17

1K 45 0
                                    

Fionna

"Bakit hindi ka umuwi?" Tanong ko kay Jenny. Alam ko ako lang yung hindi umuuwi tuwing bakasyon eh. Buti nalang at dumating sila dahil may kasama na ako.

"Ayoko dun. Pagiinitan lang ako ng stepmom ko. Nakikita ko palang syang pinapanuod ako naiinis na ako eh"

"Baka naman nagbago na yun" sabi ni Gray kaya tumango ako.

"Nagbago? Psh. Di nya alam yun. Ayaw nya kayang pumasok ako sa school nato because she hates my mom. Kamukha ko kasi mommy ko at sa kanya ko nakuha yung talent ko so, she hates me so much. Si dad lang ang pumayag kaya nakapasok ako at nabibigyan ako ng pera"


"Where's your mom ba?" Tanong ko.

"She died 3 years ago."

"Oh, sorry"

"Okay lang. Basta pumasok ako dito para sa kanya at hindi para sa kahit na kanino"


"Naks. Pareho pala tayo" sabi ko sa kanya.


"Eh ikaw, bakit ka nagpaiwan? Nacucurious lang ako. Nung nagpakwento si miss Chin para dun sa emotion emotion, ayaw mo. Kaya nacurious ako bigla." Sabi ni Gray na sinangayunan naman ni Jenny


"Wala naman na akong uuwian. Wala si daddy, nagtatrabaho kung saan pero hindi nagpapadala. Si mommy, nilayasan kami dahil wala na kaming pera."


"Eh pano ka nakakapasok at nakakaipon?" -Jenny



"Because of my ninong. Pinapagaral nya ako at binibigyan ng baon na para nyang anak"


"Oh?! Swerte mo at may ganyan pa! Bakit, wala bang anak ninong mo?"


"Meron. Kaklase nga natin ngayon at kabatch eh"

"Weh? Sino?" -Gray

"Si Hiro. Kinakapatid ko" tumango naman sila at nagisip pa. Oh, baka pati sila sabihin na magkakatuluyan kami ni Hiro? Hell no.


"Kaya pala lagi kang pokerface. Magthank you ka sa program at nagkaron ng kaunting emosyon mukha mo" sabi ni Jenny kaya natawa ako.

"Gusto nyong lumibot tayo sa centre mall?" Tanong ko sa kanila.

"Bukas ba?"

"Yeah. Tara libot nalang tayo" sabi ko. Nagdala sila ng pera nila at nagjacket dahil malamig sa labas.



"Madami rin palang nabibili sa mall na yun." -Gray


"Oo kaso ni isa wala tayong nabili. Hahahaha" sabi naman ni Jenny


"Mejo mabobored ako sa dorm. Dapat pala bumili manlang akong isang libro kaso wala akong napili eh. Hindi na ba tayo pwedeng lumabas?" Tanong ni Gray

"Yun lang. Hindi na. Dapat may magulang na susundo satin pero may alam ako" sabi ko sa kanila at nagtaas taas ng kilay.


"Nakakatakot ka naman Fionna."



"Tara, sama kayo sakin" sabi ko at tumango sila. Nagpadala ako ng pera sa kanila at bumaba ng dorm saglit nang may makita kaming isang lagyanan ng exhaustfan na wala namang laman kaya binuksan ko yun at lumusot kami.



Mahaba na ang ginapang namin hanggang sa makalabas kami pare pareho at tinakpan yung butas ng basurahan.


"Wah Fionna ang galing mo!" -Gray


"Now saan tayo pupunta?" -Jenny


Sinama ko lang sila kung saan masaya.


"Hoy Fionna. Kung sa bar or club tayo pupunta, wag mo nang ituloy. Mapapahamak lang tayo" sabi ni Gray.


"Hindi tayo mapapahamak ano ka ba."


"So dun nga tayo pupunta?"

"Hindi. May alam akong dance showdown dito. Minsan na kaming sumali ng mga kaibigan ko dati. Ano, game?"


"Dance showdown ba kamo? Game!" -Jenny


"Yep! At pagnanalo ka, 10,000 ang makukuha mo."

Tumango silang dalawa at sumakay kami ng taxi papunta dun saka nagbayad. Pagpasok namin, sobrang ingay na agad at may mga sumasayaw sa stage na nagshoshowdown.

Nanuod muna kami ng laban hanggang sa matapos at nagtanong na kung sino ang gustong lumaban sa nanalo.

"Kami po!" Sigaw ko kaya pinagtinginan kami.


"Wooooh!!!!!"

"Ate hindi kayo mananalo jan" bulong ng iba pero napangisi ako. Let's see.

"Nagbabalik ka nga ba? Guni guni ko lang ata to" sabi ng isa sa makakalaban namin.

"Tingnan natin kung mananalo kayo" sabi naman ng isa. Hanggang makaakyat ng stage at nagpunta sa pwesto namin ay ningisian ko sila.


Dalawang babae, tatlong lalaki ang makakalaban namin.

Biglang nagsalita yung dj/mc na nakatingin sakin kaya sinamaan ko ng tingin para hindi nya matuloy yung sasabihin niya.

"Alam nyo ba na ang bagong kakalaban sa ating champion ay dati nang lumalaban? Hi Fionna! Kamusta kana?"



Hindi ko sya sinagot. Wala na akong pake sa sasabihin niya.

"Let the battle begin!"

Nagpatugtog yung dj at pinauna kaming sumayaw. Una ako ang humarap sa kanila at binigay yung best ko hanggang sa hinarap ako ng nasa kalaban at sumabay sakin.

Akala ko ako lang ang lalaban pero nagulat ako dahil sumabay si Gray at sumayaw din kaya umatras ako para ibigay sa kanya yung pagkakataon.


Hindi sya nagpatalo. Sumayaw syang relax na relax na para bang professional. Buti nalang pala sinama ko sya.

"Hohoho! Maganda ang laban!"


Sunod naman ay si Jenny na hindi din nagpatalo sa dalawang babae na nasa harap. Girly sya masyado kumilos dahil sa itsura nya pero nakakadala pa din sya ng mga audience.

Nang matapos ang sayaw, naglagayan na sila ng papel sa mga box. At pumunta sakin yung isa sa kalaban.

"How nice."

"Then?"

"Tsk. Iba na talaga pinagbago mo."

Pinagtinginan ako ni Gray at Jenny sa tabi ko.

"Thanks to you. Thanks to all of you"

"Tsk. Asa ka namang mananalo kayo." Sabi niya at bigla syang inakbayan ng isa nilang kamember at ngumisi din sakin.

"Kamusta ka Fionna?"

Hindi ko na sya pinansin at nagsalita na yung dj kung sino yung nanalo.

"This is the first time!" Biglang nagsigawan yung mga tao. Nagingay. First time? Ibig sabihin, kami ang nanalo?

Sumama ang timpla ng mukha ng kalaban kaya natawa ako sa kaloob looban ko.

"First time na nagtie!"

Starfield University (Campus Queens 3)Where stories live. Discover now