69

683 31 0
                                    

Nathalie

(Pagpasensyahan nyo na kung bakit laging si Nathalie ang may POV.)

Nakatambay ako sa upuan ng CSW. Wala naman kasing pinapagawa kaya wala pa talaga kaming gagawin. Kakatapos lang din ng practice namin at nagdesisyon akong wag nang pumasok.


"Nathalie!" Napatingin ako kay Unice na pumasok sa Company kaya nanlaki ang mata ko. Bakit sya nandito?!

"San si Miss Ty?" Sabi niya kaya napatingin ako sa hawak nyang papel. Nanghihina man, sinamahan ko sya papunta sa office.

"Gusto mong pumasok?" Tanong niya.

"H-Hindi na. S-Sige pumasok kana, sa CR lang ako" tumakbo ako papunta ng CR saka nagstay sa loob.

"Nasaan nga pala si Nathalie? Simula nung nahuli sya sa dance practice room, di ko na sya nakita. Di nga ata nakapagperform eh"


"Ha? Sino sabi? Narinig ko nung nakaraang araw, nakapagperform siya kasi pinagbigyan ni TY. Ang special nya no? I don't know why"



Halos mapangiti ako dahil sa sinabi niya. Ako? Special? Kaso mas special si Unice.


"Special psh. Kamo, may kailangan si TY! Hahahahaha" napatigil ako dahil sa rinig kong tawa nya. Kilala ko yun. Kilala ko yung tawa na yun.



"Panong may kailangan?"


"Ipagpapalit kasi sya sa company na walang nakakakilala. Ipapalit sya sa magaling dun. Kaya nga yung kasama ni TY na nanuod satin? Yun yung CEO nung company na yun. Papanuorin sya para pumayag syang pagpalitin. Naiimagine mo ba? Bakit sya yung ipapalit eh madami naman tayong trainee? Tska bakit.. sa kaklase nya pa?"



"Pano mo nalaman yan? Tska, oo nga, bakit sya pa?"


"Nalaman? Nalaman ko dahil kay Lynlyn. Alam mo namang takot sakin yun. And oh, pareho talaga sila ng ate Hani niya. Pinipilit maging talented" napahawak ako sa bibig ko at umiyak. Bakit ganun? Bakit ka ganun ate Kim?




"Excuse me.." bigla akong tumigil dahil sa narinig ko ang boses ni Unice.

"Bago ka dito? Ngayon lang kita nakita" sabi ng isang kausap ni ate Kim.


"Kapapasok ko lang talaga dito sa company nyo. Ang ganda pala"


So.. ibig sabihin... pumayag sya sa contract? Ibig sabihin part na sya ng CSW company? Ibig sabihin.. ako...



"Yep! Teka, familiar ka.. kaso di ko maalala eh. Saang school ka galing?"


"Im from Starfield University, ST16G. Kaklase ko si Nathalie, yung pinaguusapan nyo kanina." Oh.. good Unice.. ipahiya mo pa ako..




"Oh.. ibig sabihin.. ikaw yung ipapalit sa kaniya? Tama lang pala na ipalit ka. Mas matured at maganda ka kasi. I bet, madami kang talent? What's your name?"



"Madaming talent? Hmm.. im Unice Kaileen"


"Ah! Si Unice! Oo naalala ko na! Napanuod kita nung program kaso yun na yung huling pasok ko sa S.U. kaya pala familiar ka eh! Ang galing mo nga"





"Well, thanks"


"Gusto mo ba kaming maging kaibigan? Alam mo na, bago ka dito, kailangan mong matour"



"No need, this is my first time here in CSW company but i guess this is also my last"


Bigla akong nagulat dahil sa sinabi niya. Anong ibig sabihin nun? Last?


"What do you mean girl?"



