THE RULES: FADE AWAY

125 2 0
                                    

Pumunta ng Silay ang kani-kanilamg pamilya nina Claire at King. Si Prince, pinsan ni King at ang asawa nitong Ciara kasama sina Liam at Cassy ay sabay na pumunta sa prisinto para umusisa at humingi ng update sa pagkawala ni Claire.

"Wala parin talaga kaming lead hanggang ngayon Maam Ciara. Walang witness sa oras ng aksidente. The worst is, the CCTV wasn't working during that time, sa airport. And talagang hindi magkasama sa iisang flight ang mag-asawa. Ito ang copy and list of passengers during that flight." paliwanag ng pulis na may hawak ng kaso ng mag-asawa.

Sabay na bumagsak ang balikat nila. "Pakiusap, gawin niyo ang lahat para mahanap si Claire."maniyak-ngiyak na wika ni Ciara habang kinakalma naman siya ni Prince sa pamamagitan ng pagmamasahe nito sa kamay nito.

Lumabas sila sa police station. Tumawag ang mga magulang nina Ciara para makiusisa ng update sa pagkawala ni Claire.

" There was no lead, Ma." malungkot na wika ni Ciara. Napaiyak nalang siya ng marinig ang paghagulgol ng Mama niya.  Pagbaba niya ng tawag ay agad naman siyang niyakap ni Prince.

"Are you okay, Cassy?" nag-aalalang tanong ni Liam sa nagpipigil na umiyak na si Cassy.

"Mabuti pa sigurong umalis ka muna, Liam. Baka nakakasagabal na ako sayo, eh. Hindi mo naman resposibilidad na samahan ako ngayon." sabi nito habang patagong nagpupunas ng luha.

Liam cup her chin at inangat ito. Nagtagpo ang mga mata nila. Binigyan niya ng matamis na ngiti si Cassy saka ito niyakap. Doon bumuhos ang mga luha niya.



"Nasaan na kaya iyon?"hindi mapakaling tanong ni Ken habang sinusubukan niyang tawagan si Jepoy na ilang araw ng hindi nagpapakita. "Gosh, please Jepoy, answer me!"inis na sigaw niya sa harap ng telepono. Ibinaba niya ang telepono at nagpabalik-balik sa loob ng condo unit niya. Nag-uumapaw ang pangangamba niya sa nawawalang kaibigan.

"Nasaan na kaya ngayon si Claire? Okay lang kaya siya?"mangiyak-ngiyak na tanong niya sa sarili. "Sino naman ang lintik na kumuha sa kanya? At bakit lumalabas sa imbestigasyon na hindi siya magkasama, eh, ako pa nga mismo humatid sa kanina sa airpot."

-

Tahimik ang magkabilang pamilya habang hinihintay ang paggising ni King. King lost his memory at hanggang ngayon ay nag-aadjust parin siya sa mga tao sa paligid niya.

Lahat sila hindi alam kung saan magsisimula. Ano na ang susunod na mangyayari. Ano na ang mangyayari sa mag-asawa.


A YEAR AFTER



"Prince?!" hingal na hingal na sigaw ni Ciara habang namimilipit siya sa sakit. Manganganak na yata siya. "Prince!!!!"

"Mahal?!" Natatarantang sigaw ni Prince habang kumakaripas papunta sa kwarto nila.

"Tumawag ka ng ambulansya manganganak nako!!!" Malakas na sigaw niya at si Prince naman ay napapraning kung anong gagawin.

Mabilis na isinugod si Ciara sa pinakamalapit na hospital at habang hinihintay na lumabas ang unang anak nila ni Prince ay isa-isang nagsidatingan naman ang bawat miyembro ng pamilya nila. Mangiyak-ngiyak, kinakabahan, magkahalo ang saya at kaba ang nararamdaman ng parehong mga magulang nila. Dumating narin si Ken, si Liam at King.

"Kamusta na po siya?" Nag-aalalang tanong ni Liam.

Hindi pa nakakasagot ang mga magulang nila ay lumabas na ang doctor. "Congratulations it's a healthy baby girl!" Masayang sabi ng doctor at nagtatalon silang lahat sa saya.

Naging kritikal pa ang pagbubuntis ni Ciara noon kasi depressed siya dahil sa pagkakawala ni Claire na hanggang ngayon ay hindi parin nakikita.

Sa loob ng isang taon maraming nagbago sa kani-kanilang buhay nila. Cassy went to US to work at para maipagpatuloy ang paghahanap sa pamangkin niyang si Seve na anak ni Claire at King. She sacrificed her feelings for Liam na tuluyan naring nag move on sa ex-girlfriend nito.

So if you will asked what happened to King? He spent his time traveling. Finding the missing part of him, which is the memory he lost, and his wife, Claire. He lost his memory. Everything. But it was clear to him na he is married to a beautiful wife, a handsome baby boy who is also lost, and they had the most beautiful lovestory ever told.

(Song for this scene: Without You by AJ Rafael & Moira)

"Claire?" Bulong ni King sa kawalan. Habang nakatingin sa malayo, sa isang cliff kung saan matatanaw ang paglubog ng araw. Sa harap niya ang napakagandang view ng dagat.

Namuo ang mga tubig sa mga mata niya.

"I don't know much about you. Pero unang narinig ko palang sa pangalan mo, alam kung mahal kita." Humugot siya ng malalim na hininga at ngumit habang nagpupunas ng dumadaloy na mga luha. "Hindi ko alam pero  parang ikaw lang ang bubuo sa pagkatao ko. Hindi ko na gustong malaman kung paano ba ako pinanganak, paano ako lumaki, paano ako nag-aral.. Mas gusto kong malaman kung paano mo ko minahal. Paano mo ko minahal kasi.. kahit wala na akong maalala, pero alam mo iyong tipong kahit wala akong maalala, pero alam kung mahal kita?" Natawa siya habang umiiyak sa sarili.

"Tsaka, Seve. Anak.." mas lalong tumindi ang emosyon niya. "Hahanapin ka ni daddy. Mahahanap ko kayo ni Mommy pangako 'yan. Kapit lang kayo ha? Mabubuo ulit tayo." Humugot siya ng malalim na hininga. Ngumiti. Bago siya umalis sa kinatatayuan niya ay bumaon siya ng pag-asa at tiwala sa Diyos na mahahanap niya ang nawawalang piraso ng buhay niya.

" Mang-iingat kayong dalawa doon ha?" Bilin ng mommy nila at yumakap silang dalawa dito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



" Mang-iingat kayong dalawa doon ha?" Bilin ng mommy nila at yumakap silang dalawa dito.

"Heto kasing si kuya eh, nagmahal, nasaktan, nakalimot, naging traveler.." biro pa ni Liam. Natatawang binatukan siya ni King.

"Tara na nga." Anito at sabay na umalis ng paalam.

Habang nasa gitna ng biyahe ay kinausap ni Liam ang tahimik na si King. "Kya, kamusta ka naman?" Tanong nito.

"Okay lang." maikling sagot nito. "Nakapunta ka naba doon sa Cebu?" Tanong niya.

"Hindi pa, kaya nga excited na ko eh." Sabik na sagot niya. Papunta sila Bantayan, Cebu kung saan sikat ang resort na Camp Sawi.

"I need so much healing. And I think Bantayan, Cebu is the answer." Sabi nito.

It was a long day for them. Pagkarating sa Port they headed to the Super shuttle ferry to bring them to the island.

Pero hindi na sila doon nakaabot..

"Kuya King!!!"

There was an accident happened.

The last thing he remembered. Lahat sila, nalulunod.

~~~~~~~~

Nagising siya sa malakas na hampas ng alon. Masakit ang mga balat niya at marami siyang galos sa katawan. Nang unti-unti niyang imulat ang mga mata ay napasigaw siya sa sakit ng sikat ng araw na bumungad sa mga mata niya.

"Sir? Okay ka lang?"

THE RULES (Under Major Editing)Where stories live. Discover now