61

825 37 2
                                    

Gian

"Ayan, ikaw kasi eh" pang-aasar pa ni Star sakin.

"Ako na susunod," sabi ni Unice at tumayo at lumabas.



"Alam mo Gian, meron talagang dapat pagpilian. Hindi ka laging free dahil ito ang tinahak mo. Yun lang ang tatandaan mo okay? Hindi naman namin kayo pinipigilan eh. Basta alamin mo lang yung limitasyon ng ginagawa mo. If you want, make it private. Wag kayong PDA at wag nyong ipagsasabi. Kasi once na malaman yan ng CEO mo, darating at darating ang choices. If you want, bumitiw ka sa company mo."



Kinabahan tuloy ako sa sinabi ni miss Chin. Bumitaw? Kaya ko ba yun? Matagal ko nang pinangarap to at oo, gusto ko din talaga si Maddie. Ano nang gagawin ko? Mali kasi eh. Alam kong mali na mahulog ako kahit alam kong mali pero masaya.



"Diba? Di ka makapagisip? Bata pa naman kayo eh. Hindi pa huli ang lahat. Okay ganito, sa 3 days natin na natitira dito, umamin na kayo sa mga gusto nyo at the same time, magpaalam. If makakapaghintay kayo sa legal age, then go. I will support you"



Napatayo kami at yumakap kay miss Chin. Ang galing nya talaga mag payo. Lahat nalang binibigyan nya ng chances.



"Miss Chin sana someday, gumawa ka ng sarili mong company. Sa tingin ko mas maganda yun tapos lilipat kaming lahat sa yo" sabi ni Star kaya natawa si miss Chin.



"Someday? Hmm.. di ko ata magagawa yun. Sige na, mamasyal na kayo kung gusto nyo remember? 3 days nalang ang natitira sa inyo. Magusap usap muna kayo jan" sabi ni miss Chin at umalis. Nagtitigan tuloy kami dito.



"Nakakainis. Lahat ba kayo dito may gusto? Sabihin nyo na bago pa mahuli ang lahat. Imposible namang wala kayong gusto dito eh." Sabi ni Fionna kaya nagtaas si Mark.



"Ikaw? Nagkakagusto ka pala? Hahaha ibang topic!" sabi naman ni Kean.




Sakto namang bumalik na sila Maddie at umupo na ulit sa tabi ko saka ako nginitian at sumandal sakin ng nakayakap. Halatang nalungkot sya.



"Sa tingin ko, tama sila Unice. Hindi naman maiiwasan na magkagusto tayo. Pero may mga bagay talaga na hindi pwede kaya kahit gusto ko si Gian, kailangan ko syang palayain para sa career nya. Ang love, nakakapaghintay diba? Basta lang ipangako nya na kami pa din ang magkakatuluyan"



Napangiti ako at maging ang mga kasama namin. Ibang klase talaga tong babae na to.


"Oo naman. Salamat Maddie. Tama naman sya. Ang Career, minsan lang yan dumating sa buhay. Pero ang lovelife, nanjan lang lagi at nakakapaghintay. Kaya kung may gusto talaga kayo sa isang tao, sabihin niyo na pero kailangan nyong magpaalam din. Ang mahalaga masabi nyo yung nararamdaman nyo. Mga pare ko jan na nahihiya, go na" sabi ko at natawa.


"Tangina Travis umayos ka nga. Nababanas ako sayo. Gusto mo pa bang hilain ko si Star sa tabi mo tapos hahatakin mo pabalik? Wag kang patingin tingin jan at umamin kana! Pag di ako makatiis itatakas ko yan"


Nagulat kaming lahat sa sinabi ni Carl at napatingin kay Star na gulat na gulat.



"Hahahahaha! Bakit Travis?! Hahahahahahaha bakit ganyan muㅡhahahahahaha! Tangina hahahahahaha" pagtawa ni Renz at Solar matapos magbulungan. Nakakamiss tuloy yung dati. Yung si Renz ay nakatapat pa sa Desktop ng laptop habang kumakaway sila kay Solar. Ngayon magkasama na talaga ang magbestfriend. Nakitawa na din si Unice pagtapos ibulong sa kanya ni Solar yun.