"I did'nt accept the offer at hindi ako nagsisi. Tama kasi sabi nila, once na nandito ka, tingin na nila sayo mataas. Eh nandito tayong tatlo, nagmamataas na kayong dalawa. And oh, hindi ko tinanggap yun kasi hindi ko deserve. Lahat ng napapasok dito, TALENTED. Walang nakakalusot"





"Eh kaya ka nga ipagpapalit kay Nathalie eh! Kasi mali sila ng napili. Kasi ikaw dapat tapos aayawan mo? How dare you girl?"



"Oh! Ipapalit pala ako kay Nathalie? Buti nalang di ko tinanggap. Mahirap kasing kalaban si Nathalie. Lagi nya akong natatalo lalo na sa singing contest. Masyado syang talented kumpara saking sayaw lang ang kaya. How dare you girls para maglagay ng smoke sa dance practice room? Gusto nyo bang malaman yun ng CEO nyo?"




Hindi ko na alam mga sinasabi niya pero nagugulat ako. Saan ba papunta to?


"Teka pano mo nalaman yun?!"


"Narinig ko habang naglalakad kayo. So insecure lang kay Nathalie mga te? Para ipahamak sya at hindi makapagperform? Tsk,"



"Ang yabang mo ah!"


"Ahhhh!" Pagkarinig na pagkarinig ko sa kanila ay lumabas ako ng toilet at hinila ang buhok ni ate Kim saka sya nagulat na nandun pala ako.




"Ahhhh! Heeelp!"



Napabitaw kami ni Unice sa pagsasabunutan ng pumasok yung isang trainor para magcr.




"You guys, follow me"



Wala na kaming nagawa at sumunod sa kanya papunta sa office. Hindi ko na ata kakayanin pa to. Hindi ko na kakayanin sa CSW. Sobra sobra at di ko na deserve.



"So, hindi mo tatanggapin yung offer tas gagawa ka ng gulo? Bakit di ka nalang umalis? And Nathalie, kapwa mo trainee inaaway mo. Dahil ba sa babaeng to?"



"Yes sir. Sila po nanguna" sabi ni ate Kim kaya tiningnan ko sila ng masama.



"Makakaalis kana miss Cabs. Kung ayaw mo sa company ko, then go out. We don't need you and we're not desperate to adopt you here."



"Sir hindi mo manlang ba kami papakinggan kahit isang minuto?! Sila ang nanguna!"



"At nagtataas ka ng boses miss Nathalie? What kind of attitude do you have? Ang artists ko ay may respeto sa isa't isa then yㅡ"



"Im sorry Ty" sabi ko nalang.

Hindi na namin pinahaba ang usapan at lumabas na. Kailangan ko pa bang umuwi? Hindi ko na alam ang buhay ko dito sa company nila. Kaya pala mataas ang expectations ni daddy dito.





"Bakit ayaw mo nalang iwithdraw yung contract mo dito? Mukhang napagkakaisahan ka. Alam kong narinig mo pinaguusapan nilang dalawa pero bakit di ka lumaban?"




"Hindi kasi ikaw ang nasa posisyon ko Unice eh. Siguro kasi ayaw kong maalis ako dito? Ayokong makagawa ng gulo"



"Gulo?! Kahit inaapi api kana? Oh no. You're not Nathalie."



"Okay lang.. ayoko rin kasing masayang yung pagkakataon. Nandito na ako eh. Kailangan ko nalang mag debut para maging proud sakin si daddy."




"Basta kung sa tingin mo hindi mo na kaya, you're free to withdraw that contract. Alam mo yung isang dahilan kung bakit ayaw ko dito? Kasi alam kong hindi ako sasaya dito. Mas masaya ako pag madami kaming kaibigan ko. Kaya kung ayaw mo na dito, mag audition ka sa PMC ha?"






"Oo, sige. Basta nanjan kayo" sabi ko at ngumiti kaya niyakap niya ako at humiwalay na. Naglakad sya papalayo at kumaway kaya kumaway ako pabalik.

Starfield University (Campus Queens 3)Where stories live. Discover now