Special Chapter 3

1.2K 35 1
                                    

3rd

Lahat ay nakaready na. Ang iba ay nasa eroplano na gustong sumama sa reunion. Ang Reunion na yun ay isang pagdiriwang nang sila lang at pinagsama sama uli sila dahil may dahilan. Papalampasin pa ba nila ito?

"Ahhh! I missed here!" Sabi ni Star na umunat pagbaba sa sasakyan kasama si Travis. Magkakaiba sila ng sasakyan dala at pumasok sa Cater field ng Starfield.

"Director!" Napalapit si Travis at lumapit sa director nila.

"Im not director anymore! Im the president" sabi nito kaya nagulat sila at bumati ng maayos.

Sunod na dumating ay sila Fionna na kahit may schedule nagpunta pa rin at di nila alam kung bakit.

"And who's the director sir?"

"2nd year na grumaduate kayo dito, Mrs Chin became the director and got the promotion"

"Waaaah! Really sir?! Im so proud!" Sabi ni Gray.

Naghintayan sila hanggang sa nakumpleto sila nang mapansin nilang wala si miss Chin.

Nagbatian dito, batian doon, yakapan dito, yakapan doon.

"Congrats sa ating lahat! Nasaan si miss Chinㅡ i mean mrs Chin president? Napanuod nyo po ba kami nung nakaraang linggo? Nanalo po kaming lahat!" Sabi ni Unice kaya tumango si Mr President. Nagulat sila ng pumasok ang asawa ni Mrs Chin at kumaway itong nakangiti.

"Im happy that you're all here by the way, congratulations! Napanuod namin kayo dun at tuwang tuwa sya. Sobrang proud sya sa inyo to the point na gusto nya kayong samahan sa stage. Ganun sya kaproud at alam nyang di niyo sya nakalimutan"

Nalungkot sila sa naisip. Simula ng nanalo sila, nakalimutan nilang batiin ito at kamustahin manlang.

"Oo nga po eh. Nasaan po ba sya? Baka nagtatampo na po sya samin. Alam nyo naman si miss Chin" sabi naman ni Fionna.

"No, hindi sya nagtatampo infact, masaya na sya na naachieve nyo yung goals nyo" pagsingit ng president.

"Yes, she prepared this reunion and requested this. But...






















She passed away 2 days ago"

Lahat sila ay nabigla sa narinig galing sa asawa nito. Nagsimula na silang tumawa.

"Nako sir Jethro! Sanay na kami kay mrs Chin! Mahilig sya magsurprise samin at lagi niyang pinapakita na wala sya pero may surprise pala" sabi naman ni Renz.

"No, She really died, 2 days ago." Pagkumpirma ng presidente kaya napatakip sila ng bibig sa sobrang gulat at nagsimulang maluha.

"She can't cheer you up the day that you all won because she can't talk or even stand up anymore. She's suffering from tumor cancer but she watched all of you. That's why she asked me to send the invitation but then, she died. She wants to see all of you together with her and take a picture but, everything has a reason right?"

"S-Sir.. sir hindi pwede yun.." sabi ni Unice na lumakas ang iyak. Hindi talaga sya nagbabago. Iyakin pa din. Sabi ni Vince sa isip nya at niyakap si Unice.

"She's happy now and very proud of you. Gusto nya lang na magkasama sama kayong lahat ngayon, nagsasaya. Wag isipin ang schedule at balikan ang masasayang araw. Nakalibing sya sa likod ng Starfield, sa may garden bilang isang bayani ng paaralang ito."

"Pupunta nalang po kami dun!" Sabi ni Travis.

"Of couse, pupunta kayo." Sabi ng president. Lumabas na ito at sumunod sila papunta sa garden na sinasabi saka nakita ang puntod na kulay brown na may picture kaya patuloy silang umiyak dahil kumpirmadong wala na nga ang guro.

May mga bulaklak na nakapaligid, may kandila at may malaking krus. Pumalit sa pwesto niya bilan director ay ang kanyang asawa.

"Miss Chin, sana mapatawad mo kami. Mahal na mahal ka namin" sabi ni Nathalie.

"Miss Chin habang buhay ka naming dadalhin san man kami magpunta. Ikaw ang the best teacher" sabi naman ni Madison.

"Thank you sa inyo ha. Pagtapos nyo jan, pwede na kayong bumalik sa loob para kumain remember? Ayaw ni Stacey na umiiyak kayo. Gusto nyang pagsamahin kayo para magsaya at di magluksa okay ba?"

"We.. will try po"

Nagbalik sila sa loob. Kanya kanyang congrats, kanya kanyang kamustahan, kanya kanyang yakapan. Magkakasama silang nagtatawanan, naguusap na parang gaya ng dati.

Umalis si Kean at kumuha ng juice nang may lumapit sa kanyang batang maliit.

"Anong pangalan mo?" Tanong nya sa batang babae.

Malungkot itong nagkibit balikat at nagulat sya ng biglang lumapit sa kanya si Jillian.

"Ang cute nya no? Sya si Tatin ang anak natin. Joke!" sabi nito kaya kumunot ang noo ni Kean.

"Hahaha! Tatin? Anong pangalan yun? Tsaka pano mo nalaman?" Sabi ni Kean na biglang kinabahan.

"Kanina nya pa sinasabing, Tatin eh. Kaya Tatin."

"Ahh, Tatin. Ang cute mo kaso ang weird ng pangalan mo. Sabi niya anak ka daw namin." sabi nito at natawa. Napansin ni Kean ang pagbabago ni Jillian. Tumangkad ito at lalong gumanda ang katawan. Ibang iba sa dating Jillian.

"Oo nga pala, may bubulong ako" nilapit ni Kean ang tenga nya kay Jillian dahil sa ibubulong nito pero nagulat sya dahil sa paghalik nito sa pisngi niya.

"Dalaga nako!" Sabi nito ng masaya.

"20 years old? Hmm.. dalaga ka na nga kaso yung isip mo pang bata pa din" ngumuso ito pero ngumiti ulit.

"At gumanda na rin!"

"Haha! Pwede na ba?" Sa oras na iyon ay si jillian ang kumunot ang noo.

"Ha?"

"Pwede ka na bang i-date?" Napangiti ng malapad si Jillian ngunit hindi ito tumango. Niyakap niya lang si Kean na lagi niyang kinukulit nung bata pa sya.

"I missed you kuya Kean! Crush na crush pa din kita"

Patagong ngumiti si Kean sa sinabi nito at hiniwalay si Jillian sa kanya saka nag-abot ng juice.

"Oy ano yan! Kayo ha! Di kayo nagsasabi! Kayo na ba?!" Sunod sunod na sabi ni Caellie.

"Hindi! Magdedate palang!" Protesta nilang dalawa at sabay pang nagsalita. kaya madami nang lumapit sa kanilang dalawa.

"Ano?! Naunahan mo pa ako?!" Sabi ni Sabrina.

"Ako ang naunang pumasok sa regular section kesa sa inyo kaya mas mauuna talaga ako! Isa pa, unang pasok ko palang sa regular section, crush ko na sya no!"

"Nako!!! Hindi ka pa din nagbabago! Bubbly ka pa din! Hahahahaha"

Nagtawanan sila at nag-asaran tungkol sa mga lovelife nila. Lalo naman kay Jillian at Kean na ngayon lang nagka-aminan sa nararamdaman nila. Kahit sa nalaman nilang pagkawala ni miss Chin, naging masaya pa din sila dahil nagkasama sama nanaman sila dahil kay miss Chin.

-END-

November 29 2016

Starfield University (Campus Queens 3)Where stories live. Discover now