CHAPTER • 53

987 28 7
                                    



KING's POV

"We swear, King. Hindi namin alam kung saan sila ngayon. Kami lang naman ang lumabas ni Ken eh, hindi sumama sa amin si Claire." Wika ni Tommy.

Napahawak ako sa noo ko. "Can you call Ken? Hindi kasi nila sinasagot ang tawag ko eh." Pakiusap ko sa kanila sabay-sabay naman silang naglabas ng cellphone at tumawag. Mas lalong uminit ang ulo ko.

"Wala eh." Wika ni Thea.

"Panong wala eh sabay-sabay kayong tumawag." Sabi ko.

Nagtakip ng bibig si Keanu para magpigil ng tawa.

Si Tommy na ang tumawag dahil malamang ay sasagot agad si Ken sa kanya.

"Oh hello, Ken!" Bati ni Tommy.

"Hi, baby. Miss me?" Baklang-baklang tanong ni Ken.

"Actually, gusto sana naming puntahan kayo?" Tanong nito.

"Ay.. Sorry, nasa duty kami ngayon eh. Pwede bukas nalang?"

"Osige. Kami nalang pupunta sa inyo, ano ba pangalan ng villa niyo?"

"Doc.. Doc!" Huling narinig ni Tommy hanggang sa hindi na nakasagot si Ken.

"Nako baka busy na.." sabi nito.

"Sige, pupunta nalang ako ng hospital.." sabi ko at mabilis na umalis patungo sa hospital.

_____________

Mula sa labas ng hospital I can see her from here. Kahit sa bintana lang ako nakatingin, makita ko lang siya, okay na ako. Busy siya sa ER. Hindi ko naman siya makakausap dahil abala ito.

I'm still wondering kung sino ang lalaking nagpadala sa kanya ng flowers. 

Kahit komplikado ang sitwasyon namin ngayon, mahal ko parin siya. Hindi ko siya pwedeng sukuan.

Gumuhit ang mga ngiti sa labi ko habang nakatitig lang sa bawat ginagawa niya.

"Can you hand this to Doctor Claire?" Narinig kung wika ng isang lalaking sombrerong itim at nakasuot ng jacket. Inabot niya ang mga bulaklak sa guard saka umalis.

Agad na sinundan ko ito...

Hanggang sa maabutan ko siya at pinaharap siya sa akin.

"Sino ka?" Tanong ko.

"What?!" Tila takot na tugon niya.

"Why did you give Doctor Claire those flowers?"  nananakot na tanong ko.

"I don't own them.." umiiling na wika niya. "I was just payed to hand it to the guard.. I do not know the guy who payed me either.." takot na sagot niya.

"Describe him." Utos ko.

"I'm sorry. I'm greek. I can't speak english right.." nahihirapang magsalita na wika niya.

Hindi na ko na siya kinausap pa at kumaripas siya sa pagtakbo.

Ilang sandali ay naktanggao ako mg text mula sa Mama ni Claire.

THE RULES (Under Major Editing)Where stories live. Discover now