CHAPTER • 50

1K 33 10
                                    



Ilang araw na akong hindi makatulog ng maayos sa kakaisip. Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko.

Alam kung mahal ko si King. Pero mas mahal ko ang ate ko. At walang kapatawaran amg dinulot nito sa buhay niya.

Pinagmasdan ko ang daliri suot-suot parin ang singsing.

Napaluha na lamang ako at pinilit na ipikit ang mga mata.

___________

Pumunta ako sa villa nila. Pagkarating ko ay agad na sinamahan ni Ken sina Thea, Keanu at Tommy sa pool para makapag-usap kami ng maayos.

Magkahalong galit at sakit ang nararamdaman ko kapag nakikita ko siya.

Umiiyak na hinubad ko ang damit ko sa harap niya.

"Ito rin ang kailangan mo sa akin di ba?! Lubus-lubusin muna King! Kunin muna lahat ng kailangan mo kasi ito naman ang gusto mo diba?!" Galit na sigaw ko.

Namuo ang mga luha niya habang nakatitig sa akin.

Umiiyak na dinampot niya ang kumot at ibinalot ito sa akin. 💔

Muli siyang naupo sa harap ko, tuloy parin ang pagdaloy ng mga luha niya.

"Claire, mahal kita hindi dahil diyan. Claire, ngayon lang ako ulit nagmahal ng ganito.. Alam ko, nagkamali ako. Hindi lang isa kundi ng ilang milyong beses. Pero alam mo, alam mong nagbago ako. Minsan akong naging gago,

Pero wala na ba akong karapatan na mabigyan ng pagkakataong patunayan ang sarili ko?"

Bumuhos ang luha ko.

"Claire, sobrang mahal kita."

Napatakip ako sa mukha at humagulgol sa pag-itak. "King, mahal din kita. Pero hindi nga pwede.."

"Claire.. Pwede kung gugustuhin mo."

"Kung pipilitin ko mas lalo kung masasaktan ang ate ko, King. Hindi ko kakayanin 'yun.."

"Eh, ano ang gusto mong gawin ko?"

Napakabigat sa loob ko habang unti-unti kong tinatanggal ang singsing sa daliri ko.

Umiiyak na umiling siya at pinigilan ako.

"No. Claire, malalampasan natin 'to. Okay?" Namamaos na wika niya at niyakap ako.

Marahang kumalas ako sa pagkakayakap niya.


"Siguro nga hindi pa ito ang tamang panahon para sa ating dalawa..

O wala naman talaga tayong tamang panahon..

Kasi baka hindi naman pala  tayo ang para sa isa't-isa."

Bumuhos lalo ang emosyon ko matapos ko itong sabihin. Kinuha ko ang kamay niya para ibalik ang singsing.

"Hindi ako dinala ng mga paa ko dito sa Greece ng walang dahilan, Claire.."

THE RULES (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon