CHAPTER • 41

1.2K 27 3
                                    



"How's your dad? Bibisitahin ko siya bukas, at lumabas na din tayo." Wika ni Ken habang kumakain ng dinner namin.

Napahugot ako ng malalim na hininga. "Uhm, Ken. Hindi yata ako pwede bukas.." nagkakamot sa noong wika ko.

"Why not?" Tanong niya.

Gumuhit ang ngiti sa labi ko. Hinampas ko siya sa balikat. "King is here!" Kinikilig na sigaw ko.

Napanganga siya sa gulat. "Wa-what?!"

"Yes, girl. Nandito si King! Pinuntahan niya ako dito, oh my gosh!!!" Magkahawak kamay kaming kinikilig.

Yes! Oo! Bakla si Ken. At ako lang ang nakakaalam na bakla siya.

"Girl, sh*t. I wonder what he looks like! Pero pag nagkagusto sakin 'yun, akin nalang 'yun ha?" Mahinang biro niya.

"Loka-loka! Akin 'yun nakakaloka ka!" Natatawang wika ko.

"So, ano, ano nang nangyari? Paano kayo nagkita girl? He really flew himself here to find you?!" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Exactly. Akala ko nga nakalimutan niya na ako, eh." Nakangiting napasandal ako sa upuan habang niyayakap ang sarili.

"Gondo..." nagtawanan kami at mabilis na umayos ng pumasok ang ibang doctors sa cafeteria. "Well, hindi ka naman makakalabas kapag wala ako kaya sasama ako.."

"Landi din nito eh.."

"May mga boylet ba siyang kasama, girl?"

Nakangiting tumango ako.

"Ay meseye 'yan.."

"Gaga! Pero ikakasal pa tayo di ba?"

Sinabunutan niya ako ng di kalakasan. "Mas gaga ka! Ayoko ko sayo no?! Kadiri ka. Kung alam ko lang na magiging bet pala ako ng tatay mo hindi ko nalang sna siya niligtas eh."

Hinampas ko siya sa balikat. "I hate you.."

"Char lang.. Pero, bakit ba kasi ayaw ng fafa mo sa boylet mo? Ha? Pakboy?"

Napangiti ako. "Former. Pero nagbago na siya girl, hindi ko nga alam kung bakit ayaw na ayaw ng papa ko sa kanya eh."

"Hay nako.. siguro naman if you fight for him naman matatanggap niya rin naman kayo girl.. nako, 26 kana."

"I swear, Ken. Hindi niya gusto ko si King. I don't really know why! Mas lumala pa ng ma-stroke siya. Kaya hindi na ako gumawa ng kahit na akong ikagagalit niya. I didn't talk to King anymore. I became inactive in all my social media accounts. I focused myself sa pag-aaral. Hanggang sa maging doctor ako.. Pero kahit ang layo na ng narating ko, hindi ko parin alam kung saan ako patungo.. Until I saw King again.. It feels better." Napaiyak ako sa harap ni Ken.

Sa loob ng mahigit limang taon na nawala ako sa buhay ni King. Ibinuhos ko lahat ng oras ko sa pag-aaral. Kahit summer nag-aaral ko hanggang sa mabilis akong nakapagtapos. Taking medicine takes 10 years to finish. But since nakapag-aral ako ng medtech noon mahigit anim na taon nalang ang kailangan ko. Pero three and a half year s natapos ko ang kurso, binuhos lahat ng oras ko sa pag-aaral.

The reason why he likes Ken for me kasi si Ken ang dahilan kung bakit siya nakakatayo at nakakalakad ulit. But 30% of his body is paralyzed. Kahit hindi siya makapaglakad ng maayos masaya na siya. All because Ken is a good doctor.

"Bakit kaya no? So, kailangan pala nating magtago kapag lumalakwatsa tayo kasama ni King no?" Sabi ni Ken.

"Oo." Malungkot na tugon ko.

"Akong bahal girl, hindi ka mahuhuli ng mga kapatid mo o kahit na sino sa pamilya mo. Okay?"

"Salamat, Ken. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kapag wala ka."

"Arte ha? Siempre, bff's tayo eh." Natawa siya. "So, anong balak niyo ngayon ni King?"

Napangiti ako. "Hindi pa kami nakakapag-usap eh. But, gusto ko sanang bumawi sa kanya.. Sa pag-iwan ko sa kanya."

"So, magkakabalikan kayo girl?!" Kinikilig na wika niya.

"Imposible naman yata 'yun.."

"Gaga, bakit?!"

"Ayokong, lumala ang kondisyon ni papa, Ken. Kapag nalaman niya na nagkabalikan kami, baka ikamatay niya pa. Besides paghihiwalayin parin naman nila kami.."

Bumagsak ang mga balikat niya. "Matanda na rin naman ang papa mo, teh." Biro niya kaya mabilis ko siyang hinampas.

"Mahal ko parin siya. Papa ko parin siya. Siya ang dahilan kung nasaan man ako ngayon. Hindi ko siya kayang saktan.."

"Kahit ikaw ang masasaktan ng bonggang-bongga?"

Napaiyak na lamang ako. "Ewan ko. Bahala na. Pero ngayon, habang nandito si King.. Gusto kong maging masaya siya.."


_________

Sa duty ako ng makatanggap ako ng isang text message. From unknown number.

"Hi, Queen.." wika nito.

Gumuhit ang mga ngiti sa labi ko dahil natid ko na kung sino ito.

"King?" Tugon ko.

"I'm outside.." nanlaki ang mga mata ko sa reply niya. Oh my gosh.

"Nako, King. May rounds ako in 15 minutes.." sagot ko.

"It's okay. I'll wait." Sabi niya.

"Umuwi kana muna. I'll see you tomorrow. :)" sabi ko.

"As you wish.. :* "

•••••••••••••••••

Notes/

Hindi naman pala kontrabida si Ken ah. Kakampi natin siya! Yuhooo. ❤️

THE RULES (Under Major Editing)Where stories live. Discover now