21

958 42 0
                                    

Vince

Nakaupo lang kami habang nanunuod sa mga girls na nagpapractice sumayaw.

"Desidido talaga sila" -Renz

"Hindi na ako natutuwa" sabi ni Hiro at tumayo pero pinigilan ni Gian.

"Bakit ba? Hayaan mo na sila." Sabi nito.

Tumayo pa din sya at pinatay yung tugtog ng mga babae kaya napasimangot sila.

"Bakit mo pinatay, Hiro?" Tanong ni Miss Chin na nasa gilid at pinapanuod din.

"Miss Chin ayoko ng sayaw nila. Hindi kayo mananalo kung ganyan ang sayaw nyo. Masyadong pambabae! Fionna kaya ka nasasabihan noon na nagpapamalas, kasi masyadong malambot ang buto mo. Wag ganun. Ang dance showdown na yun, panghiphop. Hindi pang kpop. Gets mo ba? Ako na nga lang magtuturo sa inyo" sabi niya at pinalitan yung kanta.

Nagtinginan kaming mga lalaki at umiling. Nakita rin namin si Miss Chin na umiiling pero nakangiti.

"Tara sali tayo" sabi ko at tumayo din sila kaya at nakisayaw sa gilid.

"Okay, 1 2 3 yan sige go sayaw! No Jenny mali yan. Wag masyadong yan!ganyan. Hindi puro kembot okay?"

Nakita namin sa salamin na papalapit si Miss Chin at pinaharap din sa salamin si Hiro.

"I get it. Go sakin kayo sumunod. Kailangan, yung emotions, and eye contact kagaya sakin ha" sabi niya at tumango tango kami.

Sumunod kami sa kanya at nakatingin lang diretso sa salamin. Pati yung sayaw natapos namin ng 5 hours lang na pagpapractice.

"Thank you talaga sa inyo. Napakalaking bagay sakin nito pagnanalo tayo. Salamat" sabi ni Fionna kaya naggroup hug kaming lahat kasama si Miss Chin.

"Miss Chin, you're the best teacher!" Sabi niya ng nakangiti.

"Upo tayong lahat, may iaannounce ako" sabi niya at umupo din kami nang nakapabilog.

"So yun nga, next month, magleleave muna ako ng 1 month. Meaning, hindi ako ang teacher slash trainor nyo for december"

"WHAT?!"
"WHY?!"
"no!"
"BAKIT PO?!"
"Hala!"

Sabay sabay na sabi nila. Grabe diba? Ayaw nilang lahat.

"Jethro and I willㅡ"

"Ano miss? Pabitin!"

"Getting married" yung kaninang pagpigil nila ay naging tili real quick.

"Sige Miss! 1 month lang naman! Okay na okay na!" Sabi ni Renz kaya natawa sya.

"Di ko pa alam kung may papalit sakin. Pero makisama nalang kayo ha? May vacation naman kayo by december 20 so 20 days nyo lang sya makakasama"


"Okay lang miss!" -Travis

"Miss kasama na ba honeymoon sa one month?!" Tanong ni Gian kaya nabatukan sya ni Mark. Natatawa din si miss na tumango.

"Miss pano kung mabuntis kayo? Edi hindi nyo na kami matuturuan?"

"Alam nyo, kung mabuntis man, kaya pa yan. And besides, by next year or next month baka nga wala na kayo dito. I mean nandito kayo pero hindi na kayo sa dorm na to dahil nasa companies na kayo. Kayo din"

Oo nga pala. Pero kung ako, mas gugustuhin ko nalang maging...

..maging..

Ewan! Di ko na alam. Naguguluhan ako. Gusto kong kasama ko sya sa iisang company pero pano yun? Magugulo!



"Huy, Vince. Tinatanong ka" sabi ni Kean na nasa tabi ko.

"Ha?"

"Sasama ka daw ba sa showdown"


"Oo naman kaya nga nakipractice ako diba? Tska kulang kayo. Hindi masasatisfied yung mga babaeng kapogian lang ang hinahanap" banat ko kaya nakarinig ako ng mga mura hahahahah.



"Gaganti talaga ako sa mga yun. Hindi ako papayag na hindi ko sila natatalo" sabi ni Fionna

"Yan. Wag kang magpapaapekto sa kanila at lumaban ka! Alam mo na ang best revenge is success? Ipakita mo sa kanila yung narating mo." -Miss Chin.

"At wag ka ding magpapakitang weak sa harap nila. Be Strong" sabi ni Hiro.

"Tama. Nanjan naman si Hiro lagi para sayo" sabi ni Gray kaya inasar namin silang dalawa. Nakanang! May pagiibigang nabubuo.



"Ang sweet nyo. Nung isang gabi pa ako natutuwa sa inyo eh lalo na nung pinagtanggol ni Hiro si Fionna sa harap ngㅡ" napatakip si Jenny sa sarili nyang bibig at napatingin kay Fionna na takot na takot na.



"What do you mean, Jenny?" Tanong ni Miss Chin.

"Lagot" -Gray

"May hindi ba ako nalalaman?"

"Sorry Miss Chin. Nung gabi ng program, nung umalis na mga kasama namin, tumakas kami. Nagpunta kami sa dance showdown"

"Alam mong bawal yun!"


"Alam ko po miss Chin! Peroㅡ pero"


"Hindi na mauulit to Fionna. Pano pag nahuli kayo? Sayang lahat ng pinagpaguran nyo sa University na to. Maaalis kayo at ang opportunity na binuo nyo"


"Opo Miss, sorry"

"Kayo Gray at Jenny. Bago lang kayo dito. So be careful. Mas pagiinitan kayo dito"

"Yes po"


Pasensya na po at ngayon lang nakapagupdate! Enjoy reading!!❤

Starfield University (Campus Queens 3)Where stories live. Discover now