52

833 34 2
                                    

Vince

"Anak ng tokwa, aalis pala ako ngayon" napakamot ako sa ulo nang maalala yun.

"Saan ka pupunta pre?" Tanong ni Carl pagtapos maligo.

"Sasabihan ko sila Nathalie sa CSW company na pumasok. Kailangan nilang makasama no!" Sabi ko nalang. Pagtapos kong magsuot ng jacket ay nagdala ako ng bag ko saka lumabas ng school. Akala nung guard hindi na ako nakatira jan para magpalabas. Hahahahaha.

Paglabas ko ay naglakad pa ako papunta sa sakayan ng bus. Teka, magbubus ba ako o LRT? pag bus, nandito na ang sakayan. Pag LRT, lalakad pa ako saka sasakay pero 15 minutes lang. Sige na nga, LRT nalang.

Pagdating ko dun ay agad akong nagbayad at sumakay na din. Phew, sana nandun sya.

Pagtingin na pagtingin ko sa building nila, anak ng putcha. Pano ko sila makikita dito? Ang laki ng company nila! Sa picture hindi ko inakalang ganito yun.

Pumasok ako sa loob at nagpunta sa information center. Feeling ko nga nakita ko si Sabrina kaso may kausap na iba. Nakakahiya naman kung tawagin ko sya.

"Pareng Carl?" Papunta palang ako ng IC pero napalingon ako sa may pagtawag sakin. Buti naman at siya mismo ang nakakita sakin.

"Dave!"

"Ginagawa mo dito?! Buti napabisita ka!" Sabi niya sakin. Nagapir kami at sinabayan nya ko sa paglakad. Umupo muna ako syempre dahil mahaba ang nilakad ko kanina pa. Madaming magagandang babae, tsk. Puro pa sila napapatingin sakin. Iba na talaga pag pogi.

"Pinapasundo kayo ni miss Chin. Excuse daw kayo kasi may kailangan tayong gawin. Tara na!"

"Oo kanina lang samin sinabi ng staff."

"Bakit di kayo pumunta? Pinapapunta nyo pa ako dito" nakapokerface kong sabi.

"Hindi. Ang layo kasi. Tapos kailangan naming magpractice para sa debut namin. Ay oo nga pala, sama kita sa studio"

Sabi niya at naunang maglakad. Nandun daw sila Nathalie na nagpophotoshoot kaya dun kami pupunta. Siguro naman saglit lang yun. Pagdating namin dun, nakita ko na silang nagbibihis. At nagpapasalamat na sa photographer.

"Uy Vince! Ginagawa mo?" Sabi ni Nathalie.

"Sinusundo kayo."

"Weh?! Kuya Vince bakit? Namimiss na ba kami nila ate Unice?! Anong gagawin?!" Sunod sunod na sabi ni Jillian.

"Oo namimiss na kayo. Kaya tara na. May mahalaga tayong gagawin"

"Ayoko. Baka maging magisa lang din ako dun. Kayo nalang" sabi ni Nathalie samin nang nakangiti kaya sinimangutan ko sya. Ang big deal pa din nun sa kanya? Nakalimutan na namin yun.

"Wala na yun kay Unice, Nathalie. Tara na" sabi ni Dave.

"Di pa siguro to yung tamang oras eh. Hindi pa nya ko kayang patawarin sa ngayon. Baka magkaron lang ng pagaaway pag bumalik ako"

"Ano ka ba. Ginusto mong gawin yun eh tapos ayaw mong pilitin sya na patawarin ka? Tara na nga wag kang maarte." Sabi ni Sabrina kaya napangiti ako. Hinila kasi niya si Nathalie palabas kahit na ayaw ni Nathalie.

"Anong gagawin ba kuya Vince?!"

"Hmm... sasali kaming mga naiwan sa contest sa school. Wala pang latest na balita eh. Pero sa ngayon, makakalaban namin yung 18 at 17. Pag nanalo ng first place, korea yung tour. Pag second, japan. Pag third, hongkong at pag fourth, sa baguio lang. Kunwari naging first kami which is sa korea, kasama lahat na pupunta dun at gagawa ng music video. Take note, tayong lahat"

"Weh?! Tangina pre ang saya nun!"

"Ayos!"

"Ang galing naman!"

Yan lang mga reaksyon nila. NagLRT kami ulit pabalik at pagdating ay nagyakapan sila, as usual. Pagdating ko ay magkabilang side sila. Si Star, Unice, Madison, Jenny, Carl at Travis ang nasa kabilang side at pinaparactice yung sa contest samantalang sa kabila sila Fionna na sumasayaw para sa MV. Nakakatuwa na kabisado na nila Star yung kanta kaya habang kumakanta ay sumasayaw na sila.

"Vince game na!" Sabi ni Travis saka nila ako nilagay sa gilid para maayos yung formation.

Nakafocus kaming lahat hanggang sa mapractice namin ng paulit ulit kaya by 1am, natapos namin lahat. 1 am? Oo, 1 am. Sobra sobrang practice para walang magkamali. Nagstart sila ng 7am tapos 1 am natapos. Pero kaming mga galing sa CSW company, 12pm kami nakarating.

"Pahinga na guys, dali, ito na yung tubig." Sabi ni Travis at binigyan kami ng tagiisang tubig.

"Makakakain pa ba tayo? Parang sarado na yung cafeteria eh. Tska, pagod na" sabi ni Unice na nakasandal sa salamin.

Walang sumagot ni isa sa sinabi niya kaya humiga muna ako saglit saka tumayo.

"Tara, punta na tayo ng dorm" halos napahiya din ako dahil walang sumagot. Walang sumagot kasi lahat sila nakapikit na at natutulog.

"Mga pre, gumising nga kayo jan. Pano sila? Bawal matulog dito" sabi ko saka dumilat si Mark.

"Ihatid nalang natin. Pagod na pagod na eh"

"Kaya nyo pa ba? Para mabuhat natin sila" sabi ni Hiro na nakatayo na din.

"Kaya yan, tara na" si Mark ay binuhat si Solar saka umalis. Bago ko buhatin si Unice ay nagpatulong si Renz para ipasan si Nathalie at umalis na din.

Bubuhatin ko pa lang si Unice ay bigla na syang dumilat at ngumiti sakin.

"Kaya ko na" tumayo sya kaya sinabayan ko maglakad. Tsk, minsan nalang maging gentleman inayawan pa.

Sabay lang kaming naglalakad papunta sa building ng dorm nang bigla nalang syang natumba. Buti nasalo ko sya kaagad.

"Ayan kasi, pinipilit pa kahit di na kaya"

ㅡㅡㅡㅡㅡㅡ

Just imagine na bubuhatin ka nya. Tatanggi ka pa ba?😂

 Tatanggi ka pa ba?😂

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Starfield University (Campus Queens 3)Where stories live. Discover now