CHAPTER • 40

1.2K 30 3
                                    



Pagkarating sa hospital ay agad na kunwari ay nagising na siya at nagpanggap na okay na. Loko.

"Oh, my gosh! I'm okay now. Sorry! I'm okay!" Masiglang wika ni Thea at pasayaw-sayaw pa.


Nakatayo na kami ngayon sa harap ng hospital at humugot ako ng malalim
Na hininga bago bumaling kay Thea.

"Ito na ang hospital?" Tanong ko.

Nakangiting tumango siya.

Pumasok kami sa ER. Napakalinis at medyo busy ang ER ng pumasok kami.

"Hello, do you have patient here? I'm sorry but you can't stay here for long.." wika ng isang nurse.

Aalis na sana siya ng pigilan ko. "Uhm. Do you know where can we find Miss Clai-"

"Nurse!" Tawag ng isang pasyente kaya hindi na niya nasagot ang tanong ko.

Nagtanong pa kami ulit pero masyadong busy ang ER kaya sandaling lumabas kami at naupos lobby ng ospital.

"You know what, tumambay muna tayo dito. Malay niyo, mapadaan siya dito.." sabi ni Thea at nagtingin-tingin muna sa mga magazines..


Naghintay kami at bumantay sa mga lumalabas pasok sa hospital.

Hanggang sa dumaan ang kalahating oras..

Isang oras..

Dalawang oras..

"Bibili muna ako ng makakain natin sa labas ha?" Paalam ni Tommy.

"Wait! Sasama ako!" Sigaw ni Thea at bumuntot kay Tommy habang naiwan naman kami ni Keanu sa lobby naghihintay parin.

"King, sigurado ka bang hindi tayo pinagtritripan ng Thea na 'yan?" Tanong ni Keanu.


"I know she's telling the truth. Nandito ang family niya. Dito siya magtratrabaho." Tugon ko.

"Paano kaya kung hanapin muna natin ang pamilya niya?" Suhestiyon nito.

"Hindi ako tanggap ng pamilya niya eh." Wika ko at nayuko.

Bigla itong tumawa ng malakas.

"Ikaw? Hindi matanggap. Noon 'yun, King! Tingnan mo nga ang sarili mo? Ibang-iba ka na. Wala ka paring kumpyansa sa sarili mo?"

"Iba ang nagagawa ng nakaraan mo sa kinabukasan mo, Keanu. Kahit nakaraan na 'yun, pwede parin nitong sirain ang kasalukuyan at kinabukasan mo.."

"Sus! You're both old enough para pagbawalan pa, King.."

Napabuntong-hininga nalang ako at napasandal sa pader.

Dumaan pa ang ilang oras..

Hanggang sa inabot na kami ng gabi.

Nakatulog na si Thea at pati sina Keanu at Tommy nababagot narin sa kakahintay..

"Pare, balik nalang tayo dito bukas.. Baka day off niya o ano. Knock out na ang kasama natin oh." Wika ni Tommy sabay turo kay Thea.

I breath out a heavy sigh at tumayo na lamang. "Sige. Gisingin nalang natin siya.."

Ginising nilang dalawa si Thea at sabay matamlay na tinahak namin ang daan papuntang entrance at exit area...

THE RULES (Under Major Editing)Where stories live. Discover now