31

871 40 1
                                    

Jenny

"Teka.. ikaw teka humarap ka sakin!" Sabi ni Jillian kay Kean kaya humarap din si Kean at pinanlakihan ng mata nito.

"Ikaw nga! Ikaw nga!"

"E-Ehem?"

"Ikaw yung nakakasabay ko sa bus dati! Akala mo ha! Tinandaan ko talaga yung mukha mo eh. Diba taga pasay ka?"

"Baka hindi ako yun"

"Ikaw yun! Ikaw yung hindi nagpapaupo! Walang gentle-gentle man!"

Aba, uso pa ba yun? Tsaka bakit sya papaupuin? Hindi naman sya matanda, buntis at pwd at hindi din siguro sya pagod nung mga oras na yun.

"Hindi nga ako yun. Tsk. Mauna na nga ako sa dorm" sabi niya at umiba ng daan. Ganun din ginawa ng ibang lalaki na hindi interesadong lumibot.

"Taga saan ka ba?" Tanong ni Gray 

"Im from Pasay City. Yeeeez! Ano pangalan mo?"

"Gray."

"Wow! May pink ba dito? Black? Or blue?"

Hindi sumagot si Gray at tumalikod. Hahahahaha. Itsura nya.

"Lagi ka bang masaya?" Sabi ni Unice.

"Yes of course. Ikaw ano pangalan mo?"

"Unice"

"Unice hmm.. wala akong masabi pero Unique gaya ng kay Gray!. Ikaw ate ganda, ano pangalan mo?" Sabi niya sabay turo sakin. Lahat naman kami maganda.

"Jenny"

"Hi Jenny! Ang ganda nating lahat dito no? Hahaha! Ikaw... wait... ano pangalan mo?"

"Solar"

"Solar?! Omg! Ang unique din infairness ha. Solar... may moon ba? O sun? O star? Hahaha!"

"Meron" sagot nya.

"Weh? Aba iba! Ikaw yun no?" Sabi niya kay Fionna na kinagulat nya. Tulalers pa kasi si Fionna.

"Hindi. Fionna ang pangalan ko."

"Fionna omg"

Ang ligalig nya naman masyado. Teka nga, ilang taon na ba sya?

"Ilang taon kana?"

"15!"

"What?!"

"Yeah, im 15 years old. Mukha naman diba?" Sabi niya at tumango kami. Sa kalikutan nya at kaingayan, 15. Pero sa mukha, hindi naman. Slight lang.

"Marami pa kaming mga kaibigan sa special section. Lima kasi kaming mga babae dun. Wala pang lalaki. Yung iba, nasa 10 years old yung iba eh 11 yung iba 12 yung iba 13 yung iba naman 14 kaya hindi daw sila pwede dito pero yung ibang seventeen na, baka isali sa inyo i mean... SATIN... sa araw ng audition sa big3"

Talagang diniinan nya pa yung SATIN? Iba ha. Tsaka hinabaan nya pa pwede namang 14 pababa.

"Masaya ka bang nakapasok dito?"

"Actually hindi pero pwede na din. Maganda na kasi yung pagaaral ko ng academics so bakit ko pa papalitan? Kumanta lang ako sa videoke tapos may nagvideo sakin kaya nagviral daw ako kaya ganun"

"Lakas" sabi ni Gray.

"Yeah! Malakas talaga" sagot naman nya.

"Totoo ba yung tungkol sa bus kanina? Yung hindi ka pinaupo?"

"Hindi. Hindi naman kasi ako nagba-bus eh. Hehe"

Pagakyat namin sa dorm, nakita namin si Star at Travis na naglalakad sa hallway ng dorm.

"Oh, hi!"

Napilitan silang kumaway kay Jillian kahit di nila ito kilala.

"Nga pala, si Jillian. Jillian, si Star at Travis" pakilala ni Fionna.

"Ahhhh ikaw si Star!!!! Ganda ganda oh. Tapos? Boyfriend mo?"

"Ahㅡ eh tara na Jillian" sabi ni Unice at pumasok sa Dorm.


"Sabi ni director, hindi daw kami dito matutulog"

"Eh saan?" Tanong ko sabay pakita nya sa ID nya at maysusing may nakalagay na 76

"Ah edi sa kabila lang?" Sabi ni Fionna.

"Ay hindi. Malamang sa kabila lang kasi 75 to at 76 kami"

Napafacepalm nalang si Fionna dahil sa mga sinasagot nya. Napakakulit! Kung hindi lang sya bata ay baka nagkarambol na dito sa dorm.


"Yung totoo, magsi-16 kana?"

"Hindi ah. Kaka15 ko lang last day. Hehehe"


Hays. Napakabata nya pa nga talaga.

"Tara sa dorm mo na ikaw lang magisa." Sabi ni Unice at lumabas sila. Hindi na ako sumama dahil baka ako naman ang mabara nya.


"Napakakulit no?" Tanong ni Gray.

"Oo nga eh. Pero mabuti na siguro yung makulit kesa maldita. Sana nga yung bukas eh hindi maldita" sabi ko.

"Malay mo may maldita. 17 years old daw eh" sabi naman ni Fionna.


"Oo nga pala. Nako... lagot" sabi ko. Baka mamaya eh utos utusan kami nun. Hindi ko maimagine!

"Nako bakit lagot? Mas alam natin to no."

Starfield University (Campus Queens 3)Where stories live. Discover now