19

1K 41 0
                                    

Travis

Nandito ako ngayon sa likod ng bahay namin at nagbabasketball. Wala si mommy at daddy dahil may trabaho. Yung kapatid ko naman, kalaro yung kapatid ni Unice kaya ako lang magisa sa bahay.

"Ay puta hindi ka nagyayaya!" Sigaw ni Renz saka inagaw sakin yung bola.

"Talo ka naman lagi eh!" Sabi ko kaya binato nya ulit sakin yung bola saka ko shinoot.

"Magisa ka dito. Kawawa ka naman. Tara nagyayaya sila sa bahay nila Mark" nilapag ko yung bola at tumango saka umalis ng bahay. Syempre nilock ko muna yung pinto.

"Sino sino nandun?"

"Tayong anim sana. Ay puta, tawagin mo pala si Star. Nakalimutan ko. Una na ako ha" sabi niya kaya napakamot ako. Lang hiya talaga.



Bumalik ako sa pinanggalingan ko at pumunta sa bahay nila Star. Pagpasok na pagpasok ko, nakita ko syang umiiyak kaya dali dali akong pinuntahan sya.


"Amo nangyari? Bakit ka umiiyak? Sino umaway sayo?"

Sabi ko at inalog alog pa sya pero lalo syang umiyak nung nakita ako.

"Huy Star ano ba! Tinatakot mo ko eh" sabi ko sa kanya at kinuha sya ng tubig. Magisa din pala sya dito.

"Thanks" sabi niya pagtanggap ng tubig.

"Bakit ka ba umiiyak? Natatakot ako akala ko may nangyaring masama sayo."

"Kakatapos lang nung pinanuod kong kdrama Travis. Naiyak ako kasi namatay sya. Travisㅡano ba wag mo kong pagtawanan!"

Sabi niya at nagdabog pa dahil sa tawa ako ng tawa. Yun lang iniiyakan nya na?!

"Alam mo bakit lalong lumakas yung iyak ko nung dumating ka? Kasi kahawig mo yung nandun!"

"Tara na nga. Para makamove on ka na jan, tara pupunta tayo kila Mark" sabi ko at pinatayo sya. Tumango sya at pinunasan ng maigi yung mata nya saka kami lumabas.



"Teka nga Star, natulog ka ba? Kakauwi lang natin kagabi tapos natapos mo ngayon?"

"Hindi. Hindi ako natulog"

"Tapos iiyak ka?! Wag ka na kayang sumama? Matulog ka nalang!"

"Hindi pwede. Kailangan kumpleto" sabi niya.

Pagdating namin dun, nagkakainan sila kasama si tita Yhellie na naghahanda ng pagkain.

"Anong gagawin natin?" Tanong ko agad agad para kung wala, umuwi na to si Star at makatulog sa bahay nila.

"Manunuod. May bagong palabas ngayon sa sine!" Masayang sabi ni Unice.

"Yun lang naman pala Star eh. Wag ka nang sumama"


"Bakit di mo pinapasama si Star? Grabe ka naman. Minsan lang tayo makumpleto" sabi ni Solar

"Eh kasiㅡ"

"Ewan ko jan. Basta sasama ako" sabi niya at nakikain nalang. Napailing nalang ako bigla.



Pagtapos magkainan, nagpahinga muna saglit saka lumabas para magjeep. Naloloko ako sa mga desisyon ng mga to.



"Bakit ba kasi tayo nagjeep?" Tanong ni Star

"Try lang natin" sabi ni Solar kaya tumango sya. Init na init kaming lahat dahil sa sikip at sa init pa ng panahon.


"Nahihilo ako" bulong ni Star sa tabi ko at nagtago sa likod ko.


"Ayan. Ang kulit mo kasi" sabi ko. At pinabayaan nalang sya sa likod ko. Mamaya sukahan nya ko!



Maya maya ay nakadating na kami sa mall at bumili na ng ticket para makanuod. Jusko, horror pala tong papanuodin namin.


Pagbili ng ticket, naghintay pa kami ng isang oras para masimulan namin kaya umupo muna kami sa lapag habang naghihintay.



"Nakabili na ng popcorn?" Tanong ni Unice.

"Oo." Sabi naman ni Mark at nagtaas ng dalawang popcorn.

"Renz bili ka ng anim na waffle tapos ikaw Travis, bumili ka ng inumin" sabi niya kaya tumayo ako at bumili ng anim na pepsi. Sakto namang pagbalik ko ay papasok na kami sa loob dahil napaaga.





"Naiihi na ako!" Sabi ni Star saka pumasok para magcr.



Nagtabi tabi kaming lahat. Si Mark sa pinakadulo,at ako naman din yung nasa dulo na walang nakaupo sa tabi ko.



"Teka nasaan si Star?" Tanong ni Solar.

"Nasa cr pa" sabi naman ni Renz. Pagdating ni Star, tumabi na sya sakin dahil wala na syang pwesto.




Habang nanunuod kami ay kumakain kami. Yung mga babae eh sigaw ng sigaw. Takot na takot eh sila nagyayang manuod.



Teka nga, wala ba talagang takot to si Star at di man lang naguguㅡnevermind, tulog na sya.

Tinext ko si tita Nadine na nakatulog si Star sa sinehan kaya nagreply syang ipapasundo nalang nya.

Pinabayaan ko syang matulog hanggang sa matapos yung panuod at bumukas na yung mga ilaw.


Nagunat unat pa kaming lahat nang mapansin nilang tulog si Star sa gilid.


"Hala, gisingin nyo na. Natulog lang yan simula kanina?" Tanong ni Renz at tumango ako.


"Wag nyong gisingin. Sabi sa inyo wag nang pasamahin si Star eh. Wala pang tulog yan simula kagabi. Debale, iuuwi ko na sya"




"Ha? Eh wala tayong sasakyan. Pano mo sya mahahatid?"


"Tinext ko na si tita Nadine. Nanjan yung kotse nila sa parking lot. Tulungan nyo nalang akong pasanin si Star"


"Si Mark na kaya? Kaya mo ba yan?"


"Ako na. Text nyo nalang ako kung nasaan na kayo" sabi ko kaya tumango sila at nilagay sa likod ko si Star.

Starfield University (Campus Queens 3)Where stories live. Discover now