CHAPTER • 48

1K 24 8
                                    



"Girl! Heto, may nahanap na akong fashion designer na gagawa ng gown mo!" Sabik na wika ni Ken sabay abot ng brochure aa akin. Tinapik ko ang brochure palayo sa akin.

Natahimik siya.

"Claire, anong nangyari sayo?" Nag-aalalang tanong ni Ken.

Napabuntong-hininga ako. "Hindi ko ma itutuloy ang kasal." Napakabigat sa loob na wika ko.

Napakunot ang noo niya at napatakip siya sa labi niya. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko. "Girl, anong problema? May hindi ba kayo pinagkasunduan ni King?"

Napaiyak na naman ako. Paulit-ulit dumadaan sa isip ko ang nangyari kay Ate. Awang-awa ako sa kanya.

"Hindi na ako sigurado kung papakasalan ko pa siya." Namamaos ng wika ko at umiyak.

"Tell me, anong nangyari?" Nag-aalalang tanong niya.

"He's ate May's ex. Niloko, pinaglaruan at iniwan niya sa ere ang ate ko. Napariwara ang buhay niya dahil kay King. Hindi ko matanggap, Ken. Hindi ko kayang tanggapin na ang taong pakakasalan ko ay ang taong sumira sa buhay ng ate ko." Napatakip ako sa mukha ko at umiyak.

Niyakap na lamang niya ako at pilit kinalma.

________

Pumunta kami ni Ken sa room ni Ate May kung saan nagkataong tulog siya.

Wala siyang bantay ngayon dahil pansamantalang umuwi si Mama para magpahinga.

Habang nakatitig ako sa kanya. Bakas sa mukha niya ang mga pinag-daanan niya. I can't imagine her being gang raped.

Naupo ako sa tabi niya at niyakap siya habang umiiyak.

Siguro naramdaman niya ako dahil naramdaman ko ang paggalaw niya.

"Umalis ka diyan." Wika niya.

"Hindi!" Sigaw ko.

"How dare you?!"

Hinigpitan ko pa ang pagkakayakap sa kanya. "Ate, I'm sorry! I'm sorry." Humahagulgol na wika ko. Umiyak ako ng umiyak sa tiyan niya. Hindi ako tumigil hangga't hindi niya ako napapatawad.

"Patawarin mo ko wala ako sa tabi mo sa mga oras na kailangan mo ako.. Pangako, ate. Hindi na tayo maghihiwalay ulit."

Dumaloy ang mga luha gilid ng mga nata niya.

"Hindi na mangyayari 'yun.." wika niya habang sa ibang direksyon tumitingin.

"B-bakit?" Nag-aalalang tanong ko.

"Kasi mamamatay na ako." Pumekeng tawa siya. "Grabe no? Walang ng magandang nangyayari sa buhay ko." Tumawa siya habang umiiyak. "Simula nang dumating sa buhay ko ang lintek na King na 'yan. Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit sa kabila ng lahat ng nangyari sa akin, mahal na mahal ko parin siya."

Biglang naninikip ang dibdib ko habang tuloy ang pagdaloy ng mga luha ko.

"Ang dami kung gustong sabihin non sa kanya.. Kaso umasta siya na parang nagka-amnesia na biglang hindi niya na ako kilala. Ang daming taon na ang lumipas, nagtataka ka siguro kung bakit mahal ko parin siya no?"

THE RULES (Under Major Editing)On viuen les histories. Descobreix ara