11

1.5K 50 0
                                    

Madison

"Sakto na ba kayo?" Tanong ni ms kaya bumilang din kami at lumingon sa kanya saka sinabing sakto na kami.

"Walang lalayo o tatakas ha? Sasakay pa tayo ng bus" sabi niya kaya tumango kami. Sino ba gustong tumakas? Gusto kaya naming magperform.

Sumakay kami ng bus at tumabi sakin si Gian at tinanggal yung earphone ko saka nilagay sa tenga nya yung isa.

"Excited ka?" Tanong nya kaya tumango ako.

"Ikaw?"

"Kinakabahan konti pero may pagkaexcited. Ngayon lang tayo magpeperform no. Nireready na talaga tayo"

"Eh panong tayo yung batch na pipilian ng big3 eh meron pang ST17G at B?"

"Yun lang. Baka mas karapatdapat kasi tayo" sabi niya at ngumisi kaya napangisi din ako. Taas ng confidence!

"Matulog ka muna. Sabi ni Miss malayo pa daw tayo" naglagay ako ng eye mask at natulog nalang. Mukhang malayo talaga yung pupuntahan namin eh.


"Mad, Madㅡ gising na" napatanggal ako ng eye mask at para akong singkit dahil sa sobrang liwanag na nagabot sakin.

"Nandito na tayo" sabi niya kaya tumango ako at dinala na yung bag ko palabas.

Paglabas namin, tumapat kami sa isang maluwag na park at may kinakausap si Ms Chin na performer sa gitna na may nanghihingi ng donation kaya nakipagkasundo ito at kami muna ang pinagperform.


"Okay, ganito ang usapan natin. Yung dalawang mic, nandun. Check nyo rin tung lapel nyo kung ayos ba para makakanta kayo ng maayos. Okay?"

"Okay po"

"Okay, una yung magpapartner. Next dance between girls and boys then all. UNICE, STAR, FIONNA, NATHALIE, MADISON, SOLAR, GRAY AND JENNY ang pagkakasunod sunod ng partner. Go go go!"



Pumwesto si Unice at Vince sa harapan saka nagsimulang maggitara si Mark at kumanta na. Papalakpak lang kami dito hanggang sa dumami na yung mga tao kaya mas nagkaenergy kami.

"Go Next!" Sunod naman na si Star at Travis na kumanta ng A whole new world. Wow, makadisney pala talaga kaming lahat dito.

Sunod sunod na naglagay ng pera sa donation box. Sunod sunod din yung dami ng tao kaya mas ginalingan pa nila hanggang sa turn na namin ni Gian.


Hinawakan nya yung kamay ko kaya nagulat ako pero pinabayaan ko nalang at nagsimula na kaming kumanta. Libre tsansing sya eh no.

Habang kumakanta kami ay finifeel ko yung sariwang hangin at pagtingin ko kay Gian. Eyecontact, check. Pagngiti ko sa mga tao, check. Emotions, check. Hindi ko alam pero bigla nalang tumibok ng mabilis yung puso ko. Kinabahan ako bigla kaya nawala ako sa focus.



Buti nalang ay natapos kami agad kaya next na. Binigyan ako ni Dave ng tubig kaya nagpasalamat agad ako. Halata bang kinabahan ako? Lagot ako kay Miss Chin.

Pagtapos ng lahat ay sumayaw na kami kaya mas ginanahan din yung mga tao at nakisabay sa beat. Natutuwa akong makita silang masaya kaya masaya din ako.

Habang sumasayaw ay nakangiti lang kami. Full of happiness kumbaga. Bukod sa ngayon lang uli kami nakalabas since june ay ngayon lang kami nakapagperform sa harap ng ibang tao.



Pagtapos naming magsayaw ay pinalakpakan kami ng mga tao kaya nagbow kaming lahat.

"Go, introduce" sign samin ni miss kaya tumango kami.

"Goodafternoon, im Unice Cabs, from Starfield Trainee 16 Girl. Thank you po!" Sabi niya at kumaway sa mga tao at ako ang sumunod dahil katabi ko sya.



"Hi, Im Madison Sy from Starfield Trainee 16 Girl!"

"Goodafternoon po sa inyo! Im Fionna Smith from ST16G!"

"Hello im Mark Lee from ST16B, nice to meet you po!"

"Im Star Lopez from ST16G, sana po ay nagustuhan nyo performance namin!"

"We're all from ST16G and ST16B section and from Starfield University, Im Nathalie Cruz!"

"Im Solar Fernandez!"

"My name is Renz Gonzales!"

"Im Travis Bernardo"

Pagtapos naming magpakilala ay nagpapicture samin yung ibang tao. Minsan ay buo kami, minsan ay isa isa.

Pagkaalis ng mga tao, sinama kami ni Ms Chin sa restaurant at pinakain ng masarap na Sinigang.

"Wooooh! Thank you Ms Chin! Mabuhay ka!" Sigaw ni Renz kaya nagtawanan kami.


"Nagawa nyo naman yung task kaya treat ko na to sa inyo. Improving yung emotions ha, lalo na kay Fionna at Mark. Ayos na din dahil focused kayo"


"Thanks Miss" sabi ko dahil lahat busy na sa pagkain.

"Sana magawa nyo din ng maganda sa program gaya ng ginawa nyo kanina. Team kayo dito kaya walang siraan, inggitan at alisan okay?"


"Sure miss!" Sabi naman ni Unice.

"O sya, bilisan nyo jan at by 8pm ay uuwi na tayo"


"Pero miss, 5pm palang po" -Gray

"Yeah. That's what im talking about. 5pm na at kailangan pa nating mamasyal sa mall. Alam kong nagsasawa na kayo sa mga damit aa center mall ng school natin"


"Seryoso ka miss?"


"Yep! Aside from uniform na nasusuot nyo araw araw, pang p.e, at civilian na nagagamit nyo sa weekends, kailangan nyo din ng bago no. Alam ko naman na may allowance kayo eh. Atsaka kailangan nyo din ng susuotin sa program. Hindi lang kayo ang nandoon remember? Nandun yung ST18B, ST17B, at ST17G"





"Waaah miss thank you talaga! Super thank you!" Sabi ni Nathalie kaya lumapit kami kay Miss at nagyakapan.

Starfield University (Campus Queens 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon