THE RULES (KathNiel): PROLOGUE

5.3K 79 15
                                    

All Rights Reserved. No part of the story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, without the prior permission of the Author.

WARNING: Spoilers Alert! Readers who comments the part of the story, the whole story or the upcoming chapters of the story will be deleted. Lol. Parang awa niyo na, hayaan po nating ma-feel nila ang story.

The story you are about to read contains mature contents, please be responsible of your age.

Visit my profile for more stories :) HAPPY READING!
~•~

Going home late and drunk is King Tyron Alvarez' everyday routine. Lalabas ng umaga, uuwing umaga. Wasted. Drunk.

Anak ng isang doctor at negosyante si King. Lumaking mayaman at hindi nakatikim ng katiting na hirap.

He grew up spoiled at nagagawa lahat ng gustuhin niya.

Nag-aaral siya bilang RadTech( Radiologic Technology) sa isang prestigious university sa Maynila, ngunit hindi niya naman ito binibigyang halaga.

He has a girlfriend, Abbie. Isang sikat na modelo na hinahangaan din ng marami. But she wasn't a good influence to him.

His parents flew back to Philippines to teach him a good lesson.

Napupunta sa wala ang perang pinaghirapan nila dahil kay King.

"King, why are you doing this to your life?!" Galit na sigaw ni Yset, mommy niya.

Nanatili lang siyang tahimik habang nginunguya ang bubble gum niya.

"Tyron, I know, we have all the wealth! Pero hindi ito habang buhay. Hindi tayo laging nasa taas." Dagdag pa ni Marco.

"Anong magagawa ko? Eto na ako, eh!" Sagot niya.

"Hindi kami magdi-deposit ng monthly allowance mo. We will take your keys and titigil ka na sa pag-aaral." Walang hesitasyong wika ng Papa niya.

Nagulat siya at napatayo siya sa sinabi nito. "Dad?! You can't do that?!"

"Of course, I can. King you are already, 20. Dapat sana graduate kana. Pero ilang taon mo pa balak magloko at sayangin lahat ng opurtunidad, ha? Hindi lahat ng katulad mo nabibigyan ng pagkakataon na mabigyan ng magandang buhay." Inabot ng Mommy Yset niya ang folder sa Daddy Marco niya.

"May nakarating na balita sa akin na may utang kang 600,000 sa isang Casino. I will take responsibility of it." Wika ng daddy niya.

Agad na nag-angat siya ng mukha.

"For one condition." Dugtong nito.

"You have to read this agreement. It's up to you kung tatanggapin mo. Kung hindi mo gagawin ang agreement hahayaan kitang makulong. Kahit anak pa kita. Gusto mo bang matuto sa loob ng kulungan o gagawin mo ang lahat ng nakasulat diyan?" Anito at inabot ang agreement paper.

Sabay na umalis sila sa harap ng anak at hinayaan siyang basahin ang agreement paper.

"What the hell?!" Hindi makapaniwalang wika niya habang patuloy na nagbabasa.

THE RULES (Under Major Editing)Where stories live. Discover now