25

1K 41 0
                                    

Carl

"Good at alam nyo na ang pwede nyong maging posisyon. Kaya ko kayo sinabihan na may schedule, ang AMC o All Music Company ay balak kayong kunin sa isang show next week."


Halos lahat kami napa 'yes' dahil sa binalita nya pero mukhang hindi sya natutuwa.

"Trainees palang kayo pero ubod na sa trabaho. Pero maganda na yun. Bukas ang broadcasting, hindi live"

"Ano pong show?"

"Ay mali. Hindi pala kayo yung nasa show. Kayo yung kakanta ng ost ng show. Gets nyo ba?"

Malamang lahat kami at pare pareho ng iniisip. Tangina paasa masyado. Sabi niya kami daw yung nasa show.

"So next week yun at ang kakantahin nyo ay yung mga kinanta nyo yung program. Yung puro disney songs. At ang assignment nyo bukas, kakanta kayo dito sa music room ng individual. The concept is all about human. Hindi tungkol sa pagibig ha. Done good bye"



Napatayo kaming lahat at naggoodbye. Yun na yun? What kind of trainor is she?


"Ano ba yan! Wala tayong matututunan for sure" -Kean

"Di rin. Di pa naman natin alam" -Mark

"Wait magsesearch lang ako ng kanta" sabi ni Star at umalis.

"Ako din pala, bye" sabi ko. Wala na rin namang klase.


Sinundan ko sya hanggang saan sya magpunta at nakita ko sya sa may wifi zone.

"Huy"

"Ay putek ka nakakagulat ka naman eh!" Sabi niya at nahampas pa ako. Ang bigat ng kamay nya.


"May nasearch kana"

"Kakarating ko lang kaya" sabi niya at humarap na sa cellphone. Kinakabahan ako. Ang awkward naman indoy!

"Star pwede ka ba mamaya?"

"H-Ha?"


"Hindㅡi mean, may time ka mamaya? Gusto sana kitang yayain lumabas. Wag kang mag alala wala namang malisya"


"Yayayain mong lumabas tapos walang malisya? Yung totoo Carl?"


Napakamot ako sa ulo ko dahil sa sinabi niya. Ang tanga mo Carl. Di ka nagiisip.

"Hindi ba delikado para satin? Ahm, syempre bawal tapos ano tapos baka may makakita satin at isumbong tayo"




"Hindi yan! Hindi yan promise! Tsaka hindi ka naman mapapahamak. Promise yan"


"Promise? Nako Carl!"

"Oo nga. Sunduin kita mamaya sa dorm nyo by 7pm. Wag mo nalang ipasabi para matuloy tayo"


"Teka. Date ba yang inaalok mo?"

Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Bwisit. Kung hindi ko lang sya makikitang seryosong kumakanta kasama si Travis hindi ako magkakaganito eh. Oo kasama nya mga kaibigan nya pero mas naiinggit ako kay Travis. Mas malapit sila.





"D-Date?ㅡ teka hindi! A-Ano kasi"

"Hep! Alam kong date yang inaalok mo sakin pero bawal. Pwede tayong lumabas pero bawal date okay?" Sabi niya na mas lumapit pa kaya napalunok ako at tumango.







"Naks pre ayos na ayos ha. Saan punta mo? Sa centermall? Hahahaha"

Lumingon ako para batukan si Dave. Hindi sya nakakatawa. Nag-gel lang ng konti ayos na ayos na?


"Teka san ka nga ba pupunta?" -Kean

"Baka may idedate" -Renz

"Anong trip mo at nakasalamin ka? Nerd ka ba?" Tanong ni Mark kaya nginisian ko lang.

"Sinong idedate nya? 17? O 15?" Natatawang sabi ni Vince. Loko tong mga to. Hindi nyo kasi alam.

"Hindi sumasagot pre. Baka totoo. Pakilala mo din kami ha!" Sabi ni Travis kaya tumango ako. Sige, ipapakilala ko sa inyo.



Pagtapos kong magsapatos at magsuot ng jacket ay lumabas na ako ng dorm at naghintay sa baba. Nakita ko din syang naka longsleeve na may nakapatong na jacket, pantalon at boots. Ang angas nya talaga.


Kung titingnan sa mukha, pareho kaming nakasalamin. Tapos maayos na nakatali ang mga buhok at nakalipstick?



"Gaya gaya ng porma" sabi niya sakin.

"Baka ikaw."

"Saan tayo dadaan?"



"Dito" sabi ko at naglakad sa likod. Meron ding butas dito para sa fire exit.fire exit pero sobrang liit ng butas.



"Seryoso lulusot tayo jan?"

"Oo ppali!" Sabi ko at lumusot. Paglabas namin ay tinakpan namin yung butas ng basurahan.




"Ppali? Diba korean yun? Pure korean ka ba or nah?"

"Nah."


"What do you mean by nah?'

"Ewan ko. Ikaw nagpapili kung pure or nah. Nah sagot ko" sabi ko kaya pinalo nya ko at natawa.

"Joke lang. Half syempre pero wala akong masyadong alam sa korean. Minsan naririnig ko lang mama ko paguutusan na ako" sabi ko at napakamot.


Kinuha ko sa bulsa ko yung mask at binigay sa kanya. Buti nalang at may dala syang bonnet para di sya lamigin.



"So, saan tayo?"

Hinawakan ko yung kamay nya at dali daling sumakay ng bus at pumunta sa lugar kung saan may ferris wheel at ice skating.



"Waaaaah! Ang tagal ko nang di nakakapunta dito!"


"Ako din"


Una kaming nagice skating ng mga 1 hour lang dapat pero natuwa sya kaya umabot ng 2 hours. Pagtapos nun ay umorder kami ng dalawang burger at sumakay na ng ferris wheel.




"Bakit nga pala dito mo ko dinala?"

"Nakakabawas kasi to ng stress. Stress sa school. Atsaka, napapanuod ko to sa mga kdramas"


Biglang sumigla yung mata nya dahil sa sinabi ko. Why?


"Nanunuod ka nun?! Omg omg! May kapareho na ako!"


"Bakit? Sa dami ng kaibigan mo wala kang kaparehong mahilig manuod ng mga kdramas?"

"Nah! Pero support naman nila ako."

Starfield University (Campus Queens 3)Where stories live. Discover now