Epilogue

1.4K 34 6
                                    

Caellie

5 years laterㅡ

"Faster! Faster! Baka nasimulan na nila yung episode 16!" Sabi ni Nathalie na tinatawag yun mga members namin. Kahit na may hair rollers pa sa bangs ay dali kaming nagpunta sa main hall ng company at nandito na silang lahat.



Pagpunta namin ay may camera na nagrerecord sa mga nanunuod. Pumwesto na rin kami sa isang table kung saan kami dapat.

Lumapit ako kay Hannie at tinanggal yung nakalagay nyang rollers sa bangs at inayos iyon.

"Thank you leader!" Masaya nyang sabi at tumutok na kami sa big screen.

"Ayan na! Nagkiㅡomg nagkita na sila! Omg! Waaah! Nagkalapit sila leader!!!" Sabi naman ni Kayla kaya napapangiti ako. Nakita ko sa kabilang table si Unice at Madison na masayang nanunuod kasama ang mga managers nila.



"IIIIHHHHHHH!!" sabi pagkatapos. Yung iba napatakip ng mata at yung ibang group ay pinagpapalo ang katabi nila. Well, Star and Travis is a legend. Hahahha!



I checked my phone at tinext si Star para i-congrats sa successful nilang palabas ni Travis. Well, nagkiss lang naman sila sa huli.

"Ayan na yun credits, nanjan si Unice ofcourse" sabi ni Nathalie kaya tumango ako. Isa kasi sya sa kumanta ng OST nilang dalawa. Gusto nyong malaman ano na narating namin? Haha! Wag na!!! Joke.


Si Star, Travis at Madison ay naging actors which is natupad nila ang pangarap nila lalo na ni Star. In real life? Nasa legal age na sila kaya pinayagan sila ni CEO na ibunyag an relationship nila at marami naman ang tumanggap nun infact, mas dumami pa ang fans nila at naging number 1 ang palabas nila.


Si Unice? Naging Solo performer. Hindi na rin nakakapagtaka dahil kayang kaya nya yun. Nakapagworld tour na rin sya kagaya namin.

Kami ni Nathalie, at Jenny, part kami ng group na Lady Pony kasama ang dalawang babae na nakilala namin sa ibang bansa. Ay! I forgot, nasa singapore kami ngayon nagstay dahil sa awards night. Meron kasing branch ng company dito simula ng lumago ang company. Si Hannie and Kayla, yung dalawang pinakabata at ako ang pinakamatanda kaya ako naging leader.


Si Carl at Vince naman ay nasa isang grupo din which is Playboys. Si Carl ang naging producer nun. Pito silang nasa grupo.

Si Fionna, Gray, Hiro at Renz ay nasa isang grupong Nonagon. They performing sa stage pero kadalasan ay nananalo sila sa dance performance. Ikaw ba naman, apat silang magagaling sumayaw eh. Malamang bukas... teka bukas! Oo nga pala, bukas ang awards night at sana kasama sila para magkita kita kami. Malamang sila ang best dance performance group.



Si Jillian at Sabrina, kakadebut lang last year. Pero yung grupo nilang 'the lucky aces ay pumatak agad ng isang milyong pera dahil sa kanilang private member. Napa-wow nga kami nung nalaman yun.

Si Dave naman, naging actor din at nagkaron sya ng movie last year. 3 years na sya sa showbiz at nagsimula lang din sya sa paextra extra and last year din, naging bida sya kaya mas nakilala. Sila na ata ang pinakamatagal nag debut sa aming lahat.


Sina Mark, Solar, Gian at Kean, nasa iisang grupo kasama ang isa pa nilang kamember. Madalas ay acapella ang ginagamit nila minsan ay banda, pero nagpeperform din sila ng sayaw.

Ang nakakatuwa dun, 5 years at naging successful na kaming lahat. Yung iba nga ay tumagal ng 7-8 years bago pagdebutin eh. Yun yung mga taong katulad 'namin' na nasa special section at wala talagang patunay na nag-aral kami sa S.U simula bata kami. Yep, wala kaming papeles dun dahil kita nyo naman, halos 1 month lang kami sa regular class at nagkaron na agad ng company? Pano kami magkakaron ng papeles na nagtrainee nga talaga kami dun? Kaya kailangan nilang ipagpatuloy yung taon na yun sa company kaya ganun katagal. Lucky pa din talaga kami.



"We're here to support, Venice and Travis for their successful film." Pagpasok na pagpasok nilang dalawa ay nagpalakpakan kami. Naks, ganda na talaga ni Star. Nagtataka kayo? Ang naging pangalan ni Star ay yung second name nyang VENICE. Yun yung ginamit niya.



"Thank you guys, for supporting us. Hahah! We're so happy that our movie became number 1 worldwide." Sabi ni Star.

"Yes, and we will work harder in the future" sabi naman ni Travis kaya nagpalakpakan ulit kami saka sila umupo sa harapan. Malamang, kanilang event to eh. Gets nyo ba? We're artist now. We're successful in our careers.

Starfield University (Campus Queens 3)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang