66

701 32 0
                                    

Nathalie

"Napanuod ko ang ginawa nyong music video sa japan, nais ko lang sabihin na mahusay kayo roon. At nais ko ring itanong, yung.. Unice Cabs na pumili sa akin, may company na ba syang napili?" Tanong samin kaya napalunok ako.



"Opo" sabi naming tatlo nila Jillian.

"Sayang naman pala. Kaya ko kayo pinatawag, bukas haharap na kayo samin habang nagpeperform. Ang mga bagong dating ang makakalaban nyo at ang mapipili, makakapagdebut as a rookies. 10 am bukas."


Biglang lumapad ang ngiti ko pagkasabi na pagkasabi. Ibig sabihin, pag napili kami magiging rookies na agad kami? Without any years of training?!


"Gusto kong mag-ensayo na kayo ng kakantahin nyo. Makakabalik na kayo sa practice room" sabi kaya bumati ulit kami para magpaalam.



Pagdating namin ay madaming tao. Nandito na din si Dave na hindi sumama samin sa taas at nagpapractice.

"Hello!" Bati samin ng ibang bago kaya naghello din kami. Napagusapan namin yung papractisin at iisa isa kaming kumanta para mapakita yung talent. Pagtapos nun ay nagsialisan na rin at umuwi.

"Ang galing mo Nathalie!" Sabi sakin ng isang Lynlyn ang pangalan kaya ngumiti ako sa kanya at nagthank you.

"Ikaw din"

"Mauna na ako ha" sabi niya kaya tumango ako at humiga muna sa lapag. Kakauwi lang namin galing japan pero wala akong nararamdaman na pagod. Kailangan kong matanggap agad at maging rookies.

Habang nakatitig ako sa kisame ay biglang bumigat yung paghinga ko at biglang nanghina yung mga mata ko na pilit pumikit at di ko na napigilan.


Napadilat ako at tumayo agad agad saka ko nakita yung orasan na nakadikit sa practice room.

"11am na?!?!" Nataranta ako at binuksan yung pinto saka umakyat sa taas kahit na ganito pa din ang suot ko. Pagdating ko agad nila akong sinalubong.


"Tapos kana! Kanina ka pa tinatawag!" Sabi ni Sabrina.

"Bakit di nyo ko tinawag?" Sabi ko na naluluha na. Hindi pwede to. Hindi pwede.


"Saan ka ba galing?! Di nga namin alam kung saan ka kagabi eh!" Mahinang sigaw ni Sab.

"Pano yan? Di na ba ako pwede?" Tanong ko at dahan dahang umiling si ate Kim na katabi ni Jillian. Napatingin ako sa stage na nagpeperform si Lynlyn. Maganda rin ang boses nya at mataas.



Sa sobrang pagkadesperado ko, lumapit ako kay TY at nagmakaawa.


"Mamaya, pagtapos nilang lahat saka ka lang magpeperform" sabi niya kaya nagpasalamat ako ng marami.


Pumunta ulit ako sa likod para sabihin yung goodnews kaya natuwa din naman sila. Ano kayang nangyari sakin kagabi? Bakit biglang ganun? Hindi naman ako inaantok at nalalabanan ko pa naman. Muntikan pa tuloy akong di makaattend.


"Pang ilan ba ako dapat?" Tanong ko kay Sabrina.

"2." Sabi niya kaya napatingin ako sa number nyang 230. Wow, bakit ang layo nila?



Naghintay ako hanggang mag 1 at natapos na silang lahat. 2 hours akong naghintay na sana kanina pa ako tapos.

Nagsimula na akong kumanta. Di ko na pinansin yung itsura ko ngayon kung pangit man o ano. Ang mahalaga makakanta ako dito at makapagperform.


Starfield University (Campus Queens 3)Where stories live. Discover now