CHAPTER • 16

1.5K 34 20
                                    


Parang mapapraning na ako sa kakanuod ng tv sa loob ng hotel na ito. Hayyy! Siguro kumukuha na ng isa ang dalawang iyon?

Inis na inis ako na halos hindi ko maintindihan ang sarili ko.

Isang katok ang bumasag sa katahimikan ko. Mabilis na tumalon ako mula sa kama at mabilis na binuksan ang pinto.

Si Keanu.

"Hmm. Nagtataka ako kung bakit nandito kayong dalawa sa hotel? Lagot ka kay Tita Bety.." nanunuksong wika niya. Mabilis na tinakpan ko ang bunganga niya.

"Yuck! Mali ang iniisip mo!" Katwiran ko.

"We? Eh, anong ginagawa niyo dito? Gumagawa ng assignment?" Natatawang wika niya.

May dala siyang mga bag. Bag naming dalawa. "Bakit dinala mo dito ang mga bag namin?"

Pumasok siya at inilapag ito sa kama ko. "Tinawagan niya ako na dalhin ko ang uniform niyo dito at dalhan din kayo ng mga damit. Matatagalan daw kayo dito sa Bacolod eh. Pasalamat ka may promo ako sa grab ngayon. Nagtitipid pa naman ako."

Napanganga ako. Matatagalan?

"Matatagalan?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Ano ba kasi ang ginagawa niyo dito?" Tanong niya.

"Mahirap e-explain, Keanu. Salamat pala ha?" Wika ko.

"Sige. Aalis narin ako. Bye." Nang lumabas siya at binagsak ko ang sarili sa kama. "Kainisss!!!" Gigil na sigaw ko.

Tumunog ang cellphone ko kaya mabilis na hinablot ko ito sa bulsa ko. Isang text message mula kay Mr. Hottie. Si Jepoy.

"I hope it's okay if we talk. Here." Pagbasa ko sa text niya. Mabilis naman akong nagreply. "Sure." Sagot ko.

"I just wanted to ask if you're free today?"

"I'm sorry. Kailangan kong matulog eh. 6pm-6am kasi ang duty ko."

"We'll we can have coffee sa break time mo."

"Nakoo. 12 am ang break time ko."

"I can drive myself to you. :)"

Weird. Type ba ako nito o ano? Hindi naman sa nagmamaganda pero di ba? Walang lalaking pupuntahan ka ng 12am para sa samahan kang magkape.

"Pero 30 minutes lang ang break ko.."

"Okay na ako dun. :)"

Gumuhit ang ngiti sa labi ko. Seryoso?

Nahulog ko sa pagmumukha ko ang cellphone ng bigla-bigla lang pumasok si King sa kwarto ko. Anak ng patola naman oo!

"Can you even knock?!" Inis na sigaw ko.

Mabilis na binagsak niya ang sarili sa kama ko. Sinipa ko siya pababa ng kama.

"Excuse me?!!!" Galit na sigaw ko.

"Dito ako matutulog, okay?" Wika niya at bumalik sa kama.

THE RULES (Under Major Editing)Where stories live. Discover now