53

803 35 0
                                    

Fionna

"Guys, gising na, 1pm na" napatayo ako sa kama koㅡ teka, nasa dorm kami ng Starfield!

"Hala dito kami nakatulog?!" Sabi ni Gray. Ay hindi.

"Malamang. Okay lang yan, hindi naman kayo mapapagalitan dahil may permit ang school na to na binigay sa mga president ng company nyo. No need to worry. Dali, kain na kayo" sabi ni miss Chin. Tumayo ako at nagayos muna ng mukha.

"Miss walang klase?" Tanong ni Madison pero umiling si Miss Chin.

"Pahinga muna kayo dahil umabot kayo ng 1am kagabi. Gian abot mo yung dalawang baso sa gilid ng lababo. Lagyan mo nalang muna ng mainit na tubig kasi may kape na yan"

Kumuha ako ng upuan ko saka umupo. Malamang. Napansin ko lang na nagiba yung kama. Naging double deck na sya pero ganun pa din kalaki. Katulad lang sa dorm namin sa tabi ng company. Namiss ko matulog dito.

"Miss Chin, sana manalo kami. Isa ka ba sa magja-judge?" Tanong ni Caellie.

"Hindi. Pero yung president ng company nyo, oo. Dun nya ibabase yung galing nyo eh"

"May company na sila?! Weh!?" Nagulat na sabi ni Gray saka tumango sila jenny. Woah, wala palang natira samin eh.

"Congrats!" Sabi ni Solar sa kanila.

"Magdedebut lang kami as a rookies." Sabi naman ni Travis. Buti nga sila may pagdebut na eh. Malalabas na sila sa TV or kahit saan pero kami, siguro mga 1-5 years training ulit. Masaya rin naman dun kasi mas marami kami.

"Miss gusto mo bang mapanuod yung sasayawin namin?" Tanong ni Star.

"Sure, mamaya. Hindi lang ako ang manunuod sa inyo eh" nagtinginan kaming lahat kay miss Chin. Then who else?

"Joke lang. Syempre ako lang" napahinga kami ng maluwag. Practice palang may manunuod na? Edi napuna na kaming lahat. Baka mamaya pangit din yung sayaw namin.

"Wag kayong mag-alala, hindi naman pangit yang gawa nyo. Kayo pa ba? Pagtapos nyong kumain, magligpit na kayo ng pinagtulugan nyo. At, dalhin nyo na rin pala yung mga gamit nyo, Unice. Ihahatid ko kayo"

Sinunod namin sya at naghugas si Caellie at Jillian ng pinagkainan. Kami naman, niligpit ang pinagtulugan saka naligo at bumaba ng dance practice room. Tinext na ni Unice si Miss dahil kumpleto na kami.


"Hmm, wait, videohan ko kayo"

Pumunta sa harap namin si miss saka pinauna sila Star na magperform. Napabilib kami dahil sa steps. Hiphop na hiphop. Akalain mo nga naman si Star, may talent pala sa paggawa nang steps. Napabilib din nya ako.


Pagtapos nila, kami naman ang tumayo at pumwesto. Hindi na umupo sila Unice dahil kasama din naman sila sa sayaw na to.

"Okay, start na" sabi ni miss Chin kaya tumugtog yung nirecord ni Carl na kanta at sumayaw na kami. Nakakatuwa lang. Kasi nakuha ni Carl yung tamang concept sa title namin. Sa group name namin.

Habang sumasayaw kami, nakangiti lang kaming nakatingin kay miss. Di ko alam kung ako lang ba nakakapansin nun, pero napapaluha sya. Nakangiti sya pero nanginginig yung labi niya kaya alam ko na gusto nyang umiyak.

Pagtapos naming sumayaw ay huminto kami ng 5 seconds saka nagtinginan. Tumalikod si miss kaya lahat kami ay niyakap sya. Hindi nga lang ako ang nakapansin. Lahat pala kami.


"Waaaahh!!!! Miss!!!!" Sabi lang namin. Pumupunas sya ng mata nya at tumugon din sa yakap naming lahat.

"Miss wag kang umiyak! babalik naman kaming lahat dito para pumasok at makagraduate! At isa pa, gagawin namin ang lahat para manalo! Para sama sama tayong makapunta ng korea!" Sabi ni Unice kaya nagsangayunan kami.



"Talagang gagawin nyo ang lahat! At alam kong mananalo kayo. Tiwala lang okay?"

"Bakit ka umiyak miss?!" Sabi ni Renz na parang nangaasar.


"Natutuwa lang ako. Na lahat kayo matutupad na ang pangarap nyo. Sana matagal pa tayong magsama sama."

"Syempre naman miss! Oo nga pala, sabi nyong napaalam na kami sa company so.. pwede kaming magstay dito? Or kailangan naming bumalik dun? Kasi kung pwede, baka pwede din kaming sumama sa inyo sa PMC"

Oo nga no? Tama si Gian. Baka pwede din naming makita yung company nila Unice.

"No. Kailangan nyo nang umuwi ngayon. Syempre maki- update naman kayo. By the way, ang balik nyo eh sa december 8 na para mapanuod sila. Tapos, magdadala na kayo ng damit nyo, mga limang damit tutal wala namang matatalo."




"Sige po miss!"


"Sige na, sabay sabay na tayong lumabas para umuwi sa mga dorm nyo"





Starfield University (Campus Queens 3)Where stories live. Discover now