa gilid na pang dalawahan lang ang seat.




"Kamusta ka naman jan Star?" Tanong ni Madison na nasa harapan ko.

"Wag ako tanungin mo, yung katabi ko" sabi ko. Pagtingin ko sa kanya, tulog naman pala sya kaso, tulog, o pinipilit matulog? Hahahaha.



"Ikaw? Masaya ka naman ba Maddie?"

Ngumiti nalang sya sakin at tumango. Ikaw ba naman katabi mo yung teka... M.U ba sila or mag boyfriend na? Nako, kailangan nilang magingat. Once na sumikat si Gian tapos biglang malaman na may girlfriend pala sya, baka mawalan sya ng career o di kaya ay mapagtulungan si Maddie ng mga fans.



Nakatingin lang ako sa mga ulap at nagpipicture ng kung ano ano. Di ko nalang napansin na magte-twelve na pala kaya ginising na nila yung mga tulog para kumain.

"Trav, gising na"


"Oo gising ako" sabi ko na nga ba eh. Bakit kaya ayaw nya nalang tumingin diba? Nako...


"Anjan na yung pagkain natin, kumain na tayo" sabi ni miss Chin saka may nag-abot samin ng sandwich na may palamang ham, bacon, kamatis, catsup mayonnaise, at yun lang tapos may kasamang juice. Malaki naman yung sandwich kaya sulit na.



Pagkatapos kong kumain ay inistretch ko pahiga yung upuan ko para makatulog naman.

Ganun din ang ginawa ng iba naming kasama pagtapos nilang kumain saka natulog. Wala namang magagawa dito kundi matulog eh.

Starfield University (Campus Queens 3)Where stories live. Discover now