10

1.7K 48 0
                                    

Nathalie

"Goodafternoon"

Napatingin kami sa pinto sa pagpasok ni Ms Chin.

"Nagawa nyo ba ng maayos yung sayaw nyo? Yung ibang performance?"

"Yes Ms! And oh, humabol po sila" sabi ni Unice at tinuro yung mga bago. Yep. Kahapon nagpractice sila para makahabol.



"So kailangan kong panuorin yung nagawa nyong sayaw, 2 by 2"


"Miss hindi po ba pwedeng lahat nalang kami? Mas maganda po panuorin yun" -Madison

"Paglahat, siguradong may kopyahan ng steps. Mas maganda nang sigurado kong confident kayo. Ako ang pipili ng partners nyo kaya wag na kayong umangal okay? Labas muna kayong lahat" sumunod naman kami at lumabas kaming lahat kaya napasilip ako sa kabilang room. Busy silang lahat sa pagsusulat. Bakit sila nagsusulat? What's the point?




"Nathalie and Renz come in"

"Go nathalie"
"Go Renz" sabi nila kaya ngumiti nalang ako.



Pagpasok palang namin ay pinatugtog na ni miss yung we're all in this together kaya pumunta na rin kami sa pwesto namin at nagsimulang magsayaw.



Pagtapos naming sumayaw, pinalakpakan kami ni miss dahil walang nangopya ng steps samin at yung tingin namin ay nasa kanya lang.


"Next, Vince and Unice"


Nanuod lang din kami sa kanila at katulad ng ginawa namin, walang nangopya. Pinalakpakan din siya ni Miss.


"Star and Travis"

"Fionna and Mark"

"Madison and Gian"


"Kean and Solar"


"Gray and Dave"




"Jenny and Carl"



Halos naperfect namin lahat at may konting problema kay Solar at Kean dahil nalilitopa sila pero sa huli, pinagsama sama kaming lahat at sabay sabay na sumayaw.





"Yan! Goodjob!" Sabi ni ms habang pumapalakpak.


"Now sinong magsosolo or duet?"


"Miss magkakaroon po ng hating group. Madami pong kaming ipeperform. Una, yung girls muna. Ibang song. Pangalawa ay boys naman. Sunod yung buo. Tapos po may kakanta din po samin. Hati yung girls at hati din yung boys tapos may magduduet din po bale 15 times po"





"Madison ilista mo lahat ng gagawin para masali sa invitation okay? Ilista din yung mga oras para masakto"




"Yes Ms"



"Ngayon gaya ng nakasanayan natin, magkekwento kaㅡ"


"Miss nanaman?!" Sabi ni Fionna kaya natapik ko sya.


"ㅡhindi naman kayong lahat. Wag kang OA. Yung mga bago lang. So yun nga, magkekwento kayo ng pinakapangyayaring hindi nyo makakalimutan sa buong buhay nyo. Kasama kayo dun, Fionna and Mark"





"MISS?!" -Mark


"Kayo ang pinakapoker face dito. Hanggang ngayon hindi nyo makontrol ang emosyon nyo. Pagtapos nito, lalabas tayong lahat ng campus bukas at pupunta sa lugar na may madaming tao at magpeperform kayo dun gaya ng pinakita nyo kanina at paghahandaan nyo pa."






Nagpalakpakan kaming lahat at nagingay. Makakalabas kami! Makakapagperform kami sa labas!



"Thank you miss!"

"Yeheeey!"

"That's why kailangan nyong maglabas ng emosyon. Fionna, kung sasayaw ka ng all in this together, dapat masaya ka kasi may unity kayo ng grupo nyo. At ikaw din Mark. Hindi yung nakapoker face!"





"Miss wag na po pls? Promise gagalingan namin bukas!" Sabi ni Fionna.



"Sige na nga. Pagbibigyan ko nalang kayo ng oras para magpractice. Yung all girls muna" sumama kami kay miss papuntang practice room kung saan kami pinagsayaw kanina.




Kinabit ni Unice yung cellphone nya at nagpatutog ng bag girls, good girls at nagsimula na kaming sumayaw. Ito din yung pinaghandaan namin kaya tumatagal kami ng dalawang araw sa pagpapractice ng walang pahinga.





"You don't know me, you don't know me, you don't know me, you don't know me, so shut up boy, so shut up boy, so shut up boy~"



Binigay ko lahat ng makakaya ko hanggang sa matapos ang kanta. Mahirap tong sayaw na to lalo na't madami kami. Baka hindi kami magkasabay sabay.




"So shut up shut up~" pumalakpak yung mga lalaki samin pero hindi pumalakpak si miss.



"Konting practice pa. Kasi kung pipili ako, ang karapat dapat lang eh apat. Si Unice, Fionna, Solar and Nathalie. Hindi kasi maganda tingnan na walo kayo. Kung magsusuggest ako, sa kalahating part ng kanta ay apat muna tapos aalis kayo, sa kalahating natira ay yung apat na papalit sa inyo. What do you think?"





"We'll try miss. Pwede pong isa pa?" Sabi ni Unice kaya pumayag si miss at ginawa namin yung gusto nya at sa tingin ko, mas naging maayos nga at malinis.





"Yan. Yan ang gusto kong makitang iperform nyo sa pupuntahan natin bukas"


At ayun, nahati kami. Naiwan sa kabilang grupo si Star at Madison na kasama si Gray at Jenny.



Pagtapos ng all over performance at pumayag na si Miss at nagandahan sya sa pinakita namin.


"So sa duets, ganun na katulad sa sumayaw kanina by twos?"


"Miss, pwede po bang magpalit?"

"Why Mark?"

"Gusto ko pong partner si Solar. Pag po kasi si Kean, pareho silang baguhan kaya baka kabahan sila at di nila magawa"

Tumango tango si miss sa sinabi ni Mark. Well, he has a point kaso pano si Fionna?



"Well then, iaarrange ko"


"Unice, Vince
Nathalie, Renz
Star, Travis
Fionna, Hiro
Madison, Gian
Solar, Mark
Jenny, Kean
Gray, Dave.
Agree na? Ang kwento kasi ni Jenny at Kean, magkaibigan na silang apat so no need to adjust. Kilala nyo na ang mga sarili nyo"

Starfield University (Campus Queens 3)Where stories live. Discover now