58

779 38 0
                                    

Carl

"Ang lameeeeeeeg!" Napatingin ako sa sumigaw na si Jenny habang naka-mahabang jacket tas naka medyas at naka-nike shoes. Nakascarf din sya sa leeg at nakabonnet.


"Nilalamig ka pa? Nako, masanay kana Jen." Sabi naman ni Star.

"Oh, dalawa tong jacket ko eh. Sayo na yung isa" sabi ko sabay lagay sa kanya kaya napatingin sya sakin.

"Alam mo, mali kasi. Yung scarf, hindi lang yan sa leeg. Dapat ding matakpan yung bibig mo." Sabi ko ulit sabay ayos ng scarf nya


"Salamat... kaso baka ikaw lamigin"


"10 years ako sa Korea kaya sanay na ako sa lamig. Mas maganda na yan sayo"

Nauna akong maglakad sa kanya at sinabayan ako ni Star saka tinapik.

"Ayos ang gentleman mo dun ha, teka... si Carl ka ba? Baka hindi! Baka kamukha mo lang! Baka naiwan si Carl dun sa pinas" sabi niya kaya natawa ako. Ginulo ko nalang yung buhok nyang nakalugay.


"Ikaw, di ka ba nilalamig?" Tanong ko sa kanya pero umiling sya.

"Nakapunta na kami nila mommy sa iba't ibang lugar na malamig kaya medyo sanay na din ako. At kung di man ako sanay o sabihin nating nilalamig ako, kailangan kong masanay para pag tumira ako sa korea, i can resist the cold weather there. Diba?"



"Sabi ko nga eh. Speechless talaga ako pag may pinaglalaban kana"

"Star!" Napatingin kami sa pagtawag sa kanya nila Unice at ngumiti sakin. Oh i guess.. hahahaha


Umalis na sya sa tabi ko at pumunta na kila Unice. Hay nako Travis.


"Ayan, ito na yung posters. Boys, kayo magdikit sa mga poste or walls. Nagpaalam na ako and girls, mag bibigay ng flyers" sabi ni miss Chin na kakadatin lang.

Maganda talaga dito sa lugar na to. Madami ding tao kahit gabi na at sobrang liwanag pa. Iba ibang kulay ng ilaw tapos kitang kita yung laki ng ferris wheel. Naaalala ko tuloy si Star.



"Aye aye miss!"

Napakamot si miss Chin.

"Bakit ka napakamot miss Chin?"

"Wala lang. Nakakatawa lang dahil miss pa din tawag nyo sakin kahit na kasal na ako. Pero debale, nakasanayan nyo na eh" sabi niya at natawa. Nagpaalam na ako sa kanya at nagdikit na ng posters kung saan madaming tao.



Kada dikit ko ay madami na ding tumitingin at bumabasa nito. Buti nakakaintindi sila ng english?


Pagtapos naming magdikit ay nagkita kita kami ulit kung saan kami magpeperform.

"Madami pang tira sayo?" Sabi ni Sabrina kay Nathalie.

"Nakakainis kasi eh. Imbis na tanggapin eh tinatapon kaya di ko nalang pinamigay" nakasimangot nyang sabi kaya natawa kami.

"impatient much ha"

"Syempre ikaw kaya mamigay tas lulukutin. Edi sana hindi nalang nila tinanggap"

"Hayaan nyo na yan. May bukas pa kaya ilagay nyo sa bag at mamamasyal na tayo"

"Yeey" mahinang sabi ni Jillian.


Nagikot kami kung saan saan. Sumakay sa Ferris wheel ng hiwa-hiwalay at kung minsan ay nagkakatinginan pa kami ni Star. Ang awkward oo. Dati kami yung magkasama sa isang sasakyan pero ngayon nakikita ko na sya sa kabilang kasama ni Travis, Unice at Renz.




"Huy, tulalers ka. Dapat nililibot mo yung paningin mo. Ang ganda kaya ng view" sabi ni Gray sakin habang nagpipicture sya.


"Tara selfie nalang tayo" sabi niya kaya humarap kami ni Dave sa kanila ni Jenny.


Bakit kasi apat lang kasya dito. Sana lahat nalang kami diba.



"Pabago bago ekspresyon mo ah. Share ka naman samin" sabi ni Jenny kaya napatingin ako sa kanilang tatlong nakatingin na sakin.


"Bakit pre? Inlababo ka ba?"


"Tanga. Inlababo agad? Tumigil ka Dave"



"To na man. Mainis ka pa. Ahh! Meron ka no?" Sabi niya ulit kaya hinampas ko sya sa mukha. Wag kayo jan, ganyan kami magusap. Naghahampasan.



"Oo nga pala, pagtapos nito, balik na sa dati. Busy na lahat. Sulitin na natin tong limang araw kasi baka hindi na tayo magkita kita sa susunod" tumango kaming lahat sa sinabi ni Gray.



Nung nasa tuktok na kami ay biglang huminto kaya nagpaduyan duyan kami. Muntikang matumba si Jenny pero buti nalang nahawakan ko sya agad.


"Bakit ka kasi nakatayo?!" Naiinis na sabi ni Gray. Nakatapat kasi sya sa pintuan at baka kung natumba sya ay diretso sya hulog sa baba. Nasa pinakataas pa naman kami at di ako tiwala sa salamin na pintuan na to kasi unang una, salamin lang ang harang nya.






"P-putek. T-tintingnan ko lang kasi yung mga nakasulat sa itaas. K-Kinabahan ako. S-Salamat Carl" sabi niya na hindi makapaniwala sa nangyari. Napatingin tuloy kami sa kabila na nakatingin din pala samin maging si miss Chin na kinabahan.

Starfield University (Campus Queens 3)Where stories live. Discover now