23

916 47 0
                                    

Unice

"Dapat ay mejo streetdancers pa din tayo. Wag tayong paelegante" sabi ni Fionna kaya tumango kami. Nagtali nalang ako ng buhok at naglipstick na kulay orange saka nag tshirt at shorts.


"Pwedeng shorts, leggings at walang magpapalda" sabi naman ni Gray. Ito na yung araw na lalaban kami. Naghahanda lang kami.

"Tara na, nasa baba na daw yung mga lalaki" sabi ni Nathalie kaya sabay sabay din kaming bumaba at nandito na si Miss Chin tskaㅡ tska yung fiancè nya.

"Saan tayo sasakay?" Sabi ni Miss Chin.

"Taxi po kasi talaga ang sakayan papunta dun miss Chin. Pero pwedeng, jeep kaso dalawang sakay" sabi ni Fionna.

"Jeep nalang tayong lahat gusto nyo?" Sabi ni sir Jethro.

"Okay po! Di naman tayo kasya sa taxi eh" sabi ko

Paglabas namin ng University, naglakad kami agad at sumakay ng jeep. Naglagay yung iba ng mask at cap kaya binigyan din ako ni Vince. Ito yung binili nila nung nakaraang nakalabas kami eh. Color black yung mga mask.


Pinagtitinginan kami ng mga tao sa labas ng jeep. Puro kami nakamask sa loob ng jeep dahil sakop namin lahat. 19 kaya kaming lahat na nandito kaya sakto lang.

Pagdating namin dun, nanatili kaming nagoobserve sa mga nangyayari. Walang nakakapansin samin kaya tinanggal na namin yung mask dahil baka lalong akalain na sikat kami.


"Anjan na ata sila" sabi ni Fionna nung may nakausap yung dj na isang lalaki.

"Tangina kasali sila?" Napatanong si Hiro sa sarili nya kaya nagtaka ako.

"Hiro bakit kasali si James at Harry jan?!" Pagbubulungan nilang dalawa pero rinig namin. Madami ring tao at maingay.

"Hindi ko alam. Mukhang balak pa akong kalabanin ng mga to"

"Simulan na natin ang laban!!" Unang umakyat sa stage yung dalawang magkaibang grupo. Hiphop kung hiphop. Freestyle kung freestyle.

"Tangina bakit sa mga kaaway pa natin sumali yang ugok na dalawang yan? Humanda yan sakin"

Pagtapos ng laban naglagay ang ibang tao sa box ng mga pera. Teka pera?!

After 10 minutes ay nagannounce na ng pangalan ng nanalo.

"Ang nanalo sa oras na ito ay ang, HIPHOP YOUTH!" nagpalakpakan at nagbow ang mga taong kanina pa pinaguusapan nila Fionna. Lahat ng pera na naipon ay binigay sa nanalo. Edi ang yaman na pala nila.



"Sino ang susunod na lalabaㅡ"

"KAME!" Sabay na nagtaas si Fionna at Hiro kaya napangisi yung mga kalaban at pati narin yung dj. Kinabahan ako dahil tumutok yung spotlight samin.


Nagpalakpakan yung mga nasa stage at nagtawanan habang nakatingin samin. Talagang nakakainis nga pala talaga tong mga to.

Nung umakyat na kami sa stage, konti lang muna kami. Ang plano namin ay pagkami paatras na, silang mga nasa likod ang aabante.

Kami muna ni Hiro, Fionna, ako, Mark, Jenny, Carl at Travis.

Sumayaw kami ng sabay sabay at kahit iba yung music. Napagusapan na din to na ganito ang sayaw para kapag iba ang music, sabay pa din.


"Yo yo yo yo!" Sabay sabay na sabi ng mga nanunuod kaya napatingin ako sa kanila at kumindat.

Habang sumasayaw kami ay sinasabayan namin ng pagkanta. Pero syempre lipsync lang. Kalagitnaan nun ng papalapit ng papalapit yung mga kalaban na para bang sinasabi nilang "teritoryo nila to", naggive way kami saka pagpasok nila Star, Renz, Jenny, Gian, Madison, Kean at Dave.

Sila naman ang napaatras dahil sa pagpasok nila Star kaya napangiti ako. Alam ko lang si Star bilang kpopper at mahilig sa mga kdramas pero hindi ko inexpect na ganito sya kaseryoso sa pagsasayaw ng hiphop.




Biglang nainis yung mga kalaban kaya ginaya nila yung strategy namin at yung mga nasa gilid ay umabante. To be exact, sinapawan nila yung mga kakampi nila.


Pero di kami nagpapahuli. Nagtinginan kaming lahat saka sabay sabay yumuko at tumambling silang tatlo. Si Solar at Nathalie ay nagsplit ng sabay pagtapos tumambling at si Vince ay nagheadspin kaya napilitan yung mga kalaban na umatras para di matamaan.





"Yo yo yo yo!" Pagsabay namin sa beat. Pagtapos ng kanta ay tumayo si Vince at huminto din kaming lahat.


"Kinakalaban mo talaga kami?" Lumapit yung isang babae kay Fionna at tinulak sya pero nahawakan ni Hiro at tinulak naman yung babae.

"Don't you dare touch her. Masyado syang.. precious kesa sayo"


"Hop hop hop! Stop the fight and let's see the results!" Sabi ng DJ at tinaas ang dalawang box. Majority win!!

Nagpalakpakan kami pagkakita namin sa box namin. Hindi lang puno ng pera eh. Umaapaw pa.

Padabog na bumaba at umalis ang mga kalaban at binigay saamin yun perang 10,000. Malakas ang palakpak sa amin ni miss Chin at naghawakhawak kami saka nagbow.


Starfield University (Campus Queens 3)Where stories live. Discover now