37

789 33 0
                                    

Vince

"Hindi ka pwedeng sumuko Unice. Hindi pwede" sabi ni Solar.

"Bakit ba pigil na pigil ka? Wala naman akong magagawa eh." Sabi niya sa mahinang boses.

"Pwede mong palitan yung kanta mo, Unice. Kaming bahala! Pwedeng mababa basta yung kaya mo. Wag ka nang sasagot sa sinasabi ko. Ako na bahala dun. Kami pipili ng kanta para sayo. Yung kakayanin mo. Ipahinga mo nalang yung boses mo. Alam kong kakayanin mo eh. Please, kayanin mo. Just try it" sabi naman ni Star.


"I don't know"

"Ito oh, inumin mo yan" sabi ni Mark na kakadating lang at binigyan sya ng maligamgam na tubig na may luya.

"Thanks"

"Ipahinga mo na yan. Kami na maghahanap ng kanta para sayo." Sabi ni Renz at tumayo na kaming lahat.

"San kayo pupunta?"

"Sa library" -Travis

"Sasama ako" sabi niya kaya tumango kami. Pagdating namin dun, wala masyadong tao kaya naghanap na kami ng mga kanta. Hinawakan ko sya at dinala sa songs book.


Binigay ko sa kanya yung headset at habang pumipili ako, sa kabila, pinapakinggan nya naman mga pinipili ko.

Nung nakita ko yung only hope, pinindot ko sya at sinuot yung isang headset.

Tinititigan ko sya habang pinapakinggan yung kanta. Parang hindi ko naman kayang malayo sa kanya. Parang hahanap hanapin ko sya pagnagkahiwa-hiwalay na kami.



"Kakayanin mo ba to?" Tumingin sya sakin pero hindi nya ako sinagot. Oo nga pala, pano nya ko maririnig eh nakaheadset sya?


Pagtapos ng kanta, tinanggal nya na yung headset at nilapag.

"Kakayanin ko" sabi niya at ngumiti kaya napangiti din ako. Buti naman at nagkaroon ulit sya ng lakas ng loob.


"Ano, may napili kayo?" Tanong ni Renz pagbalik nila at tumango naman sya.


"Buti naman. Ito may nakuha akong libro oh, ang sabi dito kapag nagkaroon ka ng sore throat, or napaos ka kailangan mong uminom ng salabat 2 times a day tapos wag kakain ng peanut, or peanut butter, chicken, and eggs"



"Teka, e yan yung mga ulam natin eh" sabi ko kaya napakamot si Renz.

"Wag ka nalang kumain Unice hahaha!" Sunod naman na bumalik ay si Star na may dalang libro kasama si Travis.

"Grabe yung history nito. Year ㅡ" sabi niya at nilapag sa lamesa yung libro at pinakita samin yung mga estudyante.

"Kilala ko to oh. Sya yung sikat na singer ha? Si Kiara Lim?" Sabi ko at tumango sya.

"Year ㅡ nang dumating yung big 3. Habang nagpeperform sila, biglang dumugo yung paa nung isa which is sinabi ng nurse. Tapos may nakita daw na bubog sa paa at sapatos nya. Eh sa kinaya nya pa, ang ginawa nung araw na kakanta na sila, binigyan sya ng inumin kaya nahilo sya at hindi sya nakapagperform"



"Grabe namang pagkainggit nun sa kanya. Siguro sobrang talented at ganda nya para ganunin" sabi ni Travis.

"Yep. And then hindi sya pinagbigyan na makapagperform kahit nageexplain na sya. Her name is Hershell. Hershell Ponze who comitted suicide, tumalonㅡsyaㅡsaㅡrooftopㅡngㅡ building ngㅡdorm"



"Oh shit" sabi ni Mark na kakarating lang at narinig yung kinikwento ni Star.

"Hala kaya pala bawal dun sa rooftop? Kaya pala hindi tayo pwedeng umakyat dun?" -Renz


"Kaya nga siguro dinesign-an na ng maganda yung likod ng building para dun nalang tumambay eh" sabi naman ni Solar.


"Ang brutal naman kasi ng pagkakagawa sa kanya eh. Hindi ba pwede pinakiusapan nalang nya?" Tanong ko ng may biglang umupo sa tabi namin at yung librarian pala kaya tumahimik kaming lahat. Napakaingay siguro namin.





"Im Hershell's friend"

Napatahimik kaming lahat sa sinabi niya. Pinagkekwentuhan pa namin sila.


"The day nung magpeperform kami, my bestfriend, helped me para talunin si Hershell. She was the most talented girl in our batch. Eh sa sobrang inggit na pala ng bestfriend ko, ginawa nya yun kay Hershell. Desperado na sya dahil pag di sya nakapasok, ikakalat yung sex video nya kasama yung dati nyang prof sa academic school. And alam nyo kung sino yung nambablack mail sa kanya? Her own mother. Gustong gusto nyang sumikat yung anak nya. Kaya she asked forgiveness to hershell nung sya lang ang natanggap samin. Pero di yun natanggap ni Hershell kaya sya tumalon"




"Hindi po kayo nakapasok? I mean, she helped you. And you're the bestfriend so bakit di kayo natanggap?"




"That day, siniraan nya ako sa mga kaibigan namin na ako yung gumawa nun kay Hershell. Nalaman din yun ng director kaya hindi ako nakasali at dito din pala ang trabahong babagsakan ko"





"Oh my god" sabi ni Star na napatakip sa bibig nya.



"Hindi ako nakulong. Wala naman kasing ebidensya at isa pa, suicide ang kinamatay nya at hindi pinatay"



"Sikat na po ba yung bestfriend nyo ngayon?"



"Yes, of course. Nakakarating na sya ng ibang bansa para mag perform. Siguro naman kahit sabihin ko to sa inyo, hindi nya na malalaman dahil sobrang layo ng agwat natin sa kanya."




"Kung ganon po, anong pangalan nya?" Tanong ko. Sabi niya naman hindi na malalaman eh.



"Kiara, Kiara Lim"

Starfield University (Campus Queens 3)Where stories live. Discover now