"B-Bakit T-travis? Wag ka ngang tumitig!" Sabi ni Star na namumula na kaya napatayo si Maddie at hinawak hawakan yung pisngi ni Star.


"Ang init!!! Hahahahaha"


"Seryoso Trav? Gusto mo si Star?" Tanong ni Mark ngayon si Mark na nakapokerface ang nagtanong kaya wala na syang isasagot pa. Isa pa, umaasa si Star. Masasaktan yan pag tinanggi nya.


"Oo, Star gusto kita.. gustong gusto kita"

Napuno ng tilian sa buong kwarto at naghampasan. Tangina nung sinabi ko to kay Mad ang korny pala! Hahahahaha!!!!!!


"Oh sino pa!? Sabihin nyo na! Ay alam ko!!!! Fionna and Hiro!" Sabi ni Nathalie. Ngayon nalang sya ulit nagsalita eh. Ngayon nalang ulit sya sumigaw ng malakas.

"Ha?! Magkababata lang kami!" Pagtanggi ni Fionna pero napangiti ako. Ilalaglag ko na si Hiro.



"Kaya pala nakita ko sa wallet ni Hiro yung picture nyong dalawa Fionna? Ang tagal pa ng titig nya dun tuwing gabi at laging ginidiplay yung picture frame sa table nya. Anong ibig sabihin nun Hiro?" Sabi ko.



"Ay oo nahuli ko yun! Alam ko yun! Akala ko sinong babae yun kaso si Fionna pala! Hahahahaha"  sabi naman ni Renz


Napatingin naman si Fionna kay Hiro na nagtataka. Dahan dahan tumango si Hiro kaya nagtilian ulit at binatukan sya ni Dave sa tabi.

"Hiro!!!!!!"-Fionna

"Bakit?! Totoo naman yun ah! Nakita palang kitang sumayaw sa dance showdown nagustuhan na kita! Kaya nga laking bwisit ko sa ex mo eh!"


"Eh bakit nagkagirlfriend ka?!"

"Kasi nandun ka!! Eh ayaw mo naman sakin!!!"



"WAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHH 2 DOWN!!!!!" Sigaw ni Solar na hinahampas si Renz. Kilig na kilig sya oh.


"Ayan, Star and Travis, Hiro and Fionna. Ilista ko nga. Kasali na rin si Maddie at Gian" sabi ni Unice at mi-nemo nya.



"Ikaw at si Vince hindi mo isasali?" Nakapoker face na sabi ni Mark kaya sya naman ang namula. Hinintay namin na magsalita si Vince.



"Oo nga. Ang tagal ko nang umaasa sayo. Sana mapansin mo na ako" ang pangit ni Vince Hayup!hahahahahaha ang korny nya sobra.


"Pagbilang ko ng 3, pag nilista mo pangalan nyo ni Vince ibig sabihin gusto mo din sya. Pero kung hindi, edi hindi. Lets go! One!!!....." sabi ni Solar kaya kami nakibilang.



"...two!!!...."


Pumikit si Unice saka tumingin kay Vince at ngumiti.



"Oo na! Ililista ko na! Salamat ka gusto din kita" napatili ang lahat ng babae at nagingay nanaman. 3 down. HAHAHAHAAHAH ang ayos ng araw na to ah.



"Yun lang? Wala na? Ang daya nyo. Umamin na kayo no. Ikaw Renz? Ikaw Kean? Ikaw Mark? Carl? Daveㅡ what's the meaning of that?!" Sabi ni Fionna kaya kami napatingin din at nagulat.




"Kahapon pa ako umamin sa kanya" sabi niya at tinaas pa ang kamay nilang magkahawak ni Gray. Aba ayos! walang salitang bagal ha.



"Ay iba!! Hahahaha. Kailangan nyo ng mga oras. Eto lang? Pagnalaman naming umamin kayo in private, di namin kayo papansinin" sabi ni Unice. Yung mga nauna pala dito,  kami kami din nagkagustuhan. Hihintayin nalang namin si Renz at Nathalie.

     ㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡ

Guys! Hahahhaha i think hindi pa 3-5 chapters. I don't know mukhang mahahabaan ko pa😂😂😂

Starfield University (Campus Queens 3)Where stories live. Discover now