67

711 30 0
                                    

Renz

"Goodmorning miss" nilapag ko yung bag ko sa upuan ko at walang ganang umupo. Nakakapagod sobra ng byahe dahil ang haba ng nilakad namin. Pagtingin ko sa desk nya ay wala pala si miss kaya pahiya ako.


Napatingin ako sa pumasok na si Nathalie na nakasimangot kaya agad ko syang nilapitan.



"If you have a bad day, just look at me" sabi ko saka nya ako inirapan. Tsk, walang pinagbago. Bigla syang sumubsob sa lamesa at tinalikuran ako. Aba, sakin ata to badtrip eh.



"Badtrip ka agad sakin? Siguro nagugustuhan mo na ako no? Ikaw ha Nathalie.." sabi ko at kinikiliti pa sya pero humarap sya sakin at inalis yung kamay ko at sakto namang dumating si miss Chin kaya umayos na kami ng upo. Himala, nalate sila Unice.



"Nathalie, halika,may paguusapan tayo" sabi ni miss Chin kaya tumayo si Nathalie at sumunod kay miss Chin. Ay yun pala yun. May problema nga. Kailangan ko syang kausapin mamaya.




"Hi guys!"


Napatingin kami sa pinto sa kakapasok lang na sila Star kaya kumaway kami.

"Bakit kayo late?" Tanong ni Solar.


"Si Unice kasi, ang tagal. Kinausap pa nung CEO namin eh nagpapahintay sya. Ayaw naman sabihin samin yung napagusapan nila kaya ganyan katahimik" sabi ni Travis.




"Guys? Si Miss Chin?" Tanong nya agad



"Sabihin mo muna samin yung napagusapan nyo" sabi ko.



"Tara lapit kayo."

Nagpabilog kami ng upuan at nagdikit dikit.


"Wag kayong magagalit sakin ha. Ayoko lang kasing magsikreto, pero balak ng CEO namin na i-withdraw yung contract ko"


"HA?!"
"BAKIT?!"
"HALA!!!!!"
Reaksyon naming lahat.

"Kasi balak akong ilipat sa CSW company. Pagnakapagdecide na daw ako, lumapit ako sa kanya at iwiwithdraw nya yung contract ko saka ako ililipat sa CSW. Okay lang naman daw kung hindi,dun pa rin ako. Pinapapili lang ako at yun yung nahihirapan ako kaya kailangan kong komunsulta kay miss Chin"





"Ano ba sa tingin mo? Diba pangarap mo naman sa CSW? yung pagkatalo mo dati, ngayon makakamit mo na" sabi ni Gray.


"Oo nga. Yun yung pinanghihinayangan mo dati eh. Ano ba para sayo?" Dagdag naman ni Fionna.


"Oo pangarap ko yun pero..." sabi niya sabay tingin kay Vince kaya alam na agad namin.


"Wag mo kong gawing dahilan, Unice. Hindi pa naman tayo. Wala tayong commitment kaya hindi ka mapapahamak. Tsaka ikaw na nagsabi, pangarap mo yun, bakit mo hihindian?"



"Hindi naman dahil sa mapapahamak ako Vince. Dahil yun sa masaya na ako na kasama ko kayo sa iisang company. Pero naguguluhan talaga ako"



"Ano bang mangyayari pagnapunta ka dun? Ganun pa din naman, Unice. Magkikita kita pa rin naman tayong lahat. Naiba ka lang ng company pero di ka naiba ng pinanggalingan" sabi ni Mark kaya tumango kaming lahat.



"Salamat sa inyo. Lagi nyo talaga akong tinutulungan"



"Nako, pagnakapagdebut ka sa Csw company, baka hindi ka na namin ma-reach!" Sabi ni Jenny na naluluha. Siguro kasi hindi nya matanggap at gusto nyang maging kasama si Unice.



" haha! Baliw ka talaga Jenny. Kung lumipat ako, mas mauuna kayong mag debut no! Makilala na nga kayo oh. Renz, samahan mo ko may miss Chin. Sasabihin ko sa kanya yung napagusapan namin"




"Ibig sabihin pumapayag kang lumipat sa CSW?" Tanong ni Caellie.


"Ha?"


"Oo nga. Kasi sabi mo, makakapagdebut na sila. Edi sila lang? Hindi ka kasali? Ibig sabihin, lilipat kana sa company namin" sabi naman ni Sabrina kaya mukhang nagets nya yung sinasabi nito.



"Kailangan ko pa ding tanungin si miss Chin" tumayo ako para samahan sya at dinala sa office ni miss Chin pero wala dun kaya lumipat kami sa faculty pero napahinto kami nung narinig namin boses ni Nathalie sa may dance practice room na nadaanan namin.




"Miss Chin hindi ko kaya!" Nakinig lang kami ni Unice sa pinaguusapan nila at nagtago kami sa gilid ng bukas na pintuan.


"Bakit? Bakit ayaw mo syang pakiusapan? Bakit di mo kaya?! Lagi ka nalang nagtatago sa anino mo Nathalie!"


"Miss Chin di mo ko naiintindihan! Hindi ko kayang sabihin sa kanya dahil baka madisappoint nanaman si Unice! Ito na yung opportunity nya tapos magmamakaawa pa ako sa kanya na wag tanggapin yun?!"



Napatingin ako kay Unice na nanlalaki ang mga mata at nakatakip ang kamay sa bibig.




"Maiintindihan ka ni Unice, Nathalie. Kaya nyang umintindi ng tao".



"Miss Chin.. anong gagawin ko? Madidisappoint nanaman sya at manghihinayang kasi pangarap nya yun.. kaso pagnatupad nya pangarap nya, ako ang mawawalan.... miss Chin ayokong mawala sa CSW Company... ayokong mawala sa company na yun pag tinanggap ni Unice yung offer"






Starfield University (Campus Queens 3)Where stories live. Discover now