6

2.2K 54 0
                                    

Travis

Kakabwisit. Imbis na makakasama ko na sila mommy and daddy at yung kapatid ko hindi ko pa magagawa? Nakakainis naman to oh.



"Okay lang yan Travis. Magkakasama pa rin naman tayo. Hindi naman siguro magagalit sila tita" sabi ni Renz.

"Akala ko talaga makakapagpahinga na tayo sa araw araw nating performance at practice. Hindi pala" -Mark



Napatayo kaming lahat nang pumasok ulit si director at ngumiting nakakatakot. Buti naman at hindi na kami mapagpapabukas ng performance.



"Goodafternoon sir Ronnel, welcome back" sabay sabay naming sabi.


"Okay sit down. Next performers" kami ang nagpunta sa harap bago sila Unice magperform at pinatugtog na yung love me right na kanta.




Diretso lang akong nakatingin habang sumasayaw at syempre nagpapapogi din. Kailangan kaya yun para maging successful yun performance namin. Hindi ko alam kung gusto kong mapili kami o wag. Gusto dahil malaking bagay yun samin pero ayaw ko dahil gusto kong umuwi samin. Pero pangarap namin to. Gagawin namin ang lahat.




Nagpalakpakan lahat sila samin pagtapos naming sumayaw at nagbow kami. Pagtapos ay pumunta na sila Unice at Vince sa harap saka pinalakpakan.



"Ang galing mo Travis! Para ka talagang nasa exo oh my god ang galing ng pinsan namin!" Napatingin ako kay Star at nagpogi sign.


"Ako pa ba? Ako na ata ang pinakapogi sa lahat" sabi ko kaya natawa sya. Sa aming lima nila Unice, Star, Mark, ako, Renz ay nagturingan kaming magpipinsan dahil bata palang ay magkakasama na kami. Isa pa, magkakaibigan ang mga magulang namin kaya walang masama dun.




"Lumakas nanaman yung hangin. Grr" bulong ni Nathalie sa gilid.



"Totoo namang pogi siya eh. Mukha kaya syang korean" proud na sabi ni Star. Favorite ako ni Star dahil mukha daw akong korean. Pano ba naman kasi sila mommy, pinaglihi ako sa mga korean. Ayan tuloy.






Napatingin nalang kami kay Unice at Vince na parang mga anghel kung kumanta. Damang dama eh oh. Siguro pinopormahan ni Vince si Unice. Aba hindi pwede yun. Kabilin bilinan samin na wag munang magboboyfriend at girlfriend at bilang mga lalaki na pinsan nya, kailangan namin silang bakuran.





"Beauty and the beast~" nagpalakpakan kami nang matapos silang dalawa. Ito talaga yung dama eh. Siguradong pasok na tong dalawang to.





"Goodjob everyone. This is my evaluation to all of you. I will start with Nathalie, 95%." Nagpalakpakan kami sa naging score nya. Mataas na yun ha.



"She can deliver that song. At nasaan yung 5%? Nagmadali ka. Hindi mo fineel yung kanta." Tumango tango si Nathalie pagtapos nun.




"The next is Star and Madison. I'll give you 90% because the song you choose is bagay sa inyong dalawa but the 10%? Dahil yun sa sinayaw nyo. Hindi magandang ipinagsasabay ang lovesong saka kayo nagreremix ng freestyle. Masakit sa mata" woah. Grabe naman yun. Atleast nga nageffort!






"Ok po sir" sabi ni Star kaya nginitian ko nalang sya.




"The next one is Fionna. 85% because your song is not best for you. Kaya mong kantahin at ideliver ng maayos but the point is, walang emosyon. Kasama din sa tips ang wag magpakapoker face hindi ba?"





"Yes"


"Ilang taon na ba kayong kumakanta sa harap ng klase? 4 years? 5 or 6 years? Hindi pwedeng laging okay na yan. Hindi pwedeng makatanggap kayo ng 80 ibig sabihin okay na yan. Ngayong 16 na kayo ay pinapayagan na kayong sumali sa program. Kailangan mas mataas. Mas may emosyon. Kailangan maabot nyo yung 100%"






Yeah. Kailangan naman talaga yun. Ibang klase, director pero nagtuturo. Sya lang ata yung ganung direktor na nakilala ko. Dati kasi sobrang sungit.




"The next one.. yung mga sumayaw? I gave you 100%" napanganga kami sa sinabi niya. 100%?! For real?! Ibang klase ata yun!




"Dahil bumagay ang pinili nyong kanta sa inyo at pinagsama sama nyo ang concept kaya hindi nalayo. Goodjob yun para sa inyo. Yung costume, yung steps ng sayaw, yung emosyon at pagdala ng sayaw"




Pinalakpakan kami ng ibang kaklase namin. Ako talaga nagdala dun.




"And for Unice and Vince? I also gave you 100%."




"Because nadama nyo yung kanta. Bagay na bagay dahil unang una, duet kayo. Pangalawa, love song. Pangatlo, chemistry at pangapat, the emotions ng eye contacts. Nice job"




pumalakpak kami sa nakangiting si Unice at Vince. Nakanang hayop! kahit sino talagang partner ni Unice ay mataas. Talented eh.





Palabas na sana si direktor nang magtaas ng kamay si Nathalie.


"Sino po ang pasadong nakapasa sa program?"


Mabagal syang sumagot kaya nagpaintense pa samin.



"Lahat kayo"



"Thank you sir" hinintay namin syang umalis saka nagingay ang buong klase



"Yeeeehey!"
"Wooooh!"
"Waaaaah!" Sabay sabay na sabi kaya lalong umingay.




"Class, tahimik" sabi ni miss kaya tigil din kaming lahat.


"Your parents will come at the day of the program. I will call them later to say that you will perform infront of them and many people. Don't worry about sembreak, pagtapos nun pwede kayong sumabay sa kanila paalis"






Nagingay nanaman sa room kagaya ng kanina. Pati tuloy si Ms. Chin ay natatawa na samin.



"3 goodnews in 1 day. Wow, 3 in 1" sabi ni Star kaya ngumiti ako. Oo nga no.











Starfield University (Campus Queens 3)Where stories live. Discover now