The Rules 2 : PRINCE & CIARA

1.1K 28 11
                                    



Two Years Later
~•~
CLAIRE's POV

"Welcome to the Philippines, Ciara!" Masayang bati namin ni King sa bunsong kapatid ko ng sinundo namin siya sa airport.

Masayang niyakap niya kami. Kinuha agad ni King ang mga bitbit niyang maleta at isa-isa itong ipinasok ni King sa sasakyan.

"I've already enrolled you sa bagong university na papasukan mo. It's a prestigious university, bunso. Magugustuhan mo don." Sabi ko habang iniipit ang buhok niya sa likod ng kanyang tenga.

"I just hope wala ng magbu-bully sa akin doon ate." Malungkot na wika niya.

"Kapag may nag-bully sayo, bayaw. Sumbong mo sa kuya mo, reresbakan natin." Biro pa ni King at mabilis ko siyang hinampas sa balikat.

"Anyway, bunso. Since sa school na 'yun ka lang tayo nakahanap ng kursong gusto mo, nagpa-reserved na ako ng dorm para sayo. Kesa naman sa Maynila ka pa mag-aral." Sabi ko.

Nanlaki ang mga mata niya. "What? Bakit, ate? Hindi ba ako pwedeng tumira sa inyo?"

Agad na niyakap ko siya. " Bunso, siempre naman, pwede. Ang laki-laki ng bahay eh. Eh, kasi napakalayo ng school mo sa bahay namin. It takes one hour to get to your school, malaking sagabal 'yan sa pag-aaral at pagpapahinga mo. Don't worry, as I've said, it's a prestigious school. May sarili mismong dorm ang university ninyo. If anything happens, tawagan mo lang kami ng kuya mo. Okay? For the mean time, uuwi muna tayo sa bahay dahil I'm sure excited ka nang makita ni Seve."

~•~•~•~•~•~

CIARA's POV

Bagong mundo.

Bagong tao.

Bagong eskwelahan.

Bagong pagsubok.

Hindi ko alam kung anong aabutin ko dito. I just hope, hindi kasing worst katulad ng dinanas ko sa Greece.

"Plaza ba 'to, Miss? Ginawa mong tambayan ang hallway, eh." Wika ng isang eatudyante sa likuran ko. Mabilis na pumagilid ako bitbit ang kahon ng mga gamit ko.

Nasa building na ako ng Girls Dormitory. Parang isang buong school building ang laki ng building na ito. Nakakaloka. Ganito ba kayaman ang school na ito?

"I think I just found her.." nagulat akong wika ng isang babae sa harap ko na umikot-ikot pa sa akin habang sinusuri ako.

"Are you Ciara?" Tanong nito. Nagtatakang tumango naman ako. "Are you a transferee?" Sunod na tanong niya at muling tumango.

"Confirmed . The next target is here."




••••••••••

NOTES

Hindi ko alam kung anong meron sa The Rules kung bakit inaaway niyo ako thru Private Message. Also, thru comments. Sabi niyo,

Leche, dugtungan mo! 😤

Sige na po, isa pa po!!

Part Two! Part two!

We want SEQUEL!

Hindi ko alam kung ilan kayo pero sooooobrang na-touch ako. 😭 Lol. Kaya heto na. Gagawa na ako ng sequel for the sake of 13k people who gone crazy with the Rules! Wag niyo naman po ako g awayin, heto na. Wish granted. Love yah all! ❤️

THE RULES (Under Major Editing)Where stories live. Discover now