20

1K 42 0
                                    

Madison

"Agh! Bitin ako sa sembreak" sabi ko pagpasok na pagpasok ng dorm. Sembreak ba yun?! 4 days lang walang pasok eh!


"Hindi naman sembreak yun. Isipin mo nalang na 4days ang holiday" sabi ni Fionna na kakabangon lang sa higaan nya.

"Anjan na ba sila Star?" Tanong ko pero umiling sya.

Nilapag ko na yung gamit ko at nilagay sa cabinet saka humiga. Di pa rin ako makagetover sa nangyaring program. Parang lahat ata eh nagpapicture sakin paguwi ko sa bahay. Pano ba naman kasi, pinakalat ni mommy yung video.





"Nandito na kami!" Napatingin ako sa pinto sa pagpasok ni Star, Solar at Unice. Si Nathalie nalang wala.



"Dalian nyo, may ikekwento ako" sabi ni Fionna at umupo. Ganun din ang ginawa ni Gray at Jenny at nagtinginan silang tatlo. May nangyari ba?





"Ano yun?" Sabi ni Unice at sakto namang pumasok si Nathalie na pagod na pagod.


"Yun buti dumating kana. Tara dali na upo na Thalie" sabi niya kaya umupo din si Nathalie.


"Nakwento mo na eh. Go kwento mo na sa kanila" sabi niya at nagligpit ng gamit saka nagkwento si Fionna.



"Tayo tayo lang ha. Nung araw na nakaalis na kayo, tumakas kami"

"What do you mean tumakas?" Tanong ni Solar.

"Lumusot kami sa butas. Tapos nagpunta kami sa isang dance showdown na tuwing gabi nangyayari yun. Nakipaglaban kaming tatlo"



"Woah..."



"Angas!" -Star

"Alam mong bawal." -Unice

"Ano nangyari?" -Solar





"Naaalala nyo yung pinapagawa lagi ni Ms Chin na magkwento ng pinakamalungkot na nangyari sa buhay? Yung kinwento kong, iniwan kami ng mga magulang namin at niloko ako ng boyfriend at mga kaibigan ko? Sila yung nakalaban ko"





"OMG! ANO NANGYARI?!" sabi ko.



"Nagtie. At sinabi ko sa kanila na pagbabalik ako, pinapangako kong mananalo ako. Mananalo ako at pagmumukhain ko silang tanga"



"Ano? Anong gusto mo? Kalabanin natin? Game ako!" Sabi ni Nathalie at naglagay ng kamay sa gitna na pinatungan ko din ng kamay.



"kasali ako! Lalaban tayo!" Sabi ko rin at tumingin kila Star.

"Game!" Sabi ni Gray at Jenny


"Sige na nga. Hindi ko naman kayang mangiwan eh. Laban!" Sabi ni Unice kaya nakilagay na din si Solar.


"ST16G! Hahahahaha!"




Naggrouphug kaming lahat at binati si Fionna.


"Kelan nyo gustong lumaban?"


"Kakausapin ko si Miss Chin na ilabas tayo. Ah! Good. Pumasok na tayo ngayon" sabi ni Unice kaya tumango kami. Nagpalit na kami ng Uniform dahil nakaligo na rin kami at by 12pm, pumasok na kami.






"Miss Chin!!! We missed you!" Sabi namin at niyakap sya.


"Sus! May request kayo ano? Wag kayo, may lesson akong ituturo" sabi niya kaya napasimangot kami. Sakto rin na pumasok yung boys



"Miss please! Pagbigyan nyo na kami! Kakausapin namin kayo please!"



"Ano ba yun?"



"Pwede nyo po ba kaming ilabas next week? Sasali kami sa dance showdown. Magpapractice po kami starting today" sabi ni Unice ng tuloy tuloy.




"Ano?! Bakit kayo sasali dun? Teㅡ"


"Hiro stop. Ayos lang" sabi naman ni Fionna kaya tumahimik si Hiro kahit labag sa loob niya.



"What? Alam nyong bawal diba? Pano kung may nangyaring masama? Pano kung may makakilala sa inyo? Alam nyo naman"



"Desidido po kami. Miss Chin."


"Goodafternoon" napatingin kami sa pintuan nang pumasok si director kaya napatahimik kami at bumati din.


"Director, napabisita po kayo" sabi ni Ms Chin.



"Magoobserba lang sana ako kaso may narinig ako eh. Ano yung desidido kayo? I mean, saan?"


Lahat kami walang gustong sumagot hanggang sa nagtaas ng kamay si Solar.



"Gusto po naming lumaban sa isang dance showdown"


"At saan nyo nalamang may dance showdown?"

"May nagimbita po samin nung sembreak pa po" -Star


"Alam nyo ba na delikado para sa isang Performing art students na sumali sa mga ganun?"


"Pero hindi po ba na matetest ang kagalingan namin kung sasali kami sa mga ganun? i mean, mahahasa pa kami. Pwede naman pong sumama si Miss Chin if she like. Kahit po kayo, kung gusto nyo. Pwede po nating gawing legal ito para hindi kami maissue na sumasali sa mga ganito if we will make a permission from you" tuloy tuloy na sabi ni Unice kaya napanga nga ako. She's really a leader.





"Napabilib mo ko dun, Unice Cabs. Good for you at matured ang pagiisip mo.. Okay, pagiisipan ko"




Lahat kami napa 'yes' sa sinabi ni Director. Mabait talaga sya.




Lumabas na si Director at nagpaalam na din kami.


"Ang galing nyo dun ha. Don't worry, kung matuloy yun, manunuod talaga ako. I will support you of course. Alam ko may reason talaga yun at walang nagimbita sa inyo" sabi nya ng nakangiti at tumingin kay Fionna.

Starfield University (Campus Queens 3)Where stories live. Discover now