42

811 39 0
                                    

Gray

"So, hindi natin alam kung makakabalik kayo dito at makakagraduate pa kayo dahil sa magiging schedule nyo bilang isang trainee sa company nila at magiging rookie. So, say sorry and thank you one by one. Starting kay... Unice of course"





"Okay haha. Sa akin pa talaga miss eh hindi naman ako aalis. So, sorryㅡ" bigla syang napayuko at naiyak. Ayan nanaman sya. Iiyak nanaman sya dahil sa sobrang disappoint nya. Tinapik sya ng katabi niyang si Solar at Star.





"ㅡsorry sa inyo... kung may nagawa man ako bilang.. bilang leader. Sorry Fionna, hindi tayo nagkakasundo nung una hehe. Pero nabago simula nung nagkaron ka na ng emosyon. Sorry kung... sorry kung napapagod ko kayo tuwing magpapractice tayo, atleast worth it diba?! Konting tiis nyo nalang ay sisikat na rin kayo. Bilang isang leader, dapat ako yung hindi nawawalan ng lakas pero ako pa yung umiiyakㅡ"



"Continue, Unice"

Pinunasan muna nya yung luha nya gamit yung panyo na inabot ni Vince.


"Thank you nalang nga! Thank you sa inyo dahil nagtiwala kayo sakin bilang isang leader nyo. Nagtiwala kayo na kaya ko kayong ihandle. Thank you sa mga papuri nyo sakin. Thank you dahil tiniis nyo ko and thank you kasi... kasi... kasi tinuring nyo kong ate ko kapag namimiss natin mga pamilya natin"





Lumapit kami sa kanyang lahat at niyakap sya. Kahit na isang buwan palang ako dito, nagpapasalamat na rin ako sa kanya. Dahil hindi niya kami tinuring bilang "transferee" hindi niya kami tinuring na iba.




"Ako na agad? Enbeyen. Hahaha. Ayun nga, sorry din sa mga nagawa ko ng kasalanan ha? Hindi ko alam kung meronㅡ ay meron nga pala! Carl! Haha. Sorry kung bigla kitang nilayuan ha? Wala namang may gusto na layuan kita at walang nagutos. Ginawa ko lang yung dapat eh. And, sorry sa nasaktan ko nung nakaraan, kay Solar, Unice, Mark, Renz, at lalo na si Travis. Kuya at ate ko na kayo kaya hindi ko dapat kayo sinasagot or sinisigawan. Yun ang payo ni mommy no! And oh, salamat din sa inyo... kasi nagkaron ako ng mga bagong kapatid. Imagine if i have 18 sisters and brothers? Oh my god. Hahaha! Ayun, salamat dahil naging maganda ang araw araw ko. Yun lang guys, goodluck sa panibagong buhay"





Hindi rin nya napigilan na mapaluha. Pero nakangiti.


Thank you din sa kanya dahil lagi syang positive vibes at energetic. Kapag pagod na kami at nagpapasaya sya para hindi kami tamarin.



"Ahm, ako? Ahh, sorry... kung matigas ulo ko? I think? Sa mga practice. Yeah. Thank you kasi hindi nyo kami tinuring na iba ni Gray. Tinuring nyo kami na para bang matagal nyo nang kakilala. Thank you dahil tinuruan nyo kami sa ganitong buhay at dadalhin namin hanggang sa susunod pa na taon."


Napangiti kami kay Jenny at humarap na kay Nathalie na susunod magsalita.


"I think ako muna dapat" sabi ni Fionna at nagsalita na agad.


"Sorry, kung madalas akong poker face sa inyo since... since... we're 7 years old? Yeah! 7 years tayong magkakakilala pero ngayon lang nabago expression ng mukha ko. Siguro dahil na rin yun sa inyo. Dahil naisip ko na, bakit pa ako maiinis sa ganitong buhay ko? Eh masaya naman na makihalubilo sa kanila? Kahit na late ako ng 1 year ng pagpasok kasi 6 years old nagsisimula dito, eh tinanggap nyo pa din ako specially ni Unice, Star, Nathalie, Madison at yung ibang boys. Thank you sa inyo dahil binigyan nyo ko ng inspirasyon para matupag pangarap ko. Yun lang. Ikaw na Gray"





"Just like Jenny, i want to say thank you dahil sa pagturing nyong kapatid samin. I did'nt expect na para na tayong magkakapatid in one month. Thank you dahil binigyan nyo ko ng chance para iexpress yung talent ko at ipakita. Yun lang" sabi ko saka kami tumingin kay Madison.





"Uhm... sorry, kung may nagawan man ako ng mali, heheㅡ" sabi niya sabay tingin kay Gian.

"ㅡuhh, ano ahh, thank you sa inyo. Malungkot ako eh kaya hindi ako makapagthank you.. at yun ang ihihingi ko sa inyo ng sorry." Sabi niya at hindi na nagsalita kaya napatingin kami kay Renz.




"Sorry kay Unice, of course Miss Chin. Sorry dahil makulit ako at medyo matigas ulo since then. Natatawa akong alalahanin lahat eh. Kaya thank you. Kasi binigyan nyo ko ng masayang memories."



"Ang bilis mo naman pre. Di pa ako prepared. Basta, sorry sa mga hindi ko napapansin nung naging cold ako. Sabi nyo masungit ako, yes i am. Pero ngayon hindi na. Masaya na kasi tayo at wala ng away. Thank you sa inyo kasi just like Fionna, nabago ang pagiging cold ko"


Napapalakpak kami sa sinabi ni Mark. Aba, kahit papano mahaba yun ah.



"Sorry sa inyo kung naiirita kayo minsan sakin sa kakasabi ko na pogi ako which is totoo naman. And thank you dahil nasasakyan nyo yun. Yun lang!" Masayang sabi ni Travis kaya nagtawanan kami.



"Ako? Sorry ang thank you sa inyong lahat. Thank you kay Unice. Kasi binigyan nya ako ng inspirasyon. Oh wag umangal mga kaibigan nya jan. Alam nyong gusto ko si Unice pero alam ko ring hindi pwede kaya shut up nalang ako. Thank you sa mga kumpare ko, kasi masaya sila kasama" sabi ni Vince kaya nagtilian kami. Putek na yan, namula si Unice!




"Hindi na muna kami magsosorry kasi parepareho ang sasabihin naming tatlo pero thank you sa inyo, naniwala kayo samin na may talent kami at di kami iniwan basta basta. Basta isang team, dapat sama sama." Sabi ni Kean kaya napatango ako at napapalakpak kami. Tama.

Starfield University (Campus Queens 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon