51

848 38 0
                                    

Caellie

6pm. Uwian na ng iba. Pero kakain palang ako dahil gutom na ako.

Nalaman na ng iba kong classmates na magdedebut kaming pare pareho sa iisang company kaya nainggit sila. Bakit sila maiinggit? Ako naiinggit kasi yung mga kaibigan ko magkakasama at ako yung naiwan. Tapos di pa sila pumapasok.

Napatingin ako sa kabilang table kung saan nandun yung mga kasama ko sa special section. Wala akong mukhang maiharap sa kanila dahil sa kahihiyan. Kahihiyan na hindi ako natanggap.

"Ang yabang yabang eh no? Nagyabang pa satin na magdedebut na daw sya pero di naman pala matatanggap. Ang lakas ng loob nya na iwan tayo dahil daw mapupunta na sya sa regular students. Hahahaha"  napayuko nalang ako at nanginginig habang hawak yung pagkain ko.

"Ayan tuloy, walang kaibigan. Hayaan mo na nga. Hindi ko ata kaya na sabayan pa sya kumain. Baka mamaya may sabihin nanamang kasinungalingan eh" sabi niya. Any time pwede na akong umiyak. Hindi ko inexpect na ako ang maiiwan sa lahat. Ako pa pala yung mahuhuli.

"Hi Caellie!" Napatingin ako sa tumabi sakin kaya umiwas ako ng tingin. Hanggang sa lahat na sila umupo sa harap at tabi ko.

"Wag kang malungkot, nandito kami, bagong kaibigan mo." Bulong ni Madison at sumubo ng pagkain niya.

"Yep." Sabi naman ni Unice sa tabi ko.

"So, kelan tayo magiimpake? Magdedebut na tayo as rookies Caellie!" Paglalakas ni Star kaya napatingin ako sa paligid na nakatingin samin yung ibang estudyante.

"Bukas na, baka mamiss ko yung dorm eh" sabi naman ni Travis. Napansin kong umalis na yung mga kasama ko sa special section dati.

"Alam mo, kung ayaw na nila sayo, edi wag nila. Nandito naman kami. Kami na ang bago mong kagrupo ngayon" sabi ni Vince.

"Thank you guys."

Sabay sabay kaming kumain at nagkwentuhan. Siguro nga kailangan ko nang tanggapin na sila na yung kaibigan ko. Dapat sila na yung pakisamahan ko.

"Carl kamusta na yung kanta? May naisip kana?"

"Hmm.. pero di ko pa sinusulat. Eto oh, yung scratch ko kanina" sabi niya sabay pakita samin kaya tiningnan namin.

"I dream high, I'm dreaming so high
When it gets tough I 'm closing my eyes thinking all the mem'ries now I can see this ain't no fantasy, its reality?" Pagbasang tanong ni Unice.

"Okay na ba? Kasi baka mamaya ang pangit pa. Lyrics palang ang sinusulat ko at wala pang tono kaya wag nyong ipakanta sakin" sabi niya.

"Eh ikaw Star, yung sayaw sa contest?"

"Nanunuod palang ako. Wala pa kasi tayong song eh"

"Ayon sa search ko, baby one more time is 1990's song but im not sure. Nung tiningnan ko kaso yung sa youtube, 2009 sya naupload" sabi ni Jenny.

"Posibleng naupload or nagkaron sya ng music video nung 2009 but the song is 1990. What do you think?" Sabi naman ni Unice.

"1990 tapos 2009? Posible rin. Yun nalang" sabi naman ni Star. Ano ba yung kantang yun? Di ko alam eh.

"Di mo alam yung kantang yun no? Yung kay britney spears na 'hit me baby one more time!" Sabay sabi ni Vince kaya nagtawanan kami dahil sa ekspresyon nya.

"Yun nalang? Sige. Para mapagaralan ko yung sayaw. Tara, balik na tayo sa dorm" sabi ni Star at nagsitanguan kami pagtapos kumain.

"Magaan na ba pakiramdam mo Caellie?" Tanong ni Unice.

"Yep, thanks guys. Tutulungan ko na din si Star sa steps na iisipin mo."

"Yun! Salamat Caellie!" Sabi niya nalang.

Pagdating namin sa mga dorm namin,nagpasya akong magimpake na ng gamit. Pagtapos kong gawin yun ay lumipat ako sa dorm nila Unice. Hindi magandang nagiisa lang ako. Nakakadepressed kasi.



"Buti nadala ka na sa mga sinasabi namin na lumipat kana dito! Kailangan sama sama tayo kasi konti lang tayo eh" sabi ni Madison. Maganda yung kwarto nila. Pero ganun pa din yung kama. Madami pa din. Tapos puno ng pictures and posters. Masigla tignan kumbaga.



"Nadedepressed ako sa kwarto namin. Naiiyak ako at naooverthink eh. Kaya napagpasyahan kong dito nalang"


"Magkwento ka naman" sabi ni Star saka umupo sa mga kama nila. Ganun din yung iba pagtapos kong ilapag yung gamit ko sa isang kama.


"Oo nga. Magkwento ka like pano ka nakapasok dito sa SU. At oo nga pala, we want to say sorry dahil nasisi namin kayo nung may nakitang thumbtacks sa sapatos ni Gray. Hindi naman kayo ang gumawa nun"



"We know kung sino gumawa nun. Sabrina saw her at sinabi samin. Sorry din kung nagpakamean kami sa inyo nung firstday namin sa regular. Di ko nga din alam bakit ako nakisali sa kamalditahan ni Sabrina"


"Wala na yun"


"Hmm... natanggap ako? Ah, nitong taon lang nangyari yun eh. Kasali ako sa isang dance troupe sa school namin. Then, nagcocover ako ng sayaw minsan, sumasali ako sa singing contest."


"Famous kumbaga?" -Jenny

"Yep. Famous kung tawagin kaso sa school lang namin at sa social media pero pagpanglahatan, hindi ako kilala syempre. Then, may pumunta sa bahay namin while im practicing a dance. Nagbigay sila ng envelope na may nakalagay na iniinvite nila ako starfield university at yun, natransfer ako"




"Wow, ganun lang kadali" sabi ni Unice kaya napatingin kami kay Madison na natutulog na yakap yakap ang isang teddy bear at sa gilid nya ay tubigan.


"Pagpasensyahan mo na yang bunso namin. Sya talaga ang pinakaantukin eh." Sabi ni Unice kaya tumango lang ako.

"Teka, san sya nakakuha ng teddybear? Ngayon ko lang nakita yan ah" sabi ni Jenny.


"Binigay yan ni Gian kanina. Lumalandi hahahahah tara na, tulog na tayo" napahiga kami at nagtaklob na ako ng kumot saka pinatay ni Jenny yung ilaw.

Starfield University (Campus Queens 3)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن