34

779 34 0
                                    

Nathalie

"Gusto kong makita kita sa TV, aabangan kita araw araw. Gusto kitang makitang masayang pinapalabas ang talento mo. Wag mo kong biguin, Nathalie.. magagawa mo ba yun?

Napalunok ako at tumango. Kakayanin ko, dad. Kaso hindi ko masabi sayo. May possibility na hindi ako matanggap dad.

"Bakit ka nalulungkot? Hindi mo ba kaya? Nagaalala ka ba?"

"Dad lahat naman po kami talentado. Lahat kami magagaling pero may mga pinapalad,may mga minamalas. Pano po kung ako yung hindi matanggap?"

"Masasayang lahat ng pagod mo kung hindi mo gagawin lahat para makapasok lang. Wag mong hayaang mapahiya ako, tayo. Wag mo hayaan na madisappoint ako gaya ng ginawa ng ate mo"


Tumango ako at lumabas ng kwarto saka napaluha.

"Kahit naman anong iyak mo jan, walang mangyayari. Ipakita mo kasi na desidido ka. Wag mo kong gayahin. Imbis na bumangon, lalong natakot na bumagsak ulit. Sige na, bumalik kana sa school mo"

Tumango ako at tinext yung trainor namin. Hinayaan nya akong pumasok pero tutulungan ko sya sa mga paperworks nya.


"Kamusta ang daddy mo?"

"Ayos na po" sabi ko habang inaayos yung mga form at nakita ko yung mga form pala namin yung inaayos.

"Kilalang kilala ko na ang pamilya mo, Nathalie since naging estudyante ko ang ate mong si Hani. Nasira ang buhay nya dahil sa pagpapahiya ng daddy mo. Kaya sana gawin mo ang best mo"


Bigla akong napayuko at inalala nanaman yung sinabi ni daddy. Nalulungkot nanaman ako.

"Nagexpect ba sayo ang daddy mo kagaya ng kay Hani?"

"O-opo eh"

"By november 22, dadating na ang big 3. Pinagprepare ko na sila ngayon pero hindi ko sinabi na november 22. Ikaw lang ang pinaalam ko para mas prepared ka"

"Pero ma'am, hindi po tama yun. Sasabihin ko po sa kanila mamaya"


"No, tama yun. Ang school na 'to, ay isang contest. Pano pagnakapagprepared sila? Alam mo sa sarili mo na magkakasing galing kayo. Si Unice ay kasing galing mo sa pagkanta. Pano kung maunahan ka nya? Wala ka. Madaming magagaling kumanta at isa pa si Jenny. Magaling din kumanta. Ang kinukuha nila ay magaling kumanta at magaling sumayaw. Sa babae ka may problema, hindi sa mga lalaki. Kung sa sayaw, si Fionna at Gray ang makakalaban mo. Gusto mo bang gawing kahihiyan? Pinapaalalahanan lang kita, Nathalie"

November 22? Eh 20 na ngayon. 21 namin ipepresent yung napractice at kinabukasan eh mamimili na agad?

"It's either to be with your friends, or to be higher than them. You can go to practice room"

"Thank you p-po"

Dali dali akong tumakbo at bumili ng tubig saka ako nagpunta sa practice room.

-present-

Pagtapos naming kumain sa cafeteria, nagpunta na kami sa dorm at nagpahinga dahil sa sobrang pagod. Pagkatapos ba naman turuan yung dalawang bago at inulit ulit pa namin, sinong hindi mapapagod?

By 7pm, umalis muna ako saglit at nagpunta sa centermall. Pagbalik ko, nagdala ako ng pagkain.


"Guys! Birthday ni ate Hani! Nagpadala sya ng chocolate cake at ice cream, you want?" Sabi ko pagpasok na pagpasok sa dorm.

Alam kong pagod kaming lahat kaya kailangan ko silang pakainin since birthday ni ate Hani.

"Waaaaaah!"

"Ako!!! Ang tagal ko nang hindi nakakakain!" Sabi ni Fionna kaya binigyan ko sya agad ng kutsara. Lumapit din samin sila Gray kaya binigyan ko sila at kumain.


By 8 pm, nanuod kami ng TV habang kumakain ng cake at ice cream. Pinanuod namin yung disney at rinig na rinig yung mga kanta namin kaya nagtatawanan kami.

Pagtapos ng show, saktong naubos namin isa isa yung mga ice cream.

"Ang tamis sobra!" Reklamo ni Star kaya kumuha ako ng tubig sa small ref at pinainom ko sila. Habang tinititigan ko sila, bigla akong kinabahan. Im sorry guys. Im sorry.


"Oh? Bakit natulala ka?" Tanong ni Fionna.


"Wala, namiss ko lang kayo. Wait lang ha, tumatawag si daddy" sabi ko saka lumabas. Napunta ako sa terrace ng dorm atsaka hinayaan ang sarili ko na umiyak.

Desperada na kung desperada. Hindi ko na alam ang gagawin ko eh. Hindi ko gustong madisappoint ng sobra si daddy.

Bukas na sila dadating. Bukas na sila mamimili. Kailangan kong gawin lahat ng best ko. Bahala na.

Nagpunta ako sa centermall ulit at bumili sa bookstore ng thumbtacks. Umiiyak nanaman ako. Gagawin ko ba talaga to? Kailangan ko ba talaga tong gawin?



Starfield University (Campus Queens 3)Where stories live. Discover now