CHAPTER • 1

2.6K 55 6
                                    


CLAIRE's POV

Nagtitilian ang mga babaeng bed spacers ng umakyat na kami sa kwarto niya.

He wandered his eyes around the house. Obviously, hindi niya gusto ang bahay namin.

Isang ancestral house ang bahay namin. Pinamana ng Mama ni Tita na pinamana ng Mama ng Mama ni Tita. Basta.

Ako naman nasa abroad ang mga magulang ko. Nasa Santorini ang parehong magulang ko. Doon sila nagtratrabaho para matustusan ang pag-aaral ko.

Actually may sarili kaming bahay.

Kaso, nagpasya sina Mama at Papa na ibenta nalang dahil pipitesyunan naman nila ako.

Nandoon na lahat ng mga kapatid ko. Si Ate May, si Ciara at Cassy. Ako nalang ang natitira dito dahil nag-aaral pa ako at pinag-iipunan pa ang igagastos sa petisyun ko.

Pero, kung ako lang ang masusunod.

Hindi na ako aalis dito.

Mahal ko ang Pilipinas. Mahal na mahal ko ang Silay.

"So, heto ang magiging kwarto mo." Wika ko sabay bukas ng pinto.

Bumagsak na naman ang parehong balikat niya. Bumulagta sa kanya ang makalat na kwarto ng mga lalaki. Malaki ang kwartong ito. 80 sq.m ang kwartong ito. May tig-limang kama sa magkabilang bahagi ng kwarto, bale sampu sila sa iisang kwarto.

"May sarili kayo ditong banyo. Tapos kapag nagsabay-sabay kayo ng gamit tapos late kana, pwede mong gamitin ang banyo sa kwarto ko o sa baba 'wag lang sa ladies room. Ang kusina nasa baba. Pwede mong gamitin ang veranda, ang sala. Merong kaming study room at maliit na basketball court. Kasama na ang sa babayaran mo sa kwarto ang tubig at kuryente." Paliwanag ko.

"Magkano?" Tanong niya.

"5,000." Mabilis na sagot ko.

Nanlaki ang mata niya. "What?! 10,000 lang nga ang budget ko every month, eh." Reklamo niya.

"Ikaw pang galit? Nangungupahan ka lang FYI. 'Wa kang mag-alala, libre ang kape dito, tubig at noodles." Dagdag ko pa.

Hindi na siya kumibo at itinapon ang bag niya sa kama.

"Tawagin mo nalang ako kapag may kailangan ka." Wika ko at lumabas na ng boys room.

"Goodbye, boys!" Masayang bati ko at kumaway.

"Bye, Claire." Sabay-sabay na wika nila.

Ang sungit!

Napaka-sungit. Pinaglihi yata sa galit at sama ng loob.

Bakit kaya may mga ganito pang mga tao? Hay.

Kulang sa pagmamahal.

"Oh, Claire. Tumawag dito kanina ang mga magulang niyan ha? Kailangan daw ng magtitingin diyan sa anak nila." Wika ni Tita Bety.

" 'Wag na wag mong sasabihin na ako ang magbabantay don, ang laki-laki na non! Jusko." Reklamo ko.

Hinila ni tita ang braso ko papalapit sa kanya. "30,000. Kada buwan. Turuan mo daw tumayo sa sariling paa. Pwede mo daw saktan kung gusto mo. Basta bumalik na brand new 'yang anak nila."

Nagkurteng 30,000 ang mga mata ko.

"Nako, tita. Sa tingin ko naman matigas 'yan, eh." Pagdadalawang isip ko.

"Ano kaba, Claire?! Di ba sabi mo kailangan mo ng pera para makatulong sa foundation na tinutulungan mo at makatulong nadin sa pamilya mo at the same time? Malaking tulong 'to, Claire! Hindi naman malalaman niyan na bayad ka, eh." Paliwanag nito.

THE RULES (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon