7

2.1K 47 3
                                    

Unice

"1, 2, 3 yan ganyan.. yan!" Sabi ko sa kanila nang makuha na nila yung tamang steps.

"Tapos na ba Unice? Wala pa tayong pahinga"

"Last practice at tapos na talaga tayo" napatingin ako sa relos ko. 9pm na agad. Hassle.

"Pwede naman kasing bukas to or next day" bulong na sabi ni Fionna. Hindi ko nalang sinagot dahil baka magkaaway lang kami.


"Dali na guys. Pagnatapos natin to, madali nalang para satin na ipakita yung napractice natin kay miss" sabi ko kaya napairap nanaman sya.


"Gusto nyong maging idol pero kung practice lang hindi nyo kaya?! Hindi nyo ba alam na 12 hours nagpapractice yung mga napapanuod nyo? Kung ayaw nyo dito, mag quit kayo" sabi ni Gian kaya pinatigil ko sya.



"Wag na. Wag nang mag-away. Magpahinga ang gustong magpahinga" sabi ni Star pero walang umupo at nagpatuloy ng practice.


Pagka 10 at saktong tapos ng practice ng dalawang sayaw, nagpahinga kami at sama samang kumain sa center mall dito sa school. Yeah, may center mall sa loob. Hindi naman kami pwede lumabas eh.




Napatingin ako sa phone ko nang makitang tumatawag si Ms. Chin kaya niloudspeak ko para marinig din nila.

"Unice?"

"Yes po ms?"

"I just want to say na walang klase bukas dahil susunduin nyo yung mga transferee sa registar bukas. Pumili ka kung sino at kailangan may susundo ding lalaki sa mga lalaki"


"Miss ST16G and B din po?"

"Of course. Sa inyo sila pinasok dahil 16 palang sila."

"Sure miss"

Binaba na ni miss yung tawag at nagtitigan kami. Now what? Dadagdag nanaman kami.

"Mas dadami tayo. Masaya yun" sabi ni Nathalie kaya napalayo sa kanya si Fionna.

"Anong masaya dun? Mas gugulo kamo" sabi naman niya. Sya lang naman ang nagpapagulo sa lahat eh. Binibig deal nya kasi. /rolls eyes/

"Inaantok na ako. Tara punta na tayo sa dorm" sabi ni Mark kaya tumango kami at nagpunta na sa dorm. Pagpasok na pagpasok, nakita na namin na may dumagdag na tatlong kama. Oh so tatlong babae?



"Walo na tayo dito" -Madison

"Hindi. Pito kasi aalis kana" -Fionna

"Pero magiging anim dahil hihilain kita pababa" sabi naman niya kaya napatsk nalang si Fionna. Oh, burn.



Buti nalang at hindi na kami pinapagalitan pagumuuwi kami dito ng 10 or 11. Legal age na kasi to pag ganito. Tutal alam na rin siguro ng facilities na sinasali na kami sa mga events and programs, pinapabayaan na kaming magpractice.





Bumaba muna ako dahil sa hindi ako makatulog. Nagpunta ako sa likod ng building na nakalagay ang kamay sa bulsa ng jacket dahil sa sobrang lamig.



Ang ganda talaga dito. May mga ilaw na iba't ibang kulay. Hindi ko alam kung bakit pa ginawa to kung bawal din namang lumabas pag gabi.



"Yes. Okay then. Bye. See you" napakunot ako ng noo nang marinig ko ang boses ni Mark. Minsan lang syang magsalita pero kilala ko boses nun.




"Mark?"


"Unice" sabi niya at sumandal nang nilagay ang headset sa leeg nya.



"Sinong kausap mo?"


"Someone"


"Seriously? Someone?"

"Yes. It's a surprise."



"Tell me, may girlfriend ka ba dito? Or sa labas ng campus? 16 years na tayong magkakasama but still you're hiding a secret."



"I have no conscience, Unice. Bukas malalaman mo din" sabi niya at pumikit kaya ganun nalang din ginawa ko. Pumikit at sumandal sa tabi niya. No malice, he's my cousin.






"Lagi kang natambay dito?" Tanong ko sa kanya.


"Minsan lang, pag di ako makatulog"


"Eh pano ka nakakatulog?"


"Papahangin lang." Kung sabagay naman, aircon kasi. Masyadong kulob. Oo malamig pero mas masarap yung malamig na hangin. Yung feeling na mapapajacket ka talaga? Yung feeling na akala mo nasa ibang bansa ka.





"Oo nga pala, pagkakataon ko to para matawagan si Solar" sabi ko at nilabay yung phone saka dinial yung number nya.



"Sorry, you don't haveㅡ"

Hindi pa tapos magsalita yung nasa kabilang linya ay pinatay ko na agad. Sasabihin nya wala na akong load? Masakit kaya yun.



"Mark patawag" sabi ko sa kanya kaya napadilat sya at inabot yung cellphon sakin.




Isesearch ko palang yung pangalan ni Solar ay lumabas agad yung mga tawag nya. Nagulantang ako sa nakita ko. Siya pala yung kausap ni Mark kanina.




"Mark magkano load mo? Buti hindi nauubos? Sa ibang bansa pa to eh" sabi ko sa kanya kaya nanlaki yung mata nya.



"Balance yung load ko. pero kanina, sya ang tumawag sakin"




"Ha? Bakit naman?"


"Hindi daw sinasagot ni Renz yung tawag nya sa skype. Sabi ko tulog na kasi. Kayo din hindi nyo sinasagot kaya sabi ko baka tulog na. Kaya ayun, ako ang tinawagan"




"Hala baka nagtatampo na yun. Patawag ako ah" sabi ko at tumango lang sya.




"Hello?"



"Solar!"



"Unice? Oh!"


"Ano? Kelan ka na uuwi dito? Malapit na yung audition!" Sabi ko.


"Oo nga eh. Asahan mo nalang ako! For sure naman makakahabol ako sa audition na yan" sabi niya at natawa.



"Nasan ka ngayon?"


"Kararating ko lang sa school. Kayo? Patulog na?"



"Not really. Hindi ako makatulog talaga eh. Nakitawag lang ako dito kay Mㅡ ay nakatulog na."



"Hahahaha hayaan mo sya. Baka napagod sa practice nyo. Natatakot tuloy ako sayo. Baka isang buong araw mo kong pagpractisin"



"Aba naman no. Ang tagal mo kasing magpunta"



"Soon okay? Soon"

Starfield University (Campus Queens 3)Where stories live. Discover now