CHAPTER • 9

1.6K 43 10
                                    


Nagising ako sa dibdib niya. Nanlaki ang nga mata ko ng pag-angat ng mukha ko ay ang pagmumukha niya kaagad ang nakita ko.

Maaga akong naboysit.

Babangon na sana ako ng hinila niya ang balikat ko pabalik sa dibdib niya.

"Huy! Gumising ka na. Alas kwatro na oh?!" Sigaw ko.

"Seriously?! Ang dilim-dilim pa dun anong gagawin mo dun?" His husky voice said.

"Gusto mo bang makauwi ng mas maaga? Pwes gumising ka ng maaga." Sabi ko.

Ang masaklap ay pinulupoy niya pa ang mga braso sa akin. Mas lalong hindi ako makagalaw.

"King! Guuumiiising kaaanaaaa!" Gigil na gigil na wika ko habang malakas na tinutulak ang mukha niya.

"Isa pa talaga, Claire. Malilitikan ka talaga sakin." Banta nito habang nakapikit.

Bumuntong hininga na lamang ako at hinintay kung kailan o anong oras siya magigising.

"Hoy. Alam mo ang swerte mo na sa buhay. Pasalamat ka nga hindi ka natutulog ng alas 10 ng gabi tapos gigising na naman ng alas kwatro ng umaga para magtrabaho. Ang sarap-sarap na ng buhay mo nagrereklamo ka pa. Wala kang mararating niyan." Wika ko.

"Wala kang karapatang pagsabihan ako. Eh, sila? Kung masisipag sila bakit wala silang narating? Sabihin mo sa akin."

He's unbelievable! Bakit may mga ganitong tao?!

Malakas na hinatak ko ang sarili ko. "Wala nga silang narating. Pero ang mga pamilya at anak nila, maganda ang mga buhay." Tumayo na ako at agad na tumungo sa maliit na kusina at nagluto ng makakain namin.

___________

"Masyadong bang close ang mga kilay mo at parati 'yang magkadikit?" Natatawang wika ko habang sarap na sarap sa breakfast namin.

Adobong kangkong!

"Paano mo nakakain ang pagkain tinatapak-tapakan lang diyan! Saan mo dinampot 'yan?!" Inis na tanong niya.

"Ang sarap, hibang ka ba? Tikman mo kasi!"dumampot ako ng kanin at ulam gamiy ang kamay ko at isusubo sana sa kanya ng mabilis na tinapik niya ang kamay ko. Natapon tuloy ang pagkain.

Bumagsak nalang ang mga balikat ko. Ang hirap-hirap turuan ng leksyon ang taong 'to.

"Okay. Bahala ka. Magpagutom ka. Kung gusto mo pumunta ka ng bayan. Tingnan ko kung makakarating ka dun agad-agad." Wika at tumayo bitbit ang plato ko.

Kape lang ang ininum niya bg pumunta kami sa tubuhan para magtrabaho.

Nakasando siya at naka-jagger. Suot-suot din niya ang boots na pinahiram sa amin. Ako naman balot na balot parin ng patong-patong na long sleeves. Lalaki naman 'to. Hindi naman siguro ito mamatay sa gutom.

________

Pagkatapos ng mahabang araw namin sa tubuhan ay sa wakas uuwi na rin kami. Dala-dala ang mga bag namin ay sinalubong kami ni Mang Edgar.

"Maam at Sir. Sweldo niyo ho." Wika nito sabay abot ng dalawang sobre.

"Nako, 'wag na po Mang Edgar. Sainyo na po 'yan." Wika ko at ibinalik ang mga ito.

THE RULES (Under Major Editing)Where stories live. Discover now