60

736 37 0
                                    

Madison

Nagyakapan kami. Pumila at nagbow. Ang saya. Ang success. Ang saya dahil nagawa namin ng maayos. Kahit pa sabihin na may recorded na audio na sumasabay sa pagkanta samin, (syempre para kahit pagod na eh maayos pa din. Ganun naman talaga. Atleast nga di kami nag lipsync) maganda pa ang pagkasayaw namin at sabay sabay. Success dahil madaming nakapanuod samin at pinalakpakan pa kami.

"Thank you guys! Thank you Thank you!" Sabi namin sa mga tao na magba-bow din samin.

"ㅡ" sabi ni Star sa mga tao. Yung iba eh nagpapapicture na samin at di pinalampas yun.

"Ang saya diba?" Sabi ni Gian sa tabi ko. Kaya tumango din naman ako.

Sinabihan kami ni miss Chin na magpakilala kaya nagtinginan kami at nagbilang in 1...2...3..

"Hello we are the dreamers" saka nagbow uli at pumalakpak. Pagtapos nun ay nag-alisan din ang mga tao kaya balik na kami sa pamamasyal.

"Iupload ko mamaya para makita ni director to. Panuorin nyo nalang din sa youtube"

"Miss Chin kain na tayo" sabi ni Jillian.

"Oo kakain tayo wag kayong mag-alala. Gusto nyong mag mcdo? Alam ko meron dito eh"

"Yeeeeeey!!!!" Sigawan namin. Kahit malayo o malapit gusto ko yun!

"Ay mali.. bukas ko na pala ia-upload"

"Bakit po?" -Unice

"Wala pa kayong picture na buo. Bukas ko nalang kayo pipicturan at hahanap tayo ng magandang view"

"Okay!" -Star

Pagtapos naming kumain ay namili na rin kami ng mga souvenir. Hindi na kami ganun kapagod dahil masaya kaming nagiikot.

Nagpapicture na rin kami sa mga standee at cos-player ng mga anime dahil sobrang cu-cute nilang lahat.


"Miss panuorin natin!" Sabi ni Hiro tumango sa kanya si miss Chin.

"Tara sa kwarto tayo ng girls. Iproject natin yung video" lahat kami nagpunta sa kwarto nila miss Chin at nanuod. Si miss Chin palang pala ang nasa harap ay madami na ang nag-aabang na manunuod. Yung iba ay vinivideohan na agad kahit nagseset palang si miss Chin ng tugtog.


"Ang angas mo Hiro!" Sabi ni Fionna.

"Crush mo na 'ko nyan?" Sabi niya saka sya binatukan ni Fionna.

"Ang galing ni Fionna at Gray dito oh, mga best dancers!" Sabi ni Unice. Syempre sasangayon kami kasi sila talaga ang magaling sumayaw.

"Tawang tawa ko yung pagpasok ni Renz na akala mo may hinahabol eh. Natatawa ako nun kahit di pa ko pumapasok" sabi ni Travis.

"Nakita kita nun Trav! Para syang baliw na tumatakbo no?! Hahahahah" sabi naman ni Star. Sayang, di namin napanuod pagpasok nya.

"Grabe kayo sakin. Angas nga ng pagkanta ko nun eh"

"Weh?" Sabay sabay naming sabi kaya sumimangot sya.

"Grabe kayo sakin. Magaling kaya akong kumanta. Sino sang-ayon sakin?"


Lumingon sya na para bang nagaantay ng sagot kaya lumingon din kami saka ko narinig si Nathalie na nasa likod ko at bumulong.

"Ako.."


"Si Nathalie daw Renz!!!!" Sabi ko ng malakas kaya inasar namin silang dalawa. Naks naman! May pagsuporta sa isa't isa.

"So pano na yan, nagkakaibigan na kayo. Kailangan na nating umuwi" biro ni Star.


"Kunwari ka pa Star. Inggit ka lang" sabi naman ni Gian sabay akbay sakin kaya pinalo ko sya.


"Bakit pa yan maiinggit? Eh nandito naman si Travis" napangiti akong malapad nung sinabi yun ni Solar kaya inasar din namin sila. Kitang kita yung pamumula ng mukha nilang dalawa.



"Umamin ka na pre. Gusto mo pang nagseselos ka eh" sabi naman ni Carl. Nagseselos what? Ang gulo. Hindi ko yun alam hahahaha!



"Oh dahan dahan lang. Baka sabihin ng iba nag-japan lang kayo eh naging magpartner na kayong lahat. Magingat pa din kayo dahil magiging artista kayo. Madaming issue jan" sabi ni Miss Chin.




"Ako? Kung ayaw sa kanya ng mga fans, bakit ba, dapat suportahan nila ako dahil idol nila ako. Mawalan man ako ng fans" sabi ni Gian kaya binatukan sya ni Unice.



"Hoy! Ano ka?! Buti sana kung si miss Chin ang CEO mo para maging free ka sa mga gagawin mo.  Pano kung sabihin na mawawalan ka ng Career o si Maddie? Sya pa din ang masusunod no!"



Tumango ako sa kanya. May point sya pero narealize ko. Bigla akong nasaktan.


"Ayan lumungkot si Maddie! Lagot kayo" sabi ni Hiro pero ngumiti nalang ako.


"Syempre pipiliin ko si Maddie. Madami pa namang ibang company jan."


"Wag ka ngang magbiro ng ganyan! Hindi tamang kalimutan mo yung Career mo no!" Sabi ko saka umalis.

Starfield University (Campus Queens 3)Where stories live. Discover now