Special Chapter

1.1K 31 0
                                    

Jillian

"Manager, makakapunta kaya tayo ontime?" Sabi ko at napatingin sya sa wrist watch niya. Anong oras na, i think 2 hours nalang magsisimula na yun eh aayusan pa kami.

"Hayaan nyo na. Makakahabol tayo at makakapagperform kayo. Manuod nalang muna kayo para di kayo mainip" sabi ni manager at binuksan yung TV ng sasakyan. Pagkabukas na pagkabukas ay nagla-live na yung news at marami nang nandun kaya kinabahan ako.

Ito yung first time na paglabas namin at pagperform sa stage ng maraming tao. Like duh, kakadebut lang kaya namin pano kami makakapagperform agad?

"Wtf is Kean oh" sabi ni ate Sabrina na tinutok kila ate Solar yung camera kaya kita sila. Ngumiti sila at kumaway kaya napangiti ako. Malaki na rin ang pinagbago nila oh.

"Ay diba, diba sila Caellie yun? Ay oh, ganda" sabi naman ni Ate Sabrina. Magkikita kita kaming lahat sa isang Asian Awards! Tama talaga si miss Chin. 5 years ago, sinabi niyang makakapagkita kaming lahat sa isang asian award at tatanggap ng isa nito.

"Naready mo na ba yung speech mo Heina?" Sabi ni manager kaya tumango si ate Heina. Si ate Heina ang leader namin na mags-speech pagtatanggap na kami ng award.

"Manalo man kayo o hindi, wag kayong kakabahan lalo na sa mga speeches. Di nyo alam baka nanalo pala kayo" sabi niya kaya napangiti kaming lahat

Pagdating namin sa hotel ay agad naming nilapag yung nga gamit at umalis na papunta dun. Sa dressing room, dun kami pinagmake-up at inayusan ng damit saka pinalabas saktong nagsisimula na.

"Wait Jillian!" Napalingon ako saka ko lang narealize na ako lang ang lumabas.

"Tayo daw ang magpeperform eh! Bakit ka aalis?" Sabi ni ate Sab kaya natawa ako at nagpunta na kami sa backstage.

"Hahahaha funny ka dun Jillian" sabi naman ni Bea.

Pagdating namin sa backstage ay rinig na yung kanta namin. Yung intro kaya lumabas kaming paakyat ng stage. (Yung automatic na lalabas ka sa stage na parang elevator ganern) at pinalakpakan.

Habang nagpeperform ay kinakabahan ako at nakatingin ako sa mga tao then i saw ate Unice na nakangiti habang nanunuod samin kaya napangiti din ako. I really missed them!!!

Pagtapos ng sayaw namin ay bumaba kami at nagbow sa mga nadadaanan namin at umupo sa pwesto. Pagtapos nun ay awardan na kaya naghawak hawak kami.

"Best Solo female artist of the year, the Nominated are Kaileen, Farrah, and Lira K.ㅡ we will announce the winner... after this performance"

Kahit malayo si ate Unice ay nakita ko ang paghinga nya ng malalim dahil sa kaba pero ngumingiti pa din sya sa camera. She looks so professional. Kaileen is her stage name and i don't know why she changed it.

After nung performance ng isang grupo ay bumalik na ang mga emcee kaya pumikit sya pero di sya nagpahalata dahil malamang masisira syang kinakabahan ano.

"The Best Solo Female artist is... Kaileen Congratulations the award is yours" napapalakpak sya ng wala sa oras at umakyat sa stage ng nakangiti kaya pumalakpak din kami. Ang dami niyang fans!!!

"Uhm, haha! I don't know what to say even if this is the third time that i won here in asian awards night. Uhm, i want to say thank you to those people that believe in me specially to my fans or should i call you, Kabies, (K-BABIES) i want to thank you all because you brought me here tonight. I will work harder and make you happy and of course to my manager, to our CEO, makeup artist and all hahaha! Yiie!" Sabi niya at tinaas pa ang hawak na trophy at bumaba.

"What's the second hmm?" Sabi ng isang emcee

"I guess, we will go to the nominated groups of rookies? The nominated groups are" lumabas sa screen yung mga kakadebut lang at lumabas din yung pangalan ng grupo namin. Yep, nasa rookies kami ngayon dahil bagong debut lang kami.

"They performed! We saw their performace already right? Who do you think will win?" Sabi nito kaya nagsigawan yun mga fans. Halos di na sila maintindihan dahil iba iba.

"Yep! The winner is of course, the lucky aces! Congrats to all of you" sabi kaya nanlaki ang mata ko at napatayo dahil sa gulat. Lahat kami umakyat ng stage na nakangiti. This is the first time that we won!

"Even if they debuted last year, they already won here! CSW company is the best" sabi kaya tumango kami at nagspeech na sabay bigay sakin ng trophy. Napaiyak ako dahil sa saya ng makitang hindi lang pala ako ang umiiyak.

Pagbaba namin ay pinalakpakan kami at todo bow pa din kami hanggang sa pag-upo.

"Congrats!" Sigaw ni Ate Caellie na malapit lang samin saka namin sya kinawayan. Ganun din si ate Jenny, at ate Nathalie.

"What's next?"

"I think we should watch first the performance of this groups before we announce the winner of the best dance performance!" Nagpalakpakan at unang lumabas na sumayaw ay taga OTC company na makakalaban nila. Pangalawang lumabas sila Ate Fionna kaya nagsigawan kami bilang pagsuporta.

Pagtapos ng limang nominated ay umupo na sila pabalik sa upuan nila kaya nagpalakpakan yung mga tao.

"Who do you think will win?"

"Hmm.. i don't know i mean, we don't know. They're all professional in dancing hahaha! Let's announce then!"

"Okay.. the best performance group is... NONAGON!" Dali dali silang tumayo at nagpunta sa stage.

"Thank you! Thank you for all your supportsㅡ" sabi ni ate Fionna. Yep, sila yung nanalo.

"ㅡwe promised that we will work harder to make you proud! Thank you to our producers and choreographers and to all fans, thank you!"

Nagpalakpakan kami hanggang sa bumaba sila. Hays!

"These performances will gives us goosebumps! They're the famous acapella singers right? They are also nominated here in best vocal group after the performance group. We need to announce it immidiately!"



"Yep! And the winner is in our hands.. haha! Im just kidding, the winner of the Best vocal group is the.. Highness!" Ganun ulit ang ginawa namin at pumalakpak sa pagkapanalo nila kuya Mark, Kean, Gian at ate Solar. Im so proud! Syempre proud din ako kay kuyaㅡ Kean! Sana magkausap ulit kami. Kukulitin ko talaga sya hanggang sa umamin na sya sakin. Hahahahahaha! Tumanda na po ako, malandi na din.




Kitang kita ang excitement habang nag-s-speech sila. Lahat sila nagsalita ng sabay sabay at may tono pa kaya nagkagoosebumps talaga ako.


"I think we will watch first the performance of these groups right? The nominated of best female group and best, male group" umalis yung mga emcee at nagsimula nang magperform yung mga nominated. Nandito sila ate Caellie na nominado sa best female group at sila kuya Vince. Parehong galing PMC ang nominado.

Starfield University (Campus Queens 3)Where stories live. Discover now