33

789 36 0
                                    

Gray

"Gising na, gising na" bigla akong napabangon dahil may ibang boses akong narinig at nagawa pang alugin ako.


Pagbangon ko ay nakita ko na yung babaeng iba na yung ginigising.

"Teka sino ka po?" Tanong ko sa kanya.


"Im Sabrina. 17 years old, from special section. Why?" Halos lahat din ng mga kasama ko ay nagising bigla na may panlalaki ng mata.

"Good at tinanong mo. Maligo na kayo dahil maaga tayong papapuntahin sa room." Sabi niya at lumabas. Aba, like a boss.

"What the eff. Ang aga pa!" Reklamo ni Jenny. Naunang pumasok sa cr si Star at sumunod na ako.

Nagayos muna ako ng konti saka bumaba magisa para magpunta sa room. Excited na akong ipakita yung napractice namin bukas.

Pagdating ko dun ay may note sa pintuan.

"Go to dance practice room. Ipepresent nyo napractice nyo"



Napafacepalm ako dahil hindi pa sinabi kanina samin. Nagsimula na akong maglakad papunta sa dance practice room at what the hell. Dapat pala hinintay ko muna yung iba.

"She's ate Gray!" Ngumiti nalang ako ng konti sa kanila. Tatlo na sila ngayon. Yeah. Tatlo at isa si Jillian.

"Im Caellie Ramos, 17 years old"

Kailangang i-emphasize yung taon? Nako, magiging bossy lang kayo eh.

"Bakit hindi nyo kami sinundo kahapon sa office?" Tanong nung isa.

"Pinakiusapan naman na namin si Jillian since pagod kami sa practice"

"So si Jillian hindi pagod? Tsk" sagot naman ng isa. Putek na yan. Gumaganon!



"Hahahahaㅡ" napatingin ako sa pinto kung saan papasok na sila Unice kasama yung ibang classmate pati na rin yung mga lalaki

"So, kayo yung 16G at B? Ang dami nyo naman pala hindi nyo pa kami nasundo sa office"

"Seriously? Ang bigdeal ba ng hindi pagsundo sa inyo? And besides, dapat alam nyo na yun kasi special section kayo. Dito din kayo pumapasok kaso sa ibang building lang. Kelangan paVIP?" Naiinis na tanong ko saka sila tumayo at humarap sakin.



"Yes, we're VIP. Kung umalis kami at nagbackout, kayo din yung mawawalan ng future. Kaya magingat ingat ka sa mga pananalita mo" sabi sakin ni Caellie

"Gray tama na yan" sabi ni Unice at hinila ako sa kanila. Buti nalang at dumating na yung trainor namin.

"Okay, akin na yung nakaplay dahil magsasayaw na kayo. Oh, kayo yung bago? Naturo na ba sa inyo yung sayaw? Alam nyo na ba gagawin?"

Bigla kaming kinabahan. Hindi namin sila naturuan kaya malamang kami ang mapapagalitan.

"Yung sayaw yes. But yung position, hindi namin alam kasi hindi kami naturuan ng 16G at B. Nagturo lang samin is si Jillian, mam"

"What?! Why?!"

"Missㅡ" naputol ang pagsasalita ni Fionna dahil sumingit si Sabrina.

"Because they're already tired, ma'am. Naiintindihan po namin na pati ang pagsundo sa amin ay si Jillian ang gumawa"

"My gosh Unice."

"Sorry po" nakayukong sabi ni Unice.

"Hindi naman po kasalanan ni Unice ma'am. Lahat po kami dahil pinagod namin yung sarili namin sa pagpapractice. Masyado po kasi kaming nagfocus and again, that's our fault" sabi ni Solar.


"Tama na nga yan. Ituro nyo na yung position sa kanila. Ayan na yung ipe-perform nyo once na dumating yung big3. Hinanda ko lang kayo dahil wala silang binigay na date at surprise yun"



Omg.

Pumwesto na kami at tinuro sa kanila yung position saka yung sayaw. Pagtapos ay pinakita na namin kay mam at nagapprove sya.

"And then yung individual performance, alphabetically" sabi ni mam kaya nauna si Unice.

Pagtapos nya ay nagkasunod sunod na at perfect naman ang nagawa naming performance kaya maaga nya rin kaming diniscuss.

"Tara kain tayo sa cafeteria" yaya ni Travis at tumango kami.

"Kayo lang?" Nakapameywang na sabi ni Caellie.

"Depende PO kung sasama kayo kasi wala naman akong niyayaya" sagot nya at may umapoy sa utak ko with soundeffects na BURN.

Savage

"Hahahahaha" hindi ako yung tumawa kundi si Jenny. Nagtatawanan sila ni Nathalie pero di na ako nakasali. Mejo may hangover pa ako sa nakasagutan ko.



Starfield University (Campus Queens 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon