35

755 36 0
                                    

Hiro

"Gising gising! Nandito yung big3 sabi ni miss! Gising!" Napatayo kaming lahat at walang ano ano'y nagunahan sa cr. Pagtapos kong maligo, nagayos na ako at bumaba para magpunta sa office para magtanong. Malamang hindi pa alam nila Unice. Mamaya joke time lang to eh.

Pagdating ko sa office, nakita ko si director na nakaupo na dun kaya pumasok ako.

"Director, ngayon po ba mamimili samin yung big 3?" Tanong ko na hinihingal pa.

"Oo. Ngayon na. Ready ba kayo? Pinagprepared ba kayo?"

"Opo. Salamat po!" Sabi ko at lumabas na. Naglalakad na ako pabalik nang makasalubong ko si TY. Fackshet.

Nagbow ako sa kanya at naggoodmorning. Napakaaga nila.

Sunod naman na nakasalubong ko ay si C.L kaya nagbow din ako at nginitian nya ako. Pakshet ang ganda.

"Ano pangalan mo?" Tanong nya sakin. Kaya nabigla ako. Si CL, tinanong pangalan ko?!

"Hiro Bautista po, CL"

"Ohh, what section?"

"From ST16B po"

Bigla syang napangiti at napapalakpak at lumapit sakin.

"Gusto mo bang makapasok sa  company ko?"

"Po?"

"I mean, pasok ka na talaga without audition. Nakikita palang kita, bagay kana sa company ko. What do you think? Kesa naman, pumili ka ng iba tapos di ka naman matatanggap diba?" Sabi niya.

Biglaan. Sobrang biglaan. Makakapagisip pa ba ako? All i want is my career to be successful.

"Yes po"

"Good. Come with me" sumunod ako sa kanya pabalik sa office at pinasulat kay director yung pangalan ko.

"Congrats, Hiro. Hindi ka na kakabahan kung matatanggap ka. CL you know, isa sya sa magaling sumayaw sa ST16B. Sya ang nagiging leader pagdating sa sayaw kaya good talaga sya pag sayo"


"Thank you po" sabi ko nalang dahil di ko na alam ang isasagot ko.

"All of you, prepare na kayo sa theater. Pakisabihan yung mga kasama mo" sabi sakin kaya tumango ako at tumakbo pabalik ng dorm. Nakita ko na silang naghahanda.


"Bro! Alam mo na ba!"

"Oo alam ko na. Tara na sa theater" sabi ko. Sinundo din namin yung girls at sabay na nagpunta sa theater para magpractice.

"Kinakabahan ako. Star kinakabahan ako" sabi ni Solar.

"Wag kang kabahan, Solar. Kaya natin to" pagdating namin sa backstage ay nagpamake up na ang mga girls. Kami naman ay nagpapractice ng gagawin namin.


Hindi ko na sinabi pa sa kanila na natanggap na ako. Ayokong isipin nila na ang unfair. Kasi ako, sa tingin ko ang unfair ko. Ang unfair unfair ko para hindi sila hintayin.



"Anjan na daw sila! Oh my god" sabi ni Jillian.

"Okay lang yan Jill, we're always ready" sabi naman ni Caellie.

Pagtapos magayos ay nagsama sama kami at naghawak hawak ng kamay para magdasal. Pinangunahan naman yun ni Vince at pagtapos ng dasal, nagsama sama kami ng kamay.


"Fighting!"

"Tara magpunta na tayo sa gilid. Pinagpeprepare na tayo ni mam" mahinang sabi ni Unice. Nanlulumo sya ngayon at walang gana.

"Nagtext na ba si Miss Chin?" Tanong ni Fionna.

"Oo. Goodluck daw"

Pagdating namin sa gilid, humiwalay na yung girls dahil sa kabila sila. Nung nagsimulang tumugtog, umakyat na rin kami sa stage.

Sinayaw namin lahat ng makakaya namin. Sabay kung sabay, lipat kung lipat. Lahat ng mga estudyante ay pumapalakpak sa likod at napapangiti naman yung tatlo.


"I want you want you back, ugh!" Sabay sabay na sabi namin saka nagpose ng magkakatabi. Pagkatapos ay nagbow kami saka nagpakilala isa isa.


Pagtapos magpakilala ay nagkaroon ng 10 minutes break. Solo dance naman ang next kaya nagpalit kami ng suot.


Unang umakyat sa stage ay si Fionna para sumayaw. Walang bakas ng pagkakaba sa kanya. Parang stage nya na to.


Hindi ko na sya pinanuod at nagstay nalang sa dressing room.


Lahat sila kinakabahan. Bakit kaya walang pumili samin na magpaiwan? Walang pinili na magkasama sama nalang kami.


Oo nga pala, wala kaming mararating pag nandito lang kami. Hindi tulad ng nasa big3, sikat agad pag nagdebut na.



"Hiro, kinakabahan ako" sabi ni Nathalie.

"Okay lang yan. Kaya mo yan. Kaya natin to" sabi ko at tinap nalang yung likod nya.



Pagtapos ni Fionna ay nakapila na yung mga girls para magkasunod sunod na. Sunod kami na.



Starfield University (Campus Queens 3)Kde žijí příběhy. Začni objevovat