36

740 38 0
                                    

Madison

Si Gray yung pinakahuling sumayaw kaya hinintay na namin sa gilid. Pinanuod lang namin sya hanggang sa yung ngiti nya eh mapalitan ng ibang ekspresyon habang patuloy na sumasayaw.

Napansin agad namin yung sapatos nya na kulay violet ay naging red.

"Gash nagdudugo yung paa ni Gray!" Sigaw ni Fionna.


"Hala hala. Ayan patapos na sya" sabi naman ni Star. Pagtapos na pagtapos ni Gray ay nagkaroon ng 5 minutes break bago yung mga lalaki.


Inalalayan namin sya pabalik ng dressing room saka tinanggal yung sapatos.


"Kakasuot mo lang ba nyan?" Mahinang sabi ni Unice.

"Oo. Kapapalit ko lang"

"Di mo ba napansin? Teka baka may bubㅡ" nabigla kaming lahat dahil pagtaktak ni Unice ng sapatos ay may nahulog na mga thumbtacks.

Tuluyang naiyak si Gray dahil sa nalaman nya.

"Magfocus na kayo jan boys. Kami na bahalang dalhin si Gray sa clinic." Sabi ni Solar kaya magkakasama kaming girls na umalis.

Pagdating namin sa clinic ay binendahan yung paa nya. Inalcoholan yung mga daliri nya saka binalot.

"Nangyari na to three years ago" sabi ng nurse kaya natahimik kaming lahat.

"De javu kumbaga. Kasi nangyari din yun nung araw na dumating yung big 3. Sa tingin nyo ba ano ang dahilan nito?"


"Malamang may sumisira samin para tangkain pang maglagay ng thumbtacks sa sapatos. What the hell? Anim na thumbtacks pa ang nilagay? Hindi naman pwedeng hindi sadya" naiinis na sabi ni Fionna.



Napatingin kaming lahat sa likod kung saan nandun yung bagong dating na si Caellie at Sabrina. Syempre kasama na dun si Jillian.


"What? Mukha bang gagawin namin yung mga iniisip nyo?" Tanong ni Sabrina.

"Bakit hindi? Wala pa nga kaming sinasabi nagrereact na kayo. Bakit, alam nyo ba iniisip namin?" Tanong ni Fionna.

"Wala na akong magagawa kung ISA SA INYO ay may balak kayong sirain. Malay nyo naman, may naiinggit sa inyo" sabi naman ni Caellie


"Teka wag na kayong mag-away. Wala kaming ginagawa dahil kami kami ang magkakasama! Bakit kami?" Naluluhang sabi ni Jillian kaya hindi na kami sumagot. Nagpapaawa pa.





"Buti at bukas pa kayo kakanta. Bukas na rin kayo pipili and, goodluck" sabi ng nurse kaya nagthank you kami. Inalalayan namin si Gray pabalik ng theater.




Pagdating namin ay nagaayos na yung mga lalaki at hindi naman daw nagtanong. Nakita nila ang nangyari kay Gray at naawa sila kaya nagtanong.



"Sa tingin mo sino gagawa nun sayo?" Sabi ni Kean.

"H-Hindi ko alam. Wala naman akong kaaway dito."


"Tara, ihahatid na kita sa dorm. Pasan kana" sabi ni Dave at bumaba para pasanin si Gray. Inalalayan namin sya at hinayaan na sya kay Gray.




"Ano bang problema nyo? Natatakot ba kayo na baka hindi kayo matanggap kaya nyo ginawa yun?" Naiinis na sabi ni Fionna. Sya talaga ang pinaka naapektuhan.



"Bakit pa namin kayo lalagyan ng ganun? Alam naman namin na matatanggap kami eh. Magtanong tanong din kasi kayo sa isa't isa" pinaglalaban ni Caellie yung kanina pa nilang sinasabi na isa sa amin ang naglagay nun.





"Tumigil na nga kayo." Sabi ni Unice. Wala talaga sya sa mood magsalita? Why?



"Malaman ko lang talaga kung sino gumawa nun sa kaibigan ko, mangangawawa sakin" sabi ni Jenny at nauna nang bumalik sa dorm.



Nakakainis naman kasi talaga. What's her problem? Wala namang ginagawang masama si Gray. Inggit sya? Nakakainis! May possibility naman kasi siguro na matanggap kaming lahat eh. Bakit kailangan pang mamahamak ng tao?





"Star, i think hindi talaga ako matatanggap" paiyak na sabi ni Unice.


"Bakit ba? Kanina ka pa walang gana" sabi naman ni Solar. Nakatingin lang ako sa kanila.


"Paos ako. Dahil sa mga kinain natin kagabi. Sobrang sakit ng lalamunan ko and i don't think i can do it"


Nabigla ako sa sinabi niya at bigla syang umiyak.


"Guys una na kayo, kami nang bahala" sabi ni Solar kaya nauna na yung iba pero nagpaiwan kami.



"Sorry Unice. Sorry talaga hindi ko naman alam na ngayon na pala eh. Sorry Unice hindi ko sinasadya, sorry talaga" umiiyak na sabi ni Nathalie pero pinahinto sya ni Star.




"Wala kang kasalanan dun Nathalie. Gusto mo lang naman na magkasaya tayo tsaka, walang may alam" sabi ni Star.



"Im ready. Alam kong madidisappoint sila mommy pero tanggap ko na. Kaya nyo yan. Kaya nyong tuparin mga pangarap nyo" sabi niya kaya nagyakapan kami sunod ay niyakap sya ni Vince, Mark, Travis at Renz.

Starfield University (Campus Queens 3)Where stories live. Discover now