13

1.3K 50 0
                                    

Jenny

"Tama na yung practice Jen. Pagod tayo nito bukas" sabi ni Gray habang umiinom ng tubig.

"Sige, akyat na tayo" nagligpit na din ako ng gamit at umakyat na kami. Kaming dalawa nalang yung natira dito sa practice room dahil tulog na silang lahat.

"Parang nakikita ko si Star" sabi ko habang nakatingin sa malayo. Yung tangkad nya kasi, yung katawan nya. Kaso nakatalikod eh.

"Hindi mo malalaman kung si Star yan o hindi. Tawagin mo kaya"

"Star!"

Lumingon sya samin na lumuluha pero ngumiti din.

"Oh! Bakit ka umiiyak?" Tanong ni Gray.

"No! Hindi ako umiiyak. Malamig lang kaya ganito ako."

"Mukha ngang nilalamig ka oh. Nakamahabang jacket, nakagloves, nakamedyas at nakapajama. Balot na balot" sabi ko kaya natawa din sya.

"Tara na sabay na tayo pumasok" sabi niya kaya tumango kami at pumasok na sa dorm.

"Gising na 9am na!" Napabangon kaming lahat nang marinig namin yung boses ni Ms Chin. Dali dali silang naghanda at nagunahan sa cr.

Ang aga pa eh! Mamaya pa yung 6pm eh!

"Miss Chin ang aga pa po" -Unice

"Ayos lang yan para makapagprepared kayo. By 12pm kailangan nyong magpunta sa theater para magpractice at magbihis."

"Sige po Miss!" Sigaw namin kaya naghanda na rin ako. Pagtapos kumain ay naligo saka nagbihis ng pambahay at sabay sabay kaming kumain.

"Wag kayong kakain ng marami ha. Baka mamaya sumakit tyan nyo tapos di kayo makapagperform" sabi ni Nathalie.

"Grabe naman. Sumakit lang tyan di na makakapagperform?" -Renz

"Oo bakit angal ka? Mamaya ikaw pala yun oh." Sagot nya naman. Lagi na silang nagsasagutan? Nagsisimangutan? Nagaaway? Nako... jan nagkatuluyan lolo at lola ko no!

Kaso bawal magboyfriend at maggirlfriend. Mas gugustuhin ko na yung career kesa sa love. Pero kung gusto nila ng love, hindi dapat sila maging artist.

Pagtapos mag ayos ay dala na namin mga gamit namin papunta sa backstage at nilagay sa dressing room. Nilagay din namin yung mga makeup namin sa harap ng salamin.

"Buti nalang at hiwalay tayo ng dressing room sa ibang batch eh no? Kundi baka magkagulo" sabi ni Fionna na sinangayunan namin.

"Guys nanjan na sa kabila yung ibang batch. Grabe talaga yung aura nila. Maangas!" Sabi ni Travis na kakapasok lang.

"Hayaan mo na sila" -Mark

"Tara panuorin natin silang magpractice" sabi ni Gian. Tutal mamaya pa naman ang practice namin pagtapos nila.

Umupo kami sa mga upuan sa loob ng theater at pinanuod sila.

Ibang iba. Ibang ibang iba. Para na silang professionals. Hindi sila kinakabahan. Pero bakit hindi sila pipilian ng big3?

"Alam nyo kung bakit hindi sila pipilian ng big3?"

Nagulat kami ng biglang lumabas si Director at umupo sa tabi ni Hiro sa pinakadulo.

"Goodafternoon Director" bati naming sabay sabay kaya bumati din sya.

"Dahil mas gusto nilang sumikat na galing sa paaralng ito. Ayaw nila ng sobrang sikat at ang mahalaga lang, eh sama sama sila"

Woah. Meron pa palang taong ganun?

"Amazing" bulong ni Gray

"Kaya kayo ang pagpipilian, kasi alam namin na determinado kayong maging isang artist at pangarap nyo na malabas yung talent nyo hanggang sa buong mundo"

Yeah! Totoo yun. Pangarap ko talagang maging artist ng isa sa big3. Solo man or group, okay lang sakin.

Maya maya ay lumipas na ang 3 hours ng pagpeperform nila at pagpeperfect nila. Tatlong grupo din sila kaya kami naman ang magpapractice ng 3 hours.

Mas kinabahan kaming magpractice dahil nagsisimula nang dumating ang mga manunuod, ang mga mas nakakabatang estudyante dito, at ang mga magulang.


"Kinakabahan ako" -Gray

"Okay lang yan. Part of life" sabi ni Dave sa tabi niya. Pagtapos naming magpractice ng dalawang oras lang, pumunta na kami sa backstage para magbihis. Sinuot na namin yung pangpartner namin at nagmakeup ng sarili. Well this is life.



"Tara silip tayo sa kanila" napatingin ako kay Star at tumango. Iilan lang kaming sumama sa kanya at nakasilip sa nagpeperform dito sa gilid.

"Galing nilaㅡ teka si mommy!" Mahinang bulong nya kaya napatingin din ako sa mga nanunuod. I saw my mom. I mean, my step mom and my dad kaya nanlumo ako. Okay lang sana kung si dad lang pero bakit sumama pa sya?


"Unice!! Si mommy at daddy!" Masaya nyang sabi kaya nagtilian sila dito sa gilid at tumakbo papasok kaya pumasok na din ako.

Bigla akong nawalan ng gana magperform pero kakayanin ko. Hindi naman para sa kanila to. Para sa totoo kong mommy to.

Starfield University (Campus Queens 3)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant