70

781 33 0
                                    

Travis

"Come on guys! Kailangan ng maayos na choreography! Pagnatapos nyo to, pwede na nating mapost sa channel natin para sumikat na kayo. Kailangan sabay sabay at full of energy!" Sabi ni Manager. Manager? Yep, may manager na kami.


Buwan na ang lumipas pagkatapos naming mabalitaan na hindi tinanggap ni Unice ang offer at naging masaya kami dun. I guess.. 1 and a half month? Ganun.


"Last na to promise manager! Si producer nga natatawa lang samin eh!" Sabi ni Vince kaya napakamot sya. Lalaki ang manager namin at si sir Koise.

"Teka, tinatawagan ako ni CEO, just a minute" tumango kami at umupo saglit saka nagsign ng "timefirst" sa camera man at director. Nagdedebut na kami at ginagawa muna naming biro kasi pagtapos nito, siguradong pressured na kami. Sinusulit lang namin maging free kumbaga.



"Guys, may susunduin ako sa office. May madadagdag daw sa grupo nyo eh"

Sabi ni manager kaya nagbulungan kami. Sino sino nga ba kaming nandito? Si Unice, Vince, Star, Jenny, at Maddie syempre pati si Carl. Alam ni manager ang nangyayari samin tulad ng page-m.u namin kaya sinasabi niyang bawal daw ilabas sa media. At bawal malaman ng CEO. Yung manager namin ay syang pansamantala lang na manager namin. Pagnagka hiwahiwalay, edi ibang managet na. Remember, we're still rookies.



"Sino kaya yun? Sana makaclose agad natin sya or mas bata ganun?"

"Grabe naman kung mas bata tapos lalaki. Nako wag lang pogi dahil baka mafall ako sa kanya. Kawawa naman si Gian" sabi ni Maddie kaya nagtawanan kami.

"Iwas landi Maddie ha? Hahahaha" sabi ni Star sa kanya.


Mga 30 minutes at pumasok na si Manager Koise kaya nanlaki ang mata namin. Teka... teka nananaginip ba 'ko? Teka...


"NATHALIE!!!!!!!!" Nagpuntahan kami sa kanya at niyakap namin sya.

"OMG! Bakit nandito kana?! Bagong grupoㅡ you mean nag withdraw ka ng contract?"

"Yep. Sobrang bully na ako dun. Simula kasi nung may nangyari, wala nang nagtanggol sakin at siniraan ako nila Kim. Hayup sya. At oo nga pala, ilang linggo din akong nag-audition kaya natanggap na ako"




"What about your dad?" Tanong ni Unice.

"I don't know, really. Hindi na ako umuwi eh"


"Ano bukas nalang tayo mag shoot?" Tanong ni director.


"No!!!! Alam ni Nathalie yung steps!"

"Yep! We can still manage the parts. Kay Nathalie at Unice yung natitirang part then sa pangalawang stanza, kay Nathalie kasi dalawa yung kay Jenny eh"


"NOTED!"

"Lipsync lang naman to eh. Ikaw lang ang bibida. Let's try?"



Ginawa namin yun at yung part ni Jenny sa umpisa, sya na ang nagstep forward saka kumuha ng lines. Silabg dalawa din ni Unice ang nagstep forward sa mejo high part.


"Good! Then ano na? Shoot na?" Sabi ni Manager kaya nagokay sign kami.

"Kaya pala di pa natin maayos, kasi may darating hahahaha!" Sabi ko kaya nagsingitian sila at tumatango tango.




Pagtapos naming magshoot ay pinaggawa kami ng isang MV na magkakasama kami. May ibang scene na kasama si manager, si CEO (pero tapos na yung scene na yun). Tapos yung camera man, producers at ibang naunang artists. Meron pa kasi kaming kakantahin na parang R&B. Malungkot sya pero tungkol sa family. Kasi we're family now.





"Okay guys, mapapanuod nyo na to mamaya. Sobrang happy si CEO sa inyo dahil success kayo sa MV. Dahil kayo ang pangalawa sa artist nya, sa inyo muna sya magfofocus. Okay?"

"Okay po!"




Dahil bagong company ang PMC, mahina pa ang takbo nito. Yung iba talaga ay di sumisikat gaya ng unang grupo but kaya namin to! Papasikatin namin ang PMC at isasali namin sa BIG 3.

Maliit lang din ito di gaya ng ibang company. May iisang dance practice room at di pa masyadong sanay yung iba. Okay lang na ganito. Atleast masaya kami.



"Tutal sikat na tayo dahil sa sumikat na flashmob, siguro naman madali nating papaangatin yung rates ng PMC no? Kaya ba natin sabayan yung iba?" Sabi ni Unice.


"Kayang kaya!" Sigaw naming lahat. Pati yung ibang tao, mga makeup artist at hairstylist ay natuwa sa sinasabi namin. Bakit ba, masikap kami eh. Hindi na namin kailangan makioagkumpetensya dahil dito, pamilya na kami.



"Guys, 8pm na. Magpahinga na tayo" sabi ni Star kaya nagtayuan kami at inakbayan ko sya. Dito naman, tig dadalawang tao sa iisang room. Kasi siguro eh kaunti palang ang artists kaya kaya pa. Pero kung madami na, tiyak ay magiging 10 kami sa isang room.



Kinwento ni CEO samin yung mga pagreject ng ibang trainors sa kanya, yung pinagdaanan nya dahil yung ibang school ay suportado lang ng big 3 at gustong sumikat agad ang estudyante nila. Pag dito kasi tingin nila wala nang futute yung iba.

Starfield University (Campus Queens 3)Where stories live. Discover now