64

708 37 0
                                    

Solar

"Babye! Text nyo nalang kung saan tayo magkikita kita ha!" Sigaw ko pag-alis ni Unice at Vince. May date silang solo eh.

"Kayo Travis at Star? Di pa ba kayo aalis?" Tanong ni Mark kila Star kaya napatingin ako. Kami kami na nga lang apat papaalisin nya pa?


"Ha? Bakit kami aaliㅡ" biglang pinalo ni Star ng mahina si Travis kaya napakamot ito ng ulo.

"ㅡoo nga pala, may date kami. Babye!" Sabi niya kaya napakamot nalang ako at kumaway pabalik. Edi kami nalang dalawa?


"Eh saan naman tayo pupunta Mark? Magdedate din tayo?" Tanong ko sa kanya pero tumingin lang sya sakin ng pamatay at hinila ako pasakay ng bus.


"Saan tayo pupunta?"

"Basta"

Nanahimik ako at naniwala nalang sa basta nya. Basta maganda yung pupuntahan namin, ayos na yun wag lang maging boring kasi kami lang dalawa.


Maya maya ay huminto na ang bus at hinila nya nanaman ako.

"Ang bagal mo kasing maglakad"

"Eh sorry na. Malalaki lang talaga hakbang mo no." Sabi ko at sumimangot na nakasunod sa kanya. Nakita nyang ganun ang itsura ko kaya inakbayan nya ako at sinabayang maglakad.

Napansin kong park na pala tong nilalakaran namin. So nasa park pala kami? Pero ang ganda!!!! Puro pink ang nakadesign kaya ang ganda!!!

"Malapit na tayo"

Tinakpan nya bigla yung mata ko pero pinabayaan ko nalang. May tiwala naman ako sa kanya at sa tingin ko ay di nya ako ihuhulog sa dagat o tutulakin.




"Ayan nandito na"


Pagtanggal na pagtanggal ng kamay nya, para akong nagslowmotion ng pagdilat dahil sa ang ganda ng lugar. Feeling ko ang special ko dahil sa ginawa nya. Special nga ba ako para sa kanya?



"B-Bakit may ganito? Ikaw gumawa nito?" Tanong ko at tumango naman sya saka ngumiti.

"Kaninang umaga, ginawa ko to"


"Wow."


Pinaupo nya ako sa upuan at para syang candle light dinner sa ilalim ng malaking puno. Natutuwa ako. May mga pagkain din na pang papak lang tulad ng fries, nachos, choc-o zesto!!!!



"I know yan yung favorite mo, bata palang tayo" sabi niya kaya kinuha ko agad yung choc-o zesto saka ngumiti sa kanya.

"Ang tagal ko na palang di nakakainom ng ganito kalamig na choco zesto! Omg i love you na talaga Mark!"


Napahinto ako sa pag-inom at maging sya ay nanlaki ang mata dahil sa sinabi ko. Nakakainis Solar. Ang tanga mo.

"B-bakit mo nga pala ginawa to?" Pagbibigay ko ng topic dahil naging awkward.

"Pagbibigay ko to ng thank you sayo" nanliliit na mata ko syang tiningnan kaya napapaiwas sya ng tingin. Anong meaning nun? Thank you saan? Wala naman akong nauwing gamit galing sa america.



"Alam kong nagtataka ka kung tungkol saan. Alam mo naman na kilala ako bilang cold sa school. Pero ginawa ko yun para di ako ma-attach sa iba. Gusto ko ikaw lang kaya hinintay kita.  Hindi ko man mapakita sa harap ng desktop yung saya ko tuwing kaharap mo sila, masaya naman yung puso ko. Ayoko lang mag-pahalata dahil unang una sa lahat, bawal kayong mag boyfriend at kami mismo ang bantay nyo pero wala eh, ganun talaga"





"Mark? Hinintay?"


"Oo. Kailangan pa ba kitang tawagan kahit tapos na ang paguusap nyo sa harap ng laptop at magisip ng ibang dahilan? Tahimik ako pero hindi ibig sabihin nun wala akong nararamdaman. At nang makabalik ka, sayo ko tinuon ang atensyon ko. Nawala yung pagkacold ko"




"G-Ganun ba?"

"Pero sa nakikita ko simula nung makapasok ka sa starfield, mas nakaclose mo si Kean kesa sakin. Nakikita ko pang mini-make upan ka nya. Nakikita kong may care talaga sya sayo. Alam kong gusto ka nya pero Solar, gusto mo rin ba sya?"




"Mabait sya, Gentleman, Talented, approachable, may kusa at lahat na halos na gusto ng isang babae nasa kanya na. S-Sinong hindi?"


Napayuko sya pero nakangiti. Tumingin sa kaliwa, sa kanan para lang umiwas sa tingin at sinasabi ko. Nasasaktan ba sya? Ang tanga mo Solar, sinong hindi?!



"Ganun yung mga gusto ko sa isang lalaki, Mark. Pero may kulang sa kanya na hindi ko mahanap"



"Ano yun?'



"Yung ugaling meron ka na wala sya"



Tumingin sya sakin na nalilito. Oo, yung ugaling ganyan. Yung ugaling slow. Joke.


"Hindi ko alam pero kasa magkakausap ang lahat sa harap ng desktop, naks, rhyming. Basta yun, sayo lang ako napapatingin kahit nasa likod ka lagi nakatitig sakin. Namamagnet mo yung tingin ko. Ikaw yung hinahanap ko. Kaya nga tuwing tatawag ka, lagi kong sinasagot kahit pa busy ako sa school. Di ko alam bakit ganun ka sa harap ng laptop eh. Parang nakatitig ka lang kaya akala ko wala kang pakelam sakin. Kaya nasasaktan ako dun palang. Iniisip kong, "sana mapansin ako ni mark" at  "sana ngumiti man lang sya sakin at mag-hi". Ako yung parang bata na may crush sa isang tao pero di ako napapansin. Ganun ako sayo Mark"






"So ibig sabihin ba nunㅡ"



"Oo, gusto kita. Matagal na. Ay mali, mahal pala kita, matagal na"



Napatakip sya sa mukha nya at napahilamos saka napa'yes' sa hangin at saka ako niyakap.



"Wag kang mag-alala, maghihintay ako sa tamang panahon. Ay mali pala. maghihintay, tayo."

Starfield University (Campus Queens 3)Where stories live. Discover now