CHAPTER • 21

1.4K 36 9
                                    



CLAIRE's POV

"Kamusta ta po si Maureen?" Tanong ko kay Tessa over the phone.

"Heto, ganun parin. Nasa stage 3 na ang cancer niya Claire. Tuloy parin naman ang dumadating na tulong pero habang tumatagal mas lalong kumukonti. Actually, nakakahiya man sabihin, pero sayo nalang kami umaasa." Wika nito.

"Magdasal lang po tayo. May awa po ang Diyo." Wika ko and ended the call.

Kagabi narinig ko na nag-uusap si King at Safi through phone. Parang pinupunit ang puso ko sa sakit.

Mahal ko na siya. Umiiyak na pumikit ako at binagsak ang sarili sa kama.

Kapag nagkabalikan na sila, paano na ako? Paano ang feelings ko?

Kahit may rules siyang ibinigay sa akin kung pinaramdam niya sa akin na espesyal ako talagang maiin-love parin ako.

Napayakap ako sa unan ko.

"Claire...Claire, tumigil kana kaya? Maghanap ka nalang ng trabaho." Wika ko sa sarili. Gaga! Kung saan stage 3 na ang cancer ni Maureen? Ganti ng isip ko.

Reverse the Rules.

Bawal niya akong halikan.

Bawal niya akong iyakan.

Bawal niyang sabihin that he cares.

Bawal niya sabihing mahal niya ako.

Tama.

Paano ka niya suswelduhan. Tanga. Kontra ulit ng isip ko. Oo nga.

Ilang sandali ay isang katok ang bumulabog sa akin sa loob. Si Keanu.

"Claire! Naglalaro kami sa labas, lumabas ka diyan, sumali ka!" Anyaya nito.

Napangiti ako. "Laro?" Tanong ko.

Pumasok siya at hinila ako palabas ng kwarto.

Sa balkonahe nadatnan ko silang nakapabilog at may bote sa gitna.

"Yey! Nandito na si Claire!" Wika nila at pinaupo ako ni Keanu sa tabi niya. Laking gulat ko ng makita si King sa harap ko. Katabi niya si Thea.

"Kasali ka?" Natatawang tanong ko sa kanya.

Binato niya ako ng popcorn at nagtawanan silang lahat. "Gusto mo bang may malaman silang karumal dumal dito?" Banta niya.

Nanlaki ang mga mata ko. "Shut up nako." Biro ko at nagtawanan kaming lahat.

"Okay spin the bottle tayo ha?" Wika ni Keanu. "Hindi ito truth or dare. Truth lahat ito para fair." Masayang wika niya. Pagkatapos ay sinimulang ikutin ang bote.

Tumapat una kay Thea, sumunod si Keanu, sumunod si Tita Bety, sumunod si Aris, sumunod ako... Nagtilian sila ng sa akin na tumapat ang bote. Kinabahan ako dahil parang may hindi ako alam. Bakit sila nagtitilian?

"Okay, Claire. Di ba sabi ko truth lang?" Kantyaw ni Keanu. Nagtawanan silang lahat.

Nagtatakang tumango ako.

"Nothing but the truth. Okay?" Wika niya at muli akong tumango.

"Ang tanong mo.. Kayo na ba ni King???" Sabik na tanong niya sabay palakpak at biglang nagkagulo silang lahat. Nagtatalunan sila sa kilig habang kami ni King ay awkward na nagkatinginan.

"Oh my gosh, silence means yes!" Sigaw ng bakla naming boarder at muli silang nagkagulo.

"No!!!" Pasigaw na sigaw ko at sabay silang natahimik. "Walang kami." Sabi ko na may kirot sa dibdib. Oo bes, may kirot sa dibdib. Kahit pagkatapos ng lahat.

"Paano kung ligawan kita?" Biglang tanong niya na ikinagulat ng lahat. Nagkatagpo ang mga mata naming dalawa. Nagpapalit-palit ng tingin ang mga kasama namin sa amin.

Mas lalo mo lang pinahirapan ang damdamin ko. 💔

"Baliw! May girlfriend ka na!" Natatawang wika at binato ko siya ng plastic na bote. "Ayoko na nga. Inaantok na ako. Goodnight guys!!" Mabilis na bumalik ako sa kwarto at nagmukmok.

____________

"Claire!" Tawag ni King habang nagtatatakbo papunta sa akin.

Agad na inabot niya sakin ang isang susi.

"Susi?" Nagtatakang tanong ko.

"Yes. Susi. Susi ng sasakyan ko!" Masayang wika niya. "Ibinalik na ni Mommybat Daddy ang kotse ko dahil nakikita na nila ang progress sa pagbabago ko."

Mabilis na hinila niya ang dalawang kamay ko at niyakap ako.

Masayang-masaya ako sa kanya. Ang dami ng magagandang nangyayari sa buhay niya dahil pinili niyang magbago. At kahit ako, masayang-masaya para sa kanya..

"Dahil diyan, ipapasyal kita kahit saan mo gusto.." wika niya.

"Sigurado?" Tanong ko pa.

"Siempre ikaw pa.." wika niya at hinila ako palabas.

Pinagbuksan niya ako ng pinto at katulad ng pinangako niya. Iniliboy niya ako kahit saan. Masaya lang akong nakamasid sa labas. Hinahayaang palirin ng hangin ang buhok ko. Nilalanghap ang malamig na simoy ng hangin.

Nagpatugtog siya ng musika. He select a song sa playlist niya. Napakunot ang noo ko nang makita ang playlist niya.

Puro secondhand serenade.

"Wow. Pareho tayp ng taste sa musika." Natatawang wika ko.

"Really?" Hindi makapaniwalang tanong niya. 

"Really." Wika ko and them he played the song VURNERABLE BY SECONDHAND SERENADE.

We sang together sa loob ng sasakyan. Lahat ng nasa playlist niya kinanta naming dalawa. Sobrang nag-enjoy kaming dalawa hanggang sa nakaabot kami sa Balaring. Tumigil kami doon at magkasamang  hinintay ang paglubog ng araw.

Habang nakapokus ang atensyon ko sa sunset naramdaman ko ang pagdampi ng kamay niya sa kamay ko.

He took my hand and gently kiss it.

Bakit mo pinapahirapan ang puso ko, King?! 😭

"Claire, thank you. Sana hindi ka na mawala sa buhay ko." Wika niya habang ang kamay ko ay nasa dibdib niya.

"Loko. Siempre pagkatapos ng lahat ng ito. Babye King na ako." Wika ko.

"Kasi uuwi na ako sa Maynila?" Tanong niya.

"At pupunta na rin akong Greece, mas maganda ang sunset dun." Wika ko.

Nabatid ko ang lungkot sa mukha niya.

"Basta ayokong mawala ka sa buhay ko. Kapag nagkita at nagkabalikan na kami ni Safi, tatawag parin ako palagi sayo. Wag papatayan ha? Malilintikan ka sakin."

Hindi ko alam kung tatawa ba ako o iiyak. Ayaw mo naman pala akong mawala, bakit hindi nalang ako ang mahalin mo? 💔

•••••••••••••••••

THE RULES (Under Major Editing)Where stories live. Discover